Missing 17: Disappear

300 9 0
                                        

SINJI'S POV:

Isang malakas na putok ang biglang umalingawngaw, binasag nito ang nakabibinging katahimikan ng gabi sa loob ng abandonadong factory na kasalukuyan naming nilulusob. The smell of gunpowder and rust filled the air, making my head throb.

Naiinis na tinapon ko ang baril na hawak ko—low on ammo na rin naman—at basta na lang tinalon ang likuran ng isang lalaki. I didn't care about being ladylike; I literally sank my teeth into his ear. Napaigik sa matinding sakit ang kalaban dahil sa ginawa ko.

"Get off me, b*tch!" he roared, struggling to shake me off.

Dahil isang dakilang masunurin ako, umalis ako sa pagkakasakay sa likuran niya. But before he could even breathe, I pivoted and delivered a crisp roundhouse kick straight to his jaw. Ayon, tulog ang loko.

"Makapagsalita ka naman sa akin ng b*tch, mukha ba akong aso? I'm way too gorgeous to be compared to a canine, hello?" I flipped my hair with dramatic flair, then kicked his unconscious face one more time out of sheer frustration.

To be honest, labag talaga sa kalooban ko ang sumama sa misyon na ito. Matapos ang masasayang gala namin nitong mga nakaraang araw, bigla na lang kaming tinambakan ni Kuya Luther ng trabaho. Ang katuwiran niya? Bayad daw 'yon sa over-extended na bakasyon ng mga tauhan niya.

Sino ba naman kasing siraulo ang sumama sa getaway namin ni Saviel? Sila naman ang may kasalanan, 'di ba? Tapos ngayon, damay ako sa parusa ng pinakamamahal kong kapatid! Nasaan ang hustisya para sa isang dyosang tulad ko?

"Quit murdering him, Sinji."

Napalingon ako sa lalaking naglalakad papunta sa gawi ko. He looked down at my boots, and I followed his gaze. Oops. Halos madurog ko na pala ang mukha nung lalaki nang hindi ko namamalayan. My boots were stained with a bit of crimson.

I pouted my lips as Cassius approached me with his usual stoic expression. "Wala na ba? Is that the last of them?"

"We're done. Let's get out of here," he replied coldly.

Isang kibit-balikat na lamang ang isinagot ko. Since he already started walking away without waiting for me, sumunod na lang ako, stamping my feet in annoyance.

Ang misyon namin tonight was simple yet bloody: pabagsakin ang isang drug dealer na humahadlang sa mga transaksyon ng HuPoFEL. We're supposed to be maintaining the peace of the country, but sometimes, I find Kuya Luther's way of running things a bit weird.

We do the dirty work—holding heavy guns, picking fights with massive syndicates, and raiding dilapidated factories like this one. Noong una, ayaw ko talaga sa trabahong ito. Bukod sa nakakapagod, sayang ang ganda ko kung madadaplisan lang o, God forbid, mawasak ang mukha ko mula sa mga balang rumaragasa tuwing lulusob kami sa kuta ng mga bwisit na sindikatong 'to.

Naunang sumakay si Cassius sa kotse. Napangiwi na lang ako nang mapansing hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto. Minsan talaga gusto kong bigwasan si Cass, eh. Napaka-ungentleman! He has the emotional range of a teaspoon.

Pagpasok ko sa loob, padabog akong umupo sa passenger seat at marahas na ikinabit ang seatbelt. The silence inside the car was suffocating.

"Wala ka bang gilpren?" I asked, breaking the ice with my usual curiosity.

Cassius looked in my direction, giving me that signature blank stare of his. "What about it?"

"Tanong din ang sagot sa tanong ko? Pilopo ka rin, 'no?" I shot back.

Cassius just rolled his eyes at me. My eyes widened in surprise—the audacity of this man!

"None of your business," he muttered before floorng the accelerator.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon