"Uncle, what's just happened?" Tanong ni Astra.
Hindi nagsalita ang kaniyangg tiyuhin na si Gedeon at patuloy lamang sa paglalakad kaya nakasunod pa rin si Astra. Pagkapasok nila sa opisina ng kaniyang tiyuhin ay agad siyang hinarap nito.
"Hindi na maganda na nakikita o nakakarinig sila tungkol sa'yo kahit hindi ka nila kilala." Sagot nito sa tanong ni Astra kanina.
Kumunot ang noo ni Astra sa pagtataka. "What are you saying, Uncle? What are you talking about?"
Umupo si Gedeon sa kaniyang upuan kaya umupo naman si Astra sa upuan na kaharap ng kaniyang tiyuhin.
"Pinaghahanap na nila sa pamilya natin lalo na sa inyo kung sino ang. . ."
Bumuntong hininga si Gedeon at tinignan ang pamangkin na nakakunot ang noo at nagtataka sa nakatigin sa kaniya.
"Pinag-eksperimentuhan ni Ama noon at alam mo 'yan, Astraia." Tumango si Astra sa tinuran ng kaniyang tiyuhin.
"At hinahanap din nila ngayon si Astraia. . ."
Natigilan si Astra sa narinig sa kaniyang tiyuhin.
"Hinahanap ka nila, Astraia. That's why I want you to lie low for now," Sabi ni Gedeon na umiling din kinalaunan.
"Pero matigas ang ulo mo. Alam mo bang pinaghihinalaan nila na si Astraia at ang. . . lab rat ni Ama noon ay iisa?"
Lalong kumunot ang noo ni Astra sa narinig.
"What?"
Tumango si Gedeon.
"Hindi ko alam kung paano nila naisip iyon dahil wala na kaming iniwan na dokumento tungkol sa'yo dahil pinasunog ko lahat 'yon kasama ng ibang dokumento na magkokonekta sa'yo at walang nakakaalam kung nasaan ang formula at blueprint tungkol sa antidote at sa drug na ginawa ni Ama noon," Sabi ni Gedeon.
"Hindi kaya may spy rin sila na pinapasok dito?" Tanong ni Astra.
Umiling si Gedeon. "Wala akong trabahante na nagbabantay noon. Itinago ko 'yon sa lugar na hindi malalaman ng iba."
Naningkit ang mata ni Astra sa tinuran ng kaniyang tiyuhin.
"Sa lugar na. . . hindi na kailangan pang bantayan. Kaya alam ko na maliban sa akin ay wala ng iba pang nakakaalam kung nasaan ito."
"Kahit sino?" Paniniguro ni Astra na ikinatango ni Gedeon.
"Kahit sino. Wala. Ako lang ang nakakita ng mga laman nito at hindi ko na ito pinuntahan pa pagkatapos ko itong itago sa lugar na iyon."
Kumunot ang noo ni Blythe sa pagtataka.
"Why? When did you do that?"
"Para walang makaalam dahil hindi natin alam baka may nagmamanman pala sa sa akin. Naniniguro lamang ako. At kung kailan, ilang linggo pagkatapos mawala ni Ama." Sagot ni Gedeon.
"8 years ago?" Gulat na tanong ni Astra na ikinatango ni Gedeon.
Dahil ten years old si Blythe noon ng mamatay ang kaniyang Lolo dahil sa heart attack at ngayong eighteen years old na si Blythe ay malapit na rin ang death anniversary nito.
"Wait. . ." Nalilitong turan ni Astra. "Then how come they know me? As Astra?"
Umiling si Gedeon. "No, but someone in their organization learned about 'the Astraia'. The higher ups from their organization don't know about you, you who became Astraia. That's the reason why I want you to lie low so they will stop digging more info and look for you."
Bumuntong hininga si Astra. Habang nakatingin lang ang tiyuhin sa kaharap."But you know that no matter what we do, they won't stop. They will do everything to learn about us, their enemy. Kaya hindi na talaga nakakagulat kung talagang malalaman nila ang tungkol sa title na Astraia. They hate her to the core. She always. . . no matter who handles the title will bear the responsibility and receive their grudge. And you know that, Uncle." Turan ni Astra.
Dahan-dahang tumango si Gedeon. "I know that. Na kahit hindi mo kasalanan ay kailangan mong tanggapin ang mga ibabato nila sa'yo dahil sa Astraia na nakakabit sa'yo."
Napailing si Gedeon. "May parte sa'king pinagsisisihan na ipinasa ko ito sa'yo."
