Chapter 7

1 0 0
                                    

"Grabe na ang krimen na nangyayari ngayon." Usal ni Theo habang nasa sala sila at nanonood.

"Sinabi mo pa, kuya," Sabi ni Prama at napa-iling pa ito.

"Usap-usapan nga po 'yan sa school," Sabi ni Blythe kaya napatingin sa kan'ya ang mga kapatid niya.

"Since karamihan din po sa amin ay puro galing sa mayamang pamilya, natatakot sila na baka sila naman daw po ang isunod." Dugtong pa nito.

Kumunot ang noo ni Theo. "Mayamang pamilya ang dalawang na-massacre at parehong mga may krimen na ginawa. Kaya dapat silang matakot kung may ginawa rin ang pamilya nila na krimen."

Tumango si Prama. "Totoo. Pero syempre, mag-iingat pa rin."

"Ang grabe po pala 'yong karma kapag gumawa ka ng ganiyang kagrabing krimen." Ani Blythe.

Tumango ang dalawang nakakatandang kapatid niya sa kaniya.

"Kaya dapat lagi nating pag-iisipan ng mabuti kung ano ang mga desisyon at mga hakbang na gagawin natin dahil may kaakibat itong consequences na kailangan nating pagbayaran," Sabi ni Prama at napaturo sa TV dahil ibinabalita na naman ang krimen na nangyari nitong mga nakaraan.

"Katulad n'yan, dahil sa mga krimen na ginawa nila, ganiyan ang nangyari sa kanila."

Kumunot agad ang noo nila Theo at Blythe kaya agad na dumepensa si Prama.

"Ops!" Umiling si Prama. "Hindi ko sinasabi na deserve nila ang mamatay dahil mas maganda na pagbayaran nila ang mga kasalanan nila sa kulungan."

Nagkibit-balikat si Prama. "Pero baka dahil laging nakakalusot ang mga ginagawa nila sa batas dahil sa pera at kapangyarihan hindi ko masisisi ang gumawa sa kanila niyan. Kasi hindi siguro nila makuha ang hustisya na gusto nila kaya idinaan na lang sa ganiyan."

"Pero, ate . . ." Napatingin ulit sila kay Blythe.

"Wala naman po tayong karapatan na kumuha ng buhay ng iba, 'di ba? Kasi hindi po dapat tayo ang humahatol ng magiging parusa nila."

Hinaplos ni Theo ang buhok ng bunsong kapatid at binigyan ito ng maliit na ngiti.

"Katulad nga ng sabi nang ate mo, hindi natin masisisi ang mga gumawa nito. Kasi hustisya ang hinihingi nila na alam naman natin na mahirap makuha lalo na't may pera at kapangyarihan ang mga Suarez at Torres. Money and power can bend the law, Blythe. Kaya maraming mga mayayaman na tao ang hindi nakukulong dahil sa dalawang iyon. Dahil ang hustisya ay para lamang sa may mga pera at kapangyarihan."

Umiling si Theo. "Hindi para sa lahat. Lalo na sa mga mahihirap."

Napaiwas ng tingin si Blythe at tumango dahil naiintindihan na niya kung bakit 'yon nangyari.

Kaya rin siguro andaming mahihirap na nakukulong kahit wala naman silang kasalanan dahil sa mga pera at kapangyarihan ng mga mayayaman na akala mo ay mga santo. Parang lumalaki ang mga ulo nila dahil sa pera at kapangyarihan nila kaya gusto nilang gawin ang lahat dahil alam nilang makakalusot sila.

Palihim na napailing na lamang si Blythe dahil sa kaniyang iniisip.

Pero agad din silang napatingin sa labas dahil nakarinig sila ng busina. Nagkatinginan ang magkakapatid pero mahahalata ang kaba kila Prama at Theo na hindi napansin ng kanilang bunsong kapatid.

Ba't ngayon? Kahit binalitaan na kami na uuwi, nakakagulat pa rin dahil wala namang sinabi kung kailan. Naiinis na sabi ni Prama sa kaniyang isipan.

Napatingin si Theo kay Blythe na nakatingin sa pintuan nila.

