SINJI'S POV:
--
HALOS mangatog ang tuhod ko nang tuluyan akong makapasok sa palasyo nang walang nakakapansin sa akin.In my peripheral vision, I saw Cassius on the other side of the castle just a little bit away from me.
Cassius nodded his head as a sign that we need to proceed our mission.
"Saan nga ulit nakalagay 'yong scroll?" Bulong ko.
"It's in the library."
Nang pumasok si Cassius sa bintana nang palasyo, sumunod ako sa kanya kaya ang ending magkasama kaming dalawa habang nagtatago sa naglalakihang poste.
"It's hard to find where was the library, dude. Kindly give us the exact location?" Cassius said.
"Find a stairs and from the top of it turn right."
"Waze ka girl?" Humagikhik ako nang tahimik nang sundin namin ang instruction ni Rent.
Masyadong malawak ang palasyo na ito at napakaraming pinto. Mabuti na lamang at walang gaanong bantay dito sa loob.
Weird mang isipin na ang lakas ng loob naming pasukin ang isang palasyo na konti lang ang bantay pero kailangan ko kasing tapusin ang misyon na ito, buhay o kamatayan man ang kapalit.
Ganun kalupit ang kapatid ko. Kaya niya akong isugal sa ngalan nang bilog na dokumento na tinatawag niyang scroll.
Oras na makuha namin 'yon, titignan ko kung ano ang laman. Wala, curious lang ako kasi bakit pa kami magbubuwis ng buhay kung kaya namang bumili ni Kuya ng sandamakmak na scroll diba? Hindi 'yong tuturuan niya pa akong magnakaw.
Mula nang ibigay sa amin ni Kuya ang misyon na ito, never kong binuklat ang folder para basahin kung ano ang gagawin. Wala akong ideya tungkol sa profile nang King and Queen maging ang Prinsesa.
Sumusunod lamang ako sa kung ano ang utos ni Rent dahil siya ang may access nitong palasyo at nakikita niya kaming dalawa ni Cassius.
"Halt. There's a guard roaming around and their direction is coming where you are." Napasinghap ako nang hilahin ako ni Cassius at nagtago kami sa isang medyo makapal na cabinet na nagkalat sa pasilyo.
Hanggang sa marinig namin ang usapan nang dalawang gwardya ngunit hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi dahil gumagamit sila nang kakaibang lenggwahe.
Napabuga ako nang hangin ng lumagpas ang dalawang gwardya na nagtatawanan pa. Cassius and I got out from where we are hiding and proceed to a next door we saw.
Tahimik na binuksan ni Cassius ang pinto at pumasok ito kaya sumunod na rin ako.
Halos mapatili ako nang bumangga ang mukha ko sa likod ni Cassius kaya natakpan ko ang bibig ko.
"Bakit ka ba tumigil bigla?" Inis na sabi ko rito habang hinihimas ang nasaktan kong ilong.
Cassius placed his fore finger on his lips as if he is telling me not to talk.
Hinila ako nang lalaki sa isang estante kung saan naglalaman nang napakaraming libro. Madilim ang lugar at wala akong makita.
"Stay quiet, Sinji. I heard something."
"Baka guni-guni mo lang?"
Parang kaming tanga na nagbubulungan dito sa gitna nang dilim. Nang sumilip si Cassius sa isang parte nang hilera ng mga libro ay halos manlaki ang mga mata ko nang makita namin ang isang lalaki na nakaupo habang nagbabasa ng libro gamit ang isang table lamp na nakita ko sa isang online shop.
Cassius and I move our ass and approach the person who was reading silently.
Napatakip ako nang bibig ko ng makilala kung sino 'yon. Kaya walang anu-ano'y binatukan ko ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romans[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...