SINJI'S POV
Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Saviel na igala siya, pero ang mas malala, isinama niya ang buong HuPoFEL.
"What do you think you are doing? You brought all my men for your craziness?" Kuya Luther roared, his voice echoing with pure anger.
Napapalibutan namin sila ni Saviel dito sa loob ng hotel lobby. Kararating lang namin mula sa nakakapagod na byahe, but instead of resting, a heated confrontation welcomed us.
Pumamewang si Saviel sa harapan ni Kuya Luther, looking completely unfazed by his towering presence. "Excuse me? Kung ayaw mong sumama, bakit nandito ka?"
Sumama ang tingin ni Kuya kay Saviel. The tension was so thick you could cut it with a knife; it looked like he was ready to skin her alive any minute from now. Napag-usapan kasi talaga namin ni Sav na mag-Boracay kaming dalawa lang, pero itong mga ulupong na ito, narinig ang usapan namin. Bago pa man kami makatakas, naka-abang na sa amin ang buong miyembro ng HuPoFEL.
At saka, may punto naman si Sav. Bakit nga ba sumunod si Kuya Luther kung labag sa loob niya?
"I came here to bring them back where they belong!" Kuya growled.
"Ang daya mo naman, Boss," reklamo ng isa.
"Boss, nandito na kami, eh. Pagbigyan mo na kami kahit ngayon lang."
"Oo nga, minsan lang 'to!"
Samu't saring reaksyon ang naririnig ko mula sa mga tauhan niya, samantalang sila Gun, Thud, Senri, Dezrail, at Reiden ay tahimik lang sa tabi ko. They were just observing, looking quite amused at how Saviel was getting under my brother's skin.
"See? Majority wins. Wala kang magagawa kundi ang hayaan sila," Saviel smirked, giving my brother a look of pure provocation.
Kuya Luther composed himself, taking a deep breath as he looked at Saviel intently. "Gusto mo ba talagang sagarin ang pasensya ko?"
Natahimik ang lahat. This was the first time I heard him speak in Tagalog, and the coldness in his voice sent chills down my spine. Ang aura na lumalabas sa katawan niya ay nakakakilabot.
Akmang hahakbang na sana ako palapit para mamagitan, pero may humawak sa braso ko. I looked up—it was Senri. He shook his head slightly, signaling me to stay out of it. I had no choice but to return my gaze to the showdown between my brother and my best friend.
Saviel crossed her arms over her chest. "Feeling mo naman matatakot ako sa'yo?"
"Oh yeah? Wanna try me?" Kuya challenged.
Agad na nag-ingay ang mga nanonood.
"Pupusta ako kay Boss!"
"Kay Miss Saviel ako, palaban 'yan!"
"1000, kay Boss ako!"
"Ang kuripot mo naman, pre. 50,000 kay Boss!"
"Yaman natin, bro! 100,000 akin kay Miss Saviel!"
Nagpalinga-linga ako sa paligid. These guys were actually enjoying the chaos and making bets! Ang titibay ng mga walangyang ito. Nagpumiglas ako kay Senri pero mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. I was forced to watch the two of them bark at each other.
"Hindi ko na kailangang subukan dahil umpisa pa lang na magtagpo ang landas natin, itinadhana na tayo para magbanggaan," Saviel stated firmly.
Kumunot ang noo ko. I couldn't quite grasp what she meant by that. I know she's a bit crazy and loves teasing Kuya, but that sounded... different.
Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na namalayan ang sumunod na galaw. Before Saviel could utter another word, binuhat siya ni Kuya sa balikat niya na parang sako ng bigas at mabilis na itinakbo palayo. Saviel was screaming at the top of her lungs, pounding on his back to let her down.
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