Nanlaki ang mata ni Astra sa gulat. "What?"
Bumuntong hininga si Gedeon. "Kung hindi dahil dito, hindi ka mapapahamak. Kung–"
"Matagal ng nasa hukay ay isa kong paa, Tito." Pagpuputol ni Astra.
"Simula pa lang nung gawin sa akin 'yon ni Lolo." Dugtong ng dalaga.
Napa-iwas ng tingin si Gedeon dahil hanggang ngayon ay sising-sisi ito dahil sa nangyari. Kung nalaman niya lang agad ay napigilan na niya ito pero wala na, tapos na. Ang kailangan na lang niyang gawin ay maging ligtas ito kahit may parteng napaka-imposible nitong mangyari dahil sa propesyon na pinasok nito.
"Don't be guilty for what happened, Uncle." Malambing na sabi nito kaya napatingin si Gedeon sa pamangkin.
"If it wasn't for you, I would have died. You save me. Maybe not from the drugs that Lolo invented, but their drugs. You saved me when they did what Lolo did to me. So don't blame yourself anymore." Ngiting sabi nito at tumayo sa kinauupuan para umalis pero ng bubuksan niya ang pinto ay tumigil siya at tinignan ang tiyuhin.
"Don't worry, Uncle. Mag-iingat ako. Hindi ako gagawa ng ikakapahamak ko. Hindi ko lang talaga sila maiwan, sana maintindihan mo," Sabi ni Astra at lumabas ng opisina ng kaniyang tiyuhin.
Napabuntong hininga si Gedeon at napatingin sa larawan na nasa mesa niya.
"I hope I did the same, Aia."
Nakatingin lang si Blythe sa ina at ate na nagpa-panic habang tinitignan ang mga gamit nila. Kanina pa nila chineck ang mga dadalhin para tignan kung may kulang pero sa sobrang paranoid yata ng kanilang ina ay nahawa na si Prama. Ang ama at kuya ni Blythe ay nakatingin lang din sa dalawa at napapa-iling dahil sa ka-praningan nila.
Tumayo si Hadeon at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa."Hon, tama na 'yan. Kanina mo pa chine-check ang mga gamit. Kailangan na nating dalhin 'yan sa sasakyan." Ani Hadeon.
Kinuha niya ang bag na tinitignan ng kaniyang asawa at dinala sa paglabas.
"Hon, baka may nakalimutan tayo." Kontra ni Bela sa sinabi ng asawa.
"Ma. . ." Tawag ni Blythe sa ina kaya agad na lumingon si Bela.
"May problema ba, anak?" Nag-aalalang tanong ni Bela sa anak at agad na nilapitan si Blythe para i-check.
"Ma, wala pong problema. Kumalma po kayo." Mahinanong sabi ni Blythe.
Hinawakan ni Blythe ang ina sa muhka at marahang nginitian ito.
"Kumalma ka, Ma. Okay lang po ako at okay na po ang mga gamit. Wala na pong kulang."
Kumalma naman si Bela at marahang tumango.
"Okay. . . okay." Mahinang sabi ni Bela.
Tumayo si Blythe at kinuha ang gamit na malapit sa kaniya.
"Tara na po, ilagay na natin 'to sa sasakyan." Aya ni Blythe sa ina kaya kinuha ni Bela ang bag na malapit sa kaniya at binuhat ito.
Pagkalabas ng dalawa ay nakita na nila ang tatlo. Lumabas na ang nakakatandang kapatid ni Blythe habang nag-uusap ang dalawa kaya nailagay na nila ang ibang gamit.
"Ayan na lang ba ang mga gamit?" Tanong ni Bela sa asawa ng lumapit ito para kunin ang buhat nilang mag-ina.
"Ikaw dapat nakakaalam niyan, mahal. Kayo huling lumabas." Malokong sabi ni Hadeon.
"Sige sandali, titignan ko sa loob," Sabi ni Bela at agad na pumasok sa bahay na nagpailing lamang kay Hadeon.
"Get inside, kids. I'll just wait for your Mom," Sabi ni Hadeon pagkatapos ilagay ang ibang gamit.
Pumasok ang magkakapatid, si Prama sa left side habang nasa gitna si Blythe at nasa right side naman si Theo. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok na rin ang kanilang mga magulang at nagdasal para sa kanilang byahe papunta sa beach house nila.
"Let's go?" Nakangiting tanong ni Hadeon sa mga anak.
Kaya nagkatingin ang magkakapatid at ngumiti. "Let's go!"
YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
AçãoUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...