Chapter Five

345 21 7
                                    

Chapter Five

∞♥∞♥∞♥∞

Hindi ko alam kung ano ang mas malala, ang lait laitin ka ng mga tao dahil sa itsura mo which is sanay na ako kasi hindi naman ako in denial pero sa ngayon, hindi lang tabachoy, taba o baboy ang naririnig ko kung hindi pati na mangkukulam, mambabarang at albularyo.

Nakakaloka na pero kung nagkataon nga na naging isa ako sa mga sinasabi nila baka tinubuan na sila ng pimple na ga-pigsa ang laki sa ilong.

After ng eksena kanina sa canteen, hindi na tumahimik ang mga tao.

Eto na naman at center of attention ako pero dahil sa ginayuma ko daw si Luigi na kaibiganin ako.

Tama nga siguro si Luigi, masyadong supersticious ang mga tao dito at ang mga utak, hindi ko maimagine kung fully functioning o ano.

Pero tulad ng dati, hindi ko na lang pinansin.

Ngayon ko lang din napansin na hindi ko pala nakita sa kahit na anong subject ko si Luigi at ng tanungin ko siya kung anong section siya kasama, ngiting ngiti pa siya ng sagutin ako.

Dapat siguro inexpect ko na kasi nga nahuli ko na siyang natutulog sa first day of school niya, nasa last section siya dahil dito sa school namin, ang mga nageexcel sa klase ay sa first section at ang mga estudyante na kailangan ng improvement ay sa mga susunod pa.

Hindi naman nagbago kahit papano o bumaba man ang tingin ko sa kanya dahil kahit naman tamad siya magaral, at least hindi siya hambog at mayabang dahil lang nabiyayaan siya ng itsura.

Gwapo naman kasi talaga eh, mas matakaw nga lang sa akin.

Pero unfair, bakit hindi naman siya lumolobo?

“Ms Baylosis, are you done day dreaming?”

Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na nasa loob nga pala ako ng classroom at may klase kami ngayon, bakit nga ba hindi ako nakikinig?

“Sir?”

Nakakunot ang noo ng teacher ko na tumitig sa akin habang busy naman sa bulong bulungan ang mga classmate ko.

Wala na ba talaga silang ibang ginawa kung hindi ang magtsismisan? Hindi ba sila nauubusan ng maikwekwento o kaya ng hininga man lang?

And here I thought si Luigi na ang pinakamadaldal na taong nakilala ko.

“Since you were busy with whatever you were doing, would you please answer the question that I just asked.” biglang sabi ng teacher ko.

Shit, I really need to stop thinking about that guy.

Mapapahamak ako nito.

Wala naman akong ibang choice kung hindi ang tumayo habang nagtatawanan ng palihim ang mga tao sa paligid ko.

Buti na lang wala akong stage fright at sanay na ako kung hindi, baka nahimatay pa ako ng wala sa oras.

“Uhm, would you please repeat the question?” nahihiyang sabi ko.

Tama naman kasi siya eh, hindi nga naman ako nakikinig. Naku, wag naman sanang panibagong detention.

Hindi pa nga ako nakakarecover dun sa isa.

Pero siguro malakas talaga ako sa itaas kasi tumunog na yung bell, ibig sabihin tapos na ang klase namin. I sighed in relief because I was saved once again by the bell, kailangan ko na nga sigurong alayan yung bell namin.

“Nevermind Ms Baylosis, class dismiss.”

Tumango na lang ako at inayos na ang gamit ko para makalabas na ako at baka magbago pa ang isip ng teacher ko at ipadala pa ako sa guidance.

Mataba ako, and so?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon