Chapter 23

1 0 0
                                    

Nang mailabas na ang nahimatay na katawan ni Legazpi ay hindi pa rin lumalabas si Kali sa kwartong 'yon. Kitang-kita nila sa salamin ang nakatayong si Kali habang nakatingin sa sahig.

Narinig at nakita nilang lahat ang mga nangyayari sa loob ng Red Room. Pati na rin ang pagsasabi nang pangalan ng organisasyon na kaaway nila.

Ang Spiritus Diaboli o kilalang sa ingles bilang Spirit of the Devil. Sila kasi ang gumagawa ng masasama sa underground. Dahil sa kasakiman ng grupong iyon ay hindi matigil-tigil ay away sa pagitan ng dalawang organisasyon at nagsasama pa ng ibang organisasyon para mapabagsak ang organisasyon nila Blythe o si Astraia na kilalang magaling na assassin. Si Astraia or Astra for short at Blythe ay iisa lang pero maraming hindi nakakaalam noon lalo na kila Astra/Astraia.

Mailap kasing tao si Astraia na nagawan ng paraan ni Blythe kung paano magagawa ang gawain ng ibang naging Astraia noon. Mailap at magaling magtago ang mga nakaraang Astraia noon pero usap-usapan din sa underground na patay na ito dahil sa insidente noon at wala ng sumunod na naging Astraia.

Pero mali sila, may naitalagang bagong Astraia na nagtatago bilang si Astra at walang nakapansin noon dahil magkaiba ang way ni Astra at Astraia kahit iisang tao lang naman iyon.

Napaayos ang anim ng lumabas si Kali sa kwarto. Ramdam na ramdam nila ang bigat na awra na dala-dala nang dalaga kaya walang makapagsalita sa kanila. Pero ang kinagulat nila ay ang pagtawa nito na parang nangungutya pero nananakot.

Naabutan iyon ng kanilang head mistress at ni Gedeon na siyang ikinataka nila. Nagkibit-balikat sila Liam nang tanungin sila sa pamamagitan ng tingin dahil hindi nila alam kung bakit tumatawa ang dalaga.

"I'm sorry about that." Malamig na sabi nito.

Humugot ito nang malalim na hininga at pumikit ng ilang minuto pagdilat nito ay iba na ang kulang ng mata niya at alam nilang bumalik na si Blythe o si Astra.

"Do you got the information that you need?" Tanong ni Astra sa mahinanong paraan.

"Yes," Sagot ni Sancus. "Pero tatanong pa rin namin sila if ever na may mga katanungan kami."

Tumango-tango si Astra. Pero maglalakad pa lang ito ng biglang himatayin ang dalaga na agad na nasalo ni Donovan dahil malapit ito sa pwesto kung nasaan si Astra.

"Bring her to the lab," Sabi ni Gedeon na ikinatigil nilang lahat.

"Dad, why there?" Takang tanong ni Liam. "You know-"

"I know, son." Sagot ni Gedeon sa anak. "She won't stay there for too long. Don't worry, we just want to check about-"

"Do it now, Donovan, bring her there," Sabi ng Mistress kaya agad na umalis si Donovan doon na buhat-buhat si Astra.

"Every time Kali comes out, it consumes Astra's energy or is it because of that?" Tanong ni Mistress.

"We'll see about that," Sabi ni Gedeon at sumunod kila Donovan.

Humarap ang Mistress kila Liam.

"While Astra is gone, investigate the other branches of that organization in the Philippines and over the world. We have to eliminate them as soon as possible. We need to stop their bad deeds and especially the distribution of that drugs," Sabi ng kanilang Mistress at binigyan sila ng maliit na ngiti.

"Can I count on you?" Tanong nito na ikinatango nila Liam.

"Yes, Mistress."

Dahan-dahang minulat ni Astra ang paningin niya at doon niya namalayan na nasa cabin na siya. Ang huli niyang naaalala ay 'yong nasa labas siya ng red room pero ngayon ay nandito na siya sa cabin niya.

