Chapter 33

1 0 0
                                    

"Blythe, hindi ka pa ba uuwi?" Bulong na tanong ni Rea.

Nasa library kasi silang dalawa kaya nagbubulungan ang dalawa. May tinatapos rin silang ibang assignment dahil maaga silang pinauwi kaya naisipin na lamang nilang gawin at tapusin ang iba nilang school work. Gusto kasi nila na pag-uwi nila sa kanilang bahay ay konti na lang ang kailangan nilang gawin. Hindi rin naman sila makaka-gala dahil sa dami nilang school works. Kailangan nilang bawas-bawasan na ang mga gawain para hindi sila matambakan.

Umiling si Blythe sa tanong ni Rea. "Hindi pa, hindi pa ko tapos e. Atsaka maaga pa naman, baka bago magsara ang library natapos na ko rito."

"Sige, balik mo na lang sa'kin bukas 'yong notebook ko," Sabi ni Rea habang inaayos ang kaniyang mga gamit.

"Sige, ia-abot ko kaagad sa'yo bukas. Kapag hindi tayo nagkasalubong bukas baka puntahan na lang kita agad sa classroom niyo," Sabi naman ni Blythe habang nagsusulat ng notes.

Tumayo si Rea. "Alis na ko. Naghihintay na driver namin e."

Pumunta si Rea sa pwesto ni Blythe at hinalikan ito sa pisngi kaya napatigil si Blythe sa pagsusulat.

"Ingat kayo sa pag-uwi." Nakangiting sabi ni Blythe.

"Mag-ingat ka rin." Nakangiti ring sabi ni Rea. "Bye."

"Bye," Sabi ni Blythe at kumaway kay Rea na papaalis.

Nang makaalis na si Rea ay nagmamadaling tinapos ni Blythe ang pagno-notes para hindi siya maabutan ng pagsasara ng library.

Napa-inat-inat na lamang si Blythe ng matapos siya sa pagsusulat. May mga lessons kasi siya na hindi niya na sulat dahil ilang araw siyang absent. Agad din naman siyang nagligpit ng mga gamit niya dahil ilang minuto na lamang ay isasara na ang library.

Habang naglalakad siya sa may hallway ay nakatanggap siya ng text kaya agad niya itong kinuha sa bag niya.

From Manong:

Ma'am, nandito po ako sa may gate. Dito ko na lang po kayo susunduin.

Agad din namang nagtipa ng sagot si Blythe.

To Manong:

Sige po. Pababa na naman na po ako.

Hindi na nag-abala pang ibalik ni Blythe ang phone niya sa bag at dali-dali na lamang siyang bumaba, patakbo na halos ang gawin niya para hindi na maghintay pa ulit ng matagal sa kaniya ang driver nila.

Nang malapit na si Blythe sa may gate ng school nila ay unti-unting bumagal ang paglalakad niya dahil sa bulto ng lalaki na nakikita niyang nakatayo sa harapan ng gate nila. Alam niyang hindi nila ito driver at lalo nang hindi niya ito kuya dahil alam niya ang postura at pananamit ng mga iyon.

Nang halos malapit na siya sa may gate dun lamang siya natigil sa paglalakad dahil sa kompirmasyon na kung sino ang nakatayo sa may gate nila — ang kaniyang ama.

Nakatayo ito at nakatingin sa kaniya. Nilibot niya ang paningin niya para hanapin ang driver nila at nakita niya ito sa may tapat ng waiting shed. Agad naman itong lumapit kay Blythe.

"Miss Blythe, kailangan ko na pong bumalik." Magalang na pagpapaalam nito.

Kumunot ang noo ni Blythe habang nakatingin sa driver nila.

"Po? Bakit po?" Nagtatakang tanong ni Blythe.

"Kasi—"

"Kasi kailangan kitang makausap, Blythe." Pagdudugtong ni Hadeon sa sasabihin ng driver ng kaniyang anak.

Agad naman napatingin si Blythe sa ama. Halata ang gulat sa dalaga dahil ito ang unang beses na makakausap niya ang kaniyang na silang dalawa lang.

"Bakit po?" Nagtataka pa ring tanong ni Blythe.

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now