Sana mali ang kutob namin sa pag-uwi nila Mama.

Napailing na lamang si Theo at napatingin na rin sa pinto ng bumukas ito. Agad naman na pumunta si Blythe sa likod ni Theo at tumabi naman si Prama sa kapatid. Nagkatinginan ang dalawa at tumango.

Lalo silang napatayo nang tuwid habang si Blythe ay lalo nagsumiksik sa likod ng mga kapatid pagkabukas ng pintuan at iniluwa nito ang dalawang eleganteng tao, ang mga magulang ng magkakapatid na Monteverde.

Nakasuot ng puting dress ang kanilang ina na lalagpas ng tuhod at nakasuot ito ng three inches black heels. Nakaponytail ang straight na buhok at may hawak na puting purse. Wala rin itong kaala-alahas pero makikita pa rin ang pagiging elegante sa tindig at paglalakad nito.

Ang tatay naman nila ay nakasuot lamang ng black leather shoes, casual blue long sleeves at black slacks. Ang buhok naman nito ay naka-brush back. Halata sa tindig nito ang otoridad na meron siya kaya nakaka-intimidate ang dating nito.

Napatingin silang mag-asawa sa kanilang anak at napansing dalawa lamang sila dahil hindi nila alam na nagtatago si Blythe sa likod ng dalawa.

"Prama, Theo . . ." Malambing na tawag ni Bela sa dalawang anak.

Binigyan ng maliit na ngiti ni Prama ang ina habang tumango lamang si Theo. Nakatingin lang ang ama nilang si Hadeon sa dalawang anak na may kunot sa noo.

"Nasaan si Blythe?" Tanong ni Hadeon na nagpaigtid kay Blythe at nagpa-tense sa dalawa.

"Bakit po?" Magalang at seryosong tanong ni Theo sa amang si Hadeon.

"Oo nga, mga anak, nasaan ang bunso niyong kapatid?" Nagtatakang tanong ni Bela sa mga anak.

Sumilip si Blythe mula sa likuran ng kapatid na si Theo kaya agad siyang napansin ng mga magulang niya. Napangiti si Bela at nang lalapit ito sa anak ay agad itong nagtago ulit sa likod ng mga kapatid kaya nawala ang ngiti sa muhka ni Bela at napatigil ito sa paglapit.

Nalulungkot na tumingin si Bela sa dalawang anak na si Prama at Theo pero umiwas lamang sila ng tingin.

"Blythe . . ." Maotoridad na tawag ni Hadeon sa bunsong anak na nagpaigtid kay Blythe kaya napahawak siya dalawang kapatid na naramdaman naman ng dalawa.

"Lapitan mo ang Mama mo." Utos ni Hadeon sa anak na nagtatago sa mga kapatid nito.

Kumunot ang noo ni Theo at tumingin sa ama.

"Pa, 'wag niyong pilitin ang kapatid namin. Ngayon pa lang niya kayo nakita kaya naninibago," Sabi ni Theo sa ama.

Sinamaan ni Hadeon ang anak pero hinawakan siya sa balikat ng asawa at inilingan.

"Tama s'ya, Hade." Maikling sabi ni Bela kaya napabuntong hininga na lamang si Hadeon at tumango.

Tumikhim si Prama at nagtatakang napatingin sa mga magulang kahit may ideya na silang dalawa ng kuya Theo niya.

"Ano po pa lang ginagawa niyo rito, Mama?" Lakas loob na tanong ni Prama na nagpakunot sa noo ng mga magulang niya.

"Don't get me wrong, ngayon niyo lang po kasi naisipan na umuwi makalipas ang maraming taon. Lumaki na nga po ang bunso hindi pa po kayo nakakauwi." Umiwas siya ng tingin.

"Ngayon lang." Mahinang dugtong niya na alam niyang narinig ng mga magulang niya.

Parang dinurog ang puso ni Bela sa narinig dahil alam niyang andaming pagkukulang nilang mag-asawa bilang mga magulang pero ginagawa lang nila ang lahat para sa kanilang mga anak.

Tumikhim si Hadeon at seryosong tumingin sa mga anak.

"Kailangang maikasal ni Blythe."

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now