Missing 12: The Scroll

239 8 0
                                        

SINJI'S POV

HALOS mangatog ang tuhod ko nang tuluyan akong makapasok sa loob ng palasyo nang walang nakakapansin sa akin. My heart was hammering against my ribs, and every small sound felt like an alarm.

In my peripheral vision, I spotted Cassius on the other side of the vast hallway, just a few meters away from me, blending into the shadows. He gave a sharp, subtle nod—a silent signal that we needed to proceed with the mission.

"Saan nga ulit nakalagay 'yong scroll?" I whispered into my comms, my voice barely audible.

"It's in the library," Rent's voice crackled in my ear.

Nang pumasok si Cassius sa bintana ng palasyo, mabilis akong sumunod sa kanya. We ended up moving like ghosts, navigating the space together habang nagtatago sa likod ng mga naglalakihang poste na gawa sa marmol.

"It's hard to find where the library is, dude. Kindly give us the exact location?" Cassius said, his voice laced with professional impatience.

"Find a staircase and from the top of it, turn right," Rent instructed.

"Waze ka, girl?" Humagikhik ako nang tahimik habang sinusunod namin ang bawat kanto na sinasabi ni Rent.

Masyadong malawak ang palasyong ito at nakakalula ang dami ng pinto. Mabuti na lamang at tila kampante ang mga tao rito dahil walang gaanong bantay sa loob ng mga pasilyo. Weird mang isipin na ang lakas ng loob naming pasukin ang ganito kalaking lugar na kakaunti ang security, pero kailangan kong tapusin ang misyon na ito—buhay o kamatayan man ang kapalit.

Ganun kalupit ang kapatid ko. Kaya niya akong isugal sa ngalan ng bilog na dokumentong tinatawag niyang scroll.

Oras na makuha namin 'yon, sisiguraduhin kong sisilipin ko ang laman. Curious lang ako—bakit kailangan pa naming magbuwis ng buhay kung kaya namang bumili ni Kuya ng sandamakmak na scroll sa labas, 'di ba? Imbes na matinong buhay, tinuturuan niya pa akong magnakaw.

Mula nang ibigay sa amin ni Kuya ang misyon, never kong binuklat ang folder para basahin ang detalye. I had zero idea about the profiles of the King, the Queen, or even the Princess. Sumusunod lamang ako sa bawat utos ni Rent dahil siya ang may access sa blueprint ng palasyo at nakikita niya ang bawat galaw namin ni Cassius sa monitors niya.

"Halt. There's a guard roaming around and their direction is coming where you are," Rent warned.

Napasinghap ako nang biglang hilahin ako ni Cassius. Mabilis kaming nagtago sa likod ng isang medyo makapal na antique cabinet na nakapwesto sa pasilyo. I held my breath as two guards walked past. Rinig na rinig ko ang usapan nila, ngunit hindi ko maintindihan dahil gumagamit sila ng kakaibang lenggwahe na parang kanta sa pandinig ko.

Napabuga ako ng hangin nang lumagpas na sila, nagtatawanan pa na tila walang kaba. Cassius and I carefully stepped out from our hiding spot and proceeded to the next heavy wooden door we saw.

Tahimik itong binuksan ni Cassius at pumasok siya, kaya sumunod na rin ako. Halos mapatili ako nang biglang huminto si Cassius kaya dire-diretsong bumangga ang mukha ko sa matigas niyang likod. Agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang anumang tunog.

"Bakit ka ba tumigil bigla?" inis na bulong ko habang hinihimas ang nasaktan kong ilong.

Cassius placed his forefinger on his lips, giving me a stern look that told me to shut up. Hinila niya ako sa gilid ng isang dambuhalang estante na punong-puno ng mga lumang libro. The place was dim, shrouded in a heavy atmosphere of dust and old paper.

"Stay quiet, Sinji. I heard something."

"Baka guni-guni mo lang?"

Parang kaming mga tanga na nagbubulungan sa gitna ng dilim. Nang sumilip si Cassius sa pagitan ng mga hilera ng libro, halos manlaki ang mga mata ko. There was a man sitting comfortably, reading a book under the warm glow of a table lamp—yung tipo ng lamp na nakikita ko lang sa mga aesthetic shops online.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon