Missing 2: Welcome to HuPoFEL

428 10 0
                                        

SINJI'S POV

Nakatunganga lang ako sa harapan ni Auctioneer dito sa loob ng kanyang engrandeng opisina. Ipinatawag niya lang naman ako ngayong umaga dahil may pag-uusapan daw kaming isang napakalaking bagay na tungkol sa pagkatao ko. Serious talk daw, pero ang utak ko, lumilipad pa rin.

Ayoko sana siyang sundin kaso nandito si Senri sa loob, nakatayo lang sa gilid at mukhang seryoso rin. Sabihin man nating umaariba ang kalandian ko sa katawan, pero hindi ako titigil hangga't hindi mapupunta sa akin si Senri. He's the prize, and I'm the most persistent player.

"Ano ba talaga ang sasabihin mo?" tinatamad na tanong ko. Imagine, 6 AM pa lang ng umaga pero heto ako sa harapan ni Bidder. Ang sarap sana ng tulog ko kung hindi lang kinalampag ni Senri ang pinto ng kwarto ko—which is technically pagmamay-ari ni Auctioneer. Pero kung ang gwapong mukha naman ni Senri ang masisilayan ko tuwing gigising ako, I might consider it a blessing rather than an annoyance.

Tumingin sa akin si Auctioneer habang hawak ang ilang dokumento na mukhang kanina pa niya binabasa. Ang aga-aga, trabaho agad ang inaatupag niya. Hindi ba uso sa kanya ang breakfast muna before work? Nakaka-drain kaya ng energy 'pag puro papel ang kaharap mo sa umaga.

Inilapag ni Auctioneer ang hawak niyang dokumento at pinagsalikop ang mga daliri niya. He leaned forward, his elbows resting on the polished mahogany desk, looking every bit like a powerful man in control.

"I called you here because I need to tell you something important," panimula niya, his voice deep and authoritative.

"Senri already told me about that. Why repeat it?" I shot back, unfazed.

Napahilot sa sariling sintido si Bidder, looking like he was about to lose his patience talking to me. Tama naman 'yong sinasabi ko, 'di ba? At saka ayoko sa lahat 'yong paulit-ulit—parang sirang plaka lang.

"Anyway, from now on, you will live here under my custody," he declared.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Tatay ba kita?"

Naningkit ang mga mata ni Auctioneer sa akin. Sa tingin niya, parang any minute from now ay sasakalin na niya ako sa sobrang konsumisyon. Ang init naman agad ng ulo, wala nga akong ginagawang masama! I pouted my lips and leaned back, crossing my arms in front of my chest to show my protest.

Pero sa loob-loob ko, mananahimik na lang ako. Ayoko nang maranasan ulit ang mapunta sa Spain at ibenta sa mga hukluban na hindi ko kilala. After those traumatic incidents in Spain, wala na akong balita sa mga babaeng nakasama ko sa auction. Siguro naman nakauwi na sila sa kani-kanilang pamilya?

"My name is Luther Aqueros Bloodfist. I am the head of HuPoFEL's Assassin underground organization and the Bloodfist Mafia."

"So... mamamatay-tao ka?" bulalas ko. Napatayo pa ako mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat. My heart raced. Paano kung patayin ako ng taong ito? What if ginawa niya lang pain si Senri para makuha ako?

Oh no! Ang pangarap kong mapangasawa si Senri, mukhang mapupurnada pa dahil sa overkill na background ni Auctioneer.

"What? I can't say yes or no because that's just the nature of my work. Killing is a sin, but sometimes you need to protect yourself when you are on the brink of death, Sinji," he explained calmly.

Umawang ang bibig ko. Gusto kong sumagot, pero walang lumabas na boses kaya muli akong naupo, feeling defeated.

"From now on, you will be part of the HuPoFEL organization. You will be trained by one of my trusted men here—"

"Hindi ba pwedeng si Senri na lang?" putol ko sa sinasabi niya. Ngumisi ako, hoping for a 'yes,' pero tinignan niya lang ako nang masama kaya nanahimik na lang ulit ako. I just muttered some complaints under my breath.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon