Chapter 32

1 0 0
                                    

"Kailangan niyo pa rin ituloy ang set-up niyo ngayon. Maeko still needs to act as Astra," Sabi ni Sancus na tinanguan lamang nina Maeko at Astra.

Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay agad silang pumunta sa kwarto nila Sancus para magplano sa gagawin nilang misyon sa isla kung saan sila naglalagi ngayon pagkatapos ng misyon nila kagabi.

"Kailangan nating magmanman ngayong umaga dito sa resort dahil nandito lang sila." Dugtong ni Sancus at may pinakitang sampung pictures ng mga lalaki gamit ang maliit na projector na dala nito.

"Ayan ang mga taong kailangan nating manman ngayong gabi. Nahahati sila sa dalawang grupo."

Nahati sa dalawang grupo ang sampung lalaking. Ang grupo na nasa left side ay may symbol ng Ravens, sila ang myembro ng kalaban nilang grupo. Habang ang nasa right side ay may symbol na diamond pero burado o hindi konektado ang diamond dahil walang linya sa may right side nito. Mēness ang tawag sa grupo nila katulad ng symbol nila.

"Sila ang grupo na magkakaroon ng transaction mamayang gabi sa likod ng rock formation na nandito lang din malapit sa hotel," Sabi ni Sancus.

Kaya dumuwang sila saglit sa may bintana at nakita ang rock formation na sinasabi ni Sancus. Hindi naman ito kataasan pero sapat na para matakpan ang nasa kabila at sapat na rin para maakyat.

"At itong dalawa," Sabi ni Duncan at may inilapit ang dalawang picture ng lalaki.

"Sila ang leader ng dalawang grupo. Kailangan natin sila makuha katulad din ng drugs na isu-supply ng mga Ravens mamayang gabi."

"Who are they?" Takang tanong ni Astra habang nilalaro ang dagger na nasa kamay niya.

Napailing na lamang si Sancus sa ginagawa ng leader.

"We still haven't got their information but we got their aliases. The Ravens' leader is called Hunt while the Mēness' leader is Ray." Sagot ni Sancus.

"The others?" Tanong ni Liam.

Nagkibit-balikat si Duncan. "Just numbers."

"Numbers?" Nagtatakang tanong ni Astra. Kahit ang iba ay nagtataka rin.

"Yeah. Instead of aliases, codes ang kanila." Sagot ni Duncan.

Bakas pa rin ang pagtataka kila Astra kaya napabuntong hininga si Sancus.

"They're lab rats, that is why they have numbers as their aliases instead of names." Maikling paliwanag ni Sancus.

"What? Lab rats?" Gulat na tanong ni Maeko. "So meaning 'yang walong 'yan. . ." Turo niya sa mga pictrues na naka-display.

"Ay wala na sa katinuan?"

Tumango si Sancus at Duncan sa tanong ni Maeko.

"Yes." Sabay na sagot ng dalawa.

"So, the drugs are successful?" Tanong ni Astra.

Natahimik sila dahil sa tanong ni Astra at nagkaroon ng tensyon. Tumikhim si Sancus para mawala ang tensyon.

"We did some background checks on that. We learned that some people in their lab need to have a huge dosage for them to be controlled, some of them just need a small amount. It depends on the person's body and mental health, I guess." Sancus explained.

"What do you mean about that?" Donovan asked.

"Some of the people who got controlled easily because of the small amount of drugs have mental health issues. Kaya madali para sa kanila ang ma-control ang mga ito." Duncan said.

"So, ang iba sa kanila ay malalakas ang katawan at ang kanilang isipan kaya malalaking dosage na ang binibigay para ma-control sila?" Paniniguro ni Satoshi na ikinatango nila Sancus.

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now