Chapter Two
∞♥∞♥∞♥∞
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nagiintay dito.
Minutes?
Hours?
Basta ang alam ko, ngalay na yung pwet ko.
Pinaupo lang kasi ako ni Ms. Reyes sa Detention Room, which is an enclosed space kung saan lahat ng napaparusahan ay pinapatigil muna para daw isipin kung ano yung mga nagawang kasalanan...daig pa ang nasa simbahan.
Hindi naman masama yung buong room, air conditioned naman at mukhang friendly dahil dun sa painting ng pusa na parang ginawa ng isang eight year old at nakasabit sa may unahan katabi ng chalk board.
But I'm still bored.
Hindi man lang ako makapag basa kasi lahat nung books ko nasa bag ko na naihagis ko naman sa kung sinong maligno yung natutulog dun sa hide out ko at ako namang si tanga imbes na dumampot na lang ng kung anu sa lupa, bag pa ang naisip.
Pero di naman kasi madaling yumuko eh so siguro good idea din na yung bag ko ang ginamit ko pero panu na yung mga notes ko at yung tigta-tatlong daan na libro na binili ko kahapon, di ko pa yun nababasa.
Haist, bwisit naman oh.
Masyado akong busy sa pagdadalamhati kaya di ko na napansin na meron na palang nagbubukas ng pinto, napatingin lang ako ng biglang pumasok si Ms. Reyes at may kasunod siyang lalaki but I quickly diverted my eyes away pagkatapos kong marealize kung sino yung kasunod ni ma'am.
Arghhh, this is the most unluckiest day of my entire worthless existence.
“I've given you enough warnings Rhamiel and this is the third time you've skipped your classes so detention for you too as well, take a seat right now.”
Nag act na lang ako as if na may sinusulat ako sa lamesa kahit wala naman talagang nakalagay na papel o ballpen man lang sa desk ko.
Ang tanga ko talaga.
Pero di ko siya pinansin nung dumaan siya sa may tabi ko at umupo sa may pinakalikod ng room.
“Ms. Baylosis, are you vandalizing school property?” nagtaas na naman ng boses si Ms. Reyes kaya napatunghay ako mula sa pagkakatungo ko sa desk at agad umiling.
“Di po ma'am, chine-check ko lang po kung authentic yung kahoy na ginamit ng manggagawa sa desk natin, alam niyo na, para masiguradong hindi masisira kung saka sakaling maupuan ko.”
Tinitigan lang niya ako ng mariin bago niya ako inirapan at nag walk out na ulit.
This was beyond annoying, kung bakit ba naman nag hire ang school ng sobrang batang supervisor na feeling ko mas childish pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Novela JuvenilHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.