"Huh?" Sabay na sabi namin dahil sa gulat at pagtataka.
"Anong ibig mo namang sabihin d'yan, aber?" Masungit na tanong ni Rea at pinagkrus pa niya ang mga braso niya.
Napakamot si Joseph sa ulo niya.
"Okay ganito kasi, sinabi sa'kin ng kaibigan ko na ginawa na raw nila ang bagay na 'yon-"
"Sandali! Pero hindi pa sila kasal para gawin ang mga ganiyang bagay kahit pa nasa legal age na tayo." Pagpuputol ni Peter sa sinasabi ni Joseph.
Naiinis na nilingon niya si Peter. "Alam ko 'yon! Atsaka 'wag mo nga munang putulin ang sasabihin ko."
Tinaas ni Peter ang dalawa niyang kamay. "Okay, okay. Noted."
Napailing na lamang ang dalawang babae sa inakto ng dalawa.
"So, ito na nga. Pero!" Malakas na sigaw niya kaya napaigtid si Blythe at Peter at nahampas naman siya ni Rea dahil sa pagkakagulat.
"Ano ba!" Hindi pinansin ni Joseph si Rea.
"Gumamit naman daw siya ng condom pero pagkatapos daw ng ilang linggo . . . yata?" Pagdadalawang isip niya sa huli niyang sasabihin pero iwinasiwas niya ang kamay niya at umiling.
"Nevermind. Pero ayon pagkatapos nga ng ilang linggo ay biglang sinabi niya na buntis daw siya na ikinataka niya kasi paano raw mabubuntis ang girlfriend niya kung gumamit daw siya ng condom."
Natahimik ang tatlo lalo dahil sa sinabi ni Joseph. Parang napa-isip din sila sa sinabi ng kasama.
"Baka butas," Sabi ni Peter kaya napatingin sila sa kaniya.
"Kakabili lang daw niya ng condom no'n e."
Napatingin kami kay Rea ng marinig namin ang tunog ng ii-snap niya ang mga daliri niya.
"Nag-cheat 'yon," Sabi nito na parang sure na sure siya sa sagot niya.
Kumunot naman ang noo ni Blythe pero kalaunan din ang nakuha niya ang sinabi ng kaibigan.
Tumango-tango ang dalaga. "Tama, may possibility nga na gano'n."
Napansin ni Blythe na nakakunot pa rin ang noo nila sa pagtataka kaya nginitian sila nito.
"Kung hindi butas ang condom niya ibig sabihin lang no'n ay iba ang nakabuntis. Ginagamit lang naman ang condom para hindi ka makabuntis, 'di ba? At isang beses lang naman siguro nangyari 'yon?"
Tumango si Joseph. "Oo, sabi niya isang beses lang daw 'yon at hindi na nasundan."
"May possibility nga na iba ang ama pero mas malalaman mo kung tama ang sinabi ni Rea kung tatanungin mo kung ilang weeks na ang baby at kung kailan sila huling-"
"Nag-sex." Pagpuputol ni Rea sa sinabi ni Blythe kaya sinimangutan ito ng dalaga.
Nginitian siya ng kaibigan. "Alam kong mahihirapan kang banggitin kaya ako na lang."
Napailing na lamang si Blythe at tinignan ulit ang dalawa.
'Ah! Oo nga 'no? Pwede nga 'yon,' Sabi ni Joseph sa isip-isip niya.
'I pity that guy,' Sabi naman ni Peter sa isip niya.
"Ah! Gets ko na," Sabi ni Joseph na ikinatango naman ni Peter.
"Sige, alis na ko. Sabihan ko na siya," Sabi niya at tatakbo sana pero hinawakan siya ni Blythe sa braso kaya nagtatakang napatingin ito sa dalaga.
"Bakit?" Takang tanong ni Joseph.
"Uhm . . . paki-sabi na lang sa kaibigan mo kung inakusahan namin ang girlfriend niyang cheater. Ayon lang din naman ang possible reason e."
Nginitian ni Joseph si Blythe.
'Kahit kailan talaga ang bait-bait ni Blythe.' - Joseph.
"'Wag kang mag-alala hindi naman siguro magagalit 'yon kung makukuha niya rin ang punto." Nakangiting sabi ni Joseph at marahang ginulo ang buhok ni Blythe.
