Chapter 34

1 0 0
                                    

"Kuya Liam, anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Blythe sa pinsan.

Paalis na sana si Blythe dahil dumating na ang kuya niyang si Theo nang bigla dumating si Liam.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong ni Theo.

Ngumiti ng malawak si Liam. "Meron."

"Eh. . . anong ginagawa mo rito?" Tanong pa ni Theo.

"Sinusundo ang kapatid mo," Sabi ni Liam kaya napatingin ang dalawang lalaki kay Blythe na nakatingin lang din sa kanila.

Nilingon ulit ni Theo ang pinsan. "Alam mo, nitong mga nakaraang buwan mo pa kinukuha ang kapatid namin."

"Bakit ba?" Nakasimangot na reklamo ni Liam. "Wala naman akong kapatid na magugulo o makakasama e. Edi 'yong inyo na lang."

Halos mapanganga si Theo sa narinig sa pinsan habang nakakunot naman ang noo ni Blythe sa pinagsasabi ng lalaki.

Nabubuang na ata itong pinsan ko. Hindi ko akalain na ito gagawin niyang dahilan para lang kunin ako. Sabi ni Blythe sa kaniyang isipan.

Paano ko ba naging pinsan 'to? Tanong naman ni Theo sa kaniyang sarili.

"Sige na, kuya. Sasama na ko kay kuya Liam," Sabi ni Blythe sa kapatid.

"Saan na naman ba kayo pupunta?" Tanong ni Theo.

Nagkibit balikat si Blythe. "'Di ko alam diyan. Kung saan-saan niya ko dinadala e."

"Pero!" Pagsisingit ni Liam sa usapan ng pasigaw kaya nagulat ako magkapatid na nilingon siya kaya lalong lumawak ang ngiti ni Liam.

"Hindi ko naman ipapahamak 'yan si Blythe 'no. Laging safe ang pupuntahan namin." Pagmamalaking sabi niya.

Pero baliktad naman ang nangyayari. Sambit ni Blythe sa kaniyang isipan.

Palihim na tinaasan ni Blythe ng kilay ang pinsan na kinindatan lang siya pabalik at humarap kay Theo na nakangiti at itinataas-baba ang dalawang kilay.

Napa-iling si Theo sa itsura ng pinsan dahil naaalibadbaran siya sa itsura nito kaya tumango siya para umalis na ito sa harapan niya.

"Oh!" Sambit niya at inabot ang bag ni Blythe kay Liam. "Alagaan mo 'yan ah! Humanda ka talaga sa'kin pag may nangyaring hindi maganda diyan sa kapatid ko."

Agad na kinuha ni Liam ang bag ni Blythe kay Theo at tumango-tango. "Yes, sir! Akong bahala kay bunso."

Napailing na lamang si Blythe sa pinagsasabi ng pinsan.

"Sige na, umalis na kayo. Baka gabihin pa kayo sa daan," Sabi ni Theo.

Lumapit si Blythe sa kapatid at hinalikan ito sa pisngi. "Ingat sa pag-uwi, kuya."

Tumango si Theo at niyakap sandali ang kapatid. "Mag-ingat din kayo."

Pagkatapos magpaalam kay Theo ay agad na sumakay ang dalawa sa sasakyan ni Liam at umalis ng eskwelahan ni Blythe.

"Ngayon na ba tayo magpa-plano?" Tanong ni Blythe kay Liam.

"Yes, nabalitaan namin na malapit na sa bansa ang barkong pinaglalagyan ng kwintas kaya kailangan na nating magplano."

Bumuntong hininga si Blythe at sumandal sa kinauupuan. "Paniguradong mahihirapan tayong makuha 'yon."

Sinulyapan saglit ni Liam ang pinsan. "Kinakabahan din ako dahil aside sa mga bantay nito ay nandun pa ang iba nating mga kaaway. Pero mahalaga ang nilalaman ng kwintas na iyon at dapat itong mapunta saatin at hindi kahit kanino."

"Alam ko 'yon. Natatakot lang sa kalalabasan nito. Ito na ata ang unang mabigat na misyon na nahawakan ko simula nang maging si Astraia ako kaya hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang huling misyon ni Astraia, ang maibalik ang kwintas sa organisasyon at pangalagaan ito pero. . ." Napabuntong hininga na lamang ulit si Blythe.

Hindi maiwasang kabahan ni Blythe sa misyon nilang ito. Natatakot siya na baka hindi niya magawang makuha at ma-proteksyunan ang kwintas na huling naging misyon ng Astraia noon at hindi dapat iyon maulit muli.