Dahan-dahan siyang umupo sa kama niya at sakto namang bumukas ang pinto kaya napatingin sa roon at nakita sa Maeko na may dalang pagkain.

Agad na lumapit si Maeko kay Astra at marahan na nilagay ang mini table na may pagkain na hawak-hawak nito sa may paanan ni Blythe.

"Ayos ka na ba, Astra?" Nag-aalalang tanong ni Maeko.

"Uhm. . . oo, medyo nanghihina lang." Mahinang sabi nito at kumunot ang noo.

"Anong. . . nangyari?" Nagtatakang tanong ni Astra kay Maeko.

Humugot ng malalim na hininga si Maeko.

"Siguro mas magandang panoorin mo na lang ang footage para mas maintindihan at malaman mo lahat." Sagot ni Maeko na ikinatango na lamang ni Astra.

"Ay oo nga pala," Sabi ni Maeko at ibinigay kay ang pagkain na dala-dala nito.

"Kumain ka muna para may lakas ka. Sabi kasi ni kuya Liam kailangan niyong umuwi lalo ka na. Hinahanap ka na kasi sa inyo. Punta ka sa conference room mamaya," Sabi ni Maeko.

"Ah ganun ba, sige. Salamat," Sabi ni Astra at nginitian si Maeko.

Nginitian din siya nito pabalik at tumayo. "Sige, labas na ko. Kumain ka ah?"

Tumango si Astra. "Oo, salamat ulit."

Ngumiti lamang si Maeko at lumabas nang cabin ni Astra. Habang kumakain ay ramdam na ramdam ni Astra ang panghihina. Alam niyang lumabas si Kali kaya ganito ang panghihinang nararamdaman niya.

Pagkatapos kumain ni Astra ay kinuha niya na ang mga gamit na inayos niya at sinama na rin niya sa paglabas nang cabin niya ang mga pinagkainan ko.

Habang naglalakad ang dalaga sa hallway ay nakasalubong niya ang isa sa mga staff na agad na lumapit sa kanya at kinuha ang hawak-hawak niyang tray.

"Miss Astra, ako na po," Sabi nito at kinuha sa dalaga ang tray kaya nginitian niya ito.

"Sige, salamat." Ngumiti lang ito at tumango.

Naglakad ulit si Astra at pumunta sa conference room kung saan nakita niya ang mga ka-grupo niya. Napatingin ang mga ito sa gawi niya.

Agad na tumayo si Liam at nilapitan ang pinsan.

"Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti si Astra at tumango. "Yes, kuya Liam. Don't worry. I'm fine."

Tinitigan pa muna ni Liam ang pinsan bago ito tumango at kinuha ang gamit na buhat-buhat niya.

"Anong meron?" Tanong ni Astra pagkaupo niya.

"We have a mission," Sabi ni Duncan.

"All ready?" Gulat na tanong ni Astra na ikinailing ni Sancus.

"We won't do it right away. We just have to talk about it and come up with a plan," Sabi ni Sancus.

"So, what's the new mission?" Tanong ng dalaga.

May biglang nagflash sa screen nila na isang kwintas na may malalaking dyamante.

"Wow. . ." Namamanghang sabi ng mga kasamahan ni Astra.

Isa itong may kalakihang kwintas na may tatlong hugis na katulad sa isang sunflower. Sa gitna ng malaking sunflower ay makikita rito ang isang black opal na nagsisilbing disc floret nito habang ang petals nito ay gawa sa maliliit na diamonds. Sa dalawang sunflower shape na nasa magkabilang gilid nito ay may dalawang painite gems na nagsisilbi namang disc floret nito at sa petals naman nito ay gawa rin ito sa maliliit na diamonds kahit ang may kanipisan pero may kalaparang chain ay gawa rin sa diamonds.

"Anong. . . meron diyan? All of those gems are rare." Ani Maeko.

"We have to get that before the auction starts," Sabi ni Sancus.

"When?" Tanong ni Donovan.

"As soon as possible."

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now