"Sige na, alis na ko. Malapit ng magsimula ang klase."
Nginitian ni Blythe si Joseph. "Sige, good luck!"
Kumaway pa muna si Joseph sa iba bago ito umalis. Lumapit naman si Blythe sa lamesa niya at kinuha ang mga gamit niya.
"Hay! Naaawa na agad ako sa kaibigan ni Joseph," Sabi ni Rea.
"Same feels," Sabi naman ni Peter.
"If ever man na totoo 'yon . . ." Napailing-iling si Rea.
"Hindi maganda na ipapaako mo sa iba ang bata na hindi naman sa kaniya," Sabi ni Blythe.
"At hindi rin naman maganda na gawin agad ang bagay na 'yon. May tamang panahon sa pakikipagsiping kahit pa na mahal mo ang taong 'yon." Sabi naman ni Peter.
Tumango-tango si Rea at nakinig na lamang si Blythe.
'Ang mga bata ngayon talaga, mapupusok.' Ani ni Rea sa kaniyang isip.
Napailing na lamang si Rea sa naisip at nilingon si Blythe.
"Sabay na tayo pumasok, Blythe," Sabi ni Rea kay Blythe kaya tinignan siya nito at tinanguan.
"Sige, tara na," Sabi ni Blythe at kinuha ang mga gamit. Gano'n din naman si Rea.
"Una na kami, Peter," Sabi ni Rea kay Peter na busy sa lamesa nito.
"Sige, aral mabuti," Sabi ni Peter.
"See you," Sabi ni Blythe na ikinatango na lamang ni Peter dahil baka mawala na siya sa binabasa niya sa lesson.
Pagkarating nila sa floor kung nasaan ang classroom nila ay nagsalita si Rea.
"Sabay tayo mamayang lunch?"
Tumango si Blythe. "Sige, sa cafeteria na lang ba tayo magkikita?"
"Oo, sa usual spot." Sagot ni Rea.
Naghiwalay na rin silang dalawa since nasa left side ang room ni Blythe habang room naman ni Rea ay nasa right side.
Pagkapasok niya sa room ay nakita niya ang mga kaklase niyang nag-uusap-usap at napansin niya rin na may mga bagong kaklase. Napatingin sa kaniya ang iba pagkapasok niya kaya nginitian niya ang mga ito.
"Good morning, Blythe." Bati ng iba sa kaniya.
Pumunta muna siya sa gitna para makita niya ang lahat ng mga kaklase niya.
"So, ako ang naatasan ni Ma'am na sabihan ang announcement." Hinanap ni Blythe ang secretary ng klase.
"Miss Secretary . . ." Napataas ito ng kamay.
"Pasulat ng ia-announce ko then pabigay kay P.I.O."
"Noted po," Sabi n'ya at nag-okay sign naman sa ang P.I.O.
"Magkakaroon tayo ng Welcome Program this coming Friday, eight o'clock. Bawal ma-late guys. Itong program na 'to ay lagi namang ginagawa every year to welcome new students and teachers and also to welcome another school year."
Nilibot ni Blythe ang paningin para makita kung wala bang nakinig sa kaniya at mabuti naman ay lahat sila ay nakikinig.
"Ang mga dadalhin niyo ay tubig, snacks, face towel, well kahit hindi na yata since may air conditioner naman ang auditorium. Pero bring one, just in case. And also be aware of your belongings in and outside the school."
Hinanap ng dalaga ang Class President. "President,"
Nagtaas siya ng kamay. "Here!"
"Ikaw na bahala sa mga kaklase natin sa Friday, ha? Busy kasi ako sa SSG kaya hindi kita matutulungan..."
"Okay lang po," Sagot niya kaya nginitian siya ni Blythe.
"The rest of the officers, help the class president."
"Noted!" Sabay-sabay na sabi ng ibang officer kaya tumango si Blythe.
Lalakad na sana si Blythe papuntang upuan niya ng may nakalimutan siyang sabihin.
"Oh! I forgot."
Kaya napatingin ulit sila sa kaniya. "Bring your ID. For security purposes. That's all. Thank you. You can continue what you are doing."

YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
AcciónUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...