Hinawakan ni Liam ang kamay ng pinsan at pinisil ito kaya napalingon sa kaniya si Blythe. "Nandito kami, Blythe. Hindi ka namin papabayaan. Tutulungan ka namin na magawa ang huling misyon ni Astraia."

Napangiti si Blythe at pinisil pabalik ang kamay ng pinsan.

Pagkarating nila sa HQ - Conference Room ay kumpleto na silang at sina Liam at Blythe na lamang ang hinihintay. Kaya agad na umupo silang dalawa sa kanilang pwesto para makapag-umpisa na sila sa pagpaplano.

"We're now complete. . ." Panimula ni Gedeon.

May biglang lumabas na larawan sa kaniyang likuran kaya agad na punta sa gilid si Gedeon para makita nila ng maayos ang larawan— ang Golden Sunflower.

"Napabilis ang shipment ng kwintas at magaganap na ang auction sa makalawa. Kaya pa-planuhin natin ngayon kung paano natin ito makukuha," Sabi ni Gedeon.

"Akala ko isang buwan pa?" Nagtatakang puna ni Satoshi.

"Kahit kami rin. Pero gumawa ng paraan ang nag-organize ng auction na mapabilis ang shipment nito dahil sa mga organisasyon na gustong makuha ito." Sagot ni Sancus.

"Ginugulo nila ang organizers ng auction na gusto nila agad itong makuha pero dahil mas malaking organisasyon ang may hawak ng kwintas ay wala silang magawa kundi ang maghintay at mag-unahan na makuha ito sa araw ng auction." Dugtong ni Duncan.

Tumango-tango ang mga taong nasa conference room dahil sa paliwanag ng dalawang binata. Tumayo si Sancus at may inilabas na blueprint sa screen.

"Ito ang blueprint ng lugar kung saan gaganapin ang auction," Sabi ni Sancus. "Medyo kumplekado ito dahil maraming secret passage ang madadaan at maaaring ma-encounter ng kahit sino sa'tin."

"May nakakaalam pa ba ng blueprint na 'yan?" Tanong ni Astra.

Umiling si Duncan. "Wala pa naman. Actually, nakuha na namin ang blueprint na 'yan two months before they announce the auction of the necklace."

Nagtatakang tumingin sila kay Duncan.

"Ako ang nagsabi sa kanila na kunin ang mga information na makukuha nila sa lugar na 'yan at kasama sa mga nakuha nila ang blueprint. Atsaka lang din namin nalaman na dun din gaganapin ang auction two months after ko sa kanila ipagawa ang misyong iyon at nang lumabas ang balita tungkol sa kwintas." Pagpapaliwanag ni Gedeon.

Lalong nagtaka sila Liam kung bakita kailangan ni Gedeon ng information tungkol sa lugar na iyon. Napansin naman ni Gedeon ang pagtataka sa mga muhka nila.

"'Wag na muna niyong pagtuunan ng pansin iyon. Mas mahalaga ito. Ito muna ang unahin ninyo," Sabi ni Gedeon kaya napatango na lamang sila Liam.

"Don't worry, tayo lang ang may copy nito. We hack their system and erase any signs of the blueprint para wala makuha at makaalam nito. Hindi na rin naman maibabalik sa system nila ang blueprint at hindi na rin ito mare-retrieve." Paliwanag ni Duncan.

Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag sila Astra dahil hindi na sila mahihirapan pa sa pagkilos dahil sila lang ang nakakaalam ng blueprint.

"Isesend ko sa inyo ang copy nito pero kailangan niyo rin agad itong makabisado dahil tatanggalin ko rin agad ito sa system ng mga device nyo para walang ma-trace o makuhang information sa inyo. Kailangan nating mag-ingat dahil original blueprint ang hawak natin," Sabi ni Sancus.

Nagtaas ng kamay si Maeko kaya napatingin silang lahat sa kaniya.

"Paano ang formation natin?" Tanong ni Maeko.

Magsasalita pa lamang si Gedeon ng biglang nagsalita si Astra.

"I have an idea," Sabi ng dalaga.

Napatingin ang lahat kay Astra. "We should made Maeko as Astraia again."

Kumunot ang noo nila sa pagtataka dahil sa sinabi ni Astra.

"Magpapalit uit kayo?" Pagkukumpirma ni Liam.

Umiling si Astra. "No."

"Then, what?" Tanong naman ni Donovan.

Ngumisi si Astra.

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now