Short update, masyado ng matagal eh. Sorry :/
Enjoy na lang
~*~
Sobrang sakit na ng paa ko, gusto ko ng putulin. At hindi rin nakakatulong ang sobrang atensyon na natatanggap ko. Lahat na yata ng tao at nakatingin sa amin.
Sabagay, ikaw ba naman ang maistuck sa gitna ng dalawa ng isang Luigi -ang gwapong gwapong madaldal na transferee at ni Rhamiel - ang kilalang bad boy ng school na to.
Ano ba to, parang ang cliche naman masyado. Parang isang scene na hinugot sa kung anu mang palabas sa tv.
Well, pwera na lang siguro sa part na halos di na ako makalakad at sobrang saya ko na ng makita ko ang pinto ng nurse's office. Agad din naman kaming sinalubong ng nurse.
Mukhang bago na naman sa paningin ang nurse na ito at shit, bakit parang mas mukhang model siya kaysa nurse??
"Anong nangyari sa kanya?" Nagaalalang tanong nito.
Hindi naman ako makaimik kasi naman speechless ako.
"Nasprain po ata yung paa niya, bumagsak kasi siya sa sahig." Paliwanag ni Luigi ng mapansin niyang di ako makapagsalita.
Agad naman akong tinulungang makaupo ng kung sino mang nurse ito sa hospital bed at kumuha ng isang bote ng tubig at gamot.
"Inumin mo muna itong pain killer para hindi ka naman mamilipit sa sakit." Sabi nito sabay abot sa akin.
Tumango na lang ako at sinunod ang sabi nito. Pagkatapos kong uminon, napansin ko naman si Luigi na nakatayo sa may gilid ng kama at si Rhamiel na nakatayo at naghihintay sa may pinto.
Ay oo nga pala, kailangan ko pa palang magpasalamat. Oh no.
Awkward.
"Uh, thank you nga pala sa pagtulong niyo." Bulong ko habang pinaglalaruan ang puting punda na nakalatag sa inuupuan ko.
"Hindi naman kita pwedeng pabayaan na lang sa sahig diba?" Pagbibiro ni Luigi.
Nginitian ko naman siya at sabay lingon sa pinto.
Pero wala na si Rhamiel sa kinatatayuan niya. Bigla atang nag disappear out of no where at di na ako nagulat, palagi naman siyang ganun. Hindi ko na lang yun pinansin at sabay lingon ulit kay Luigi.
"Aba, bakit bigla naman atang nawala yung lalaki?" tanong ni Luigi ng mapansin niyang wala na ngang tao sa may tabi ng pinto.
"Magkakilala pala kayo ng president ng drama club?" pagbabago ko ng topic.
Oo, siguro malaki rin ang pasasalamat ko dahil kahit papaano tinulungan ako ni Rhamiel pero sa tingin ko marami pa ring problema ang taong yun at ayoko madamay. Mabuti na nga siguro na nag disappear siya bago pa ako makapag salita.
Naku naman, bakit sa tingin ko kapag nasa 100 meter radius ko ang lalaking yun, ako ang pinaka masamang nilalang sa mundo.
Pero I remember how he was also the most rudest guy before and back then we were friends...kind of.
Nakakainis naman talaga oh.
"Oo nga pala, nakalimutan ko na ang tungkol sa babaeng yun." Biglang sabi ni Luigi and I was relieved because he was just in time to pull me out of my miserable thoughts.
Thoughts which includes Rhamiel.
Urg.
"Cassidy is my step sister." he said after shrugging.
Napatitig na lang ako sa kanya at napanganga, speechless kung baga dahil sa bagong revelation na ito! Napaka laking plot twist naman nito because I could've sworn may something sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mataba ako, and so?
Teen FictionHindi nasusukat ang worth ng isang tao sa timbang o laki niya.