Missing 18: Barbara Sandoval

290 7 0
                                        

SINJI'S POV

Tulala lang ako sa kawalan habang hinahayaan kong maging background noise ang ingay ng mga tao sa paligid ko. Kasalukuyan akong nasa university, nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malabay na puno ng mangga. Kahit presko ang hangin, hindi pa rin humuhupa ang gulo sa isip ko.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung nasaan na si Saviel, at kung ano ba talaga ang ninakaw niya kay Kuya. Hindi naman sa pinag-iisipan ko ng masama ang best friend ko, pero sa tagal naming magkakilala, alam ko na pati ang ikot ng bawat organs niya sa katawan. May mali talaga, eh.

"Hayss!" naiinis na dabog ko habang sinasabunutan ang damuhan na siyang kinauupuan ko.

"Lagot ka, kalbong-kalbo na 'yang kinauupuan mo."

Napalingon ako sa kaliwa at nakita ang bulto ni Thud na prenteng nakatayo habang may subong lollipop sa bibig.

"Ano na namang ginagawa mo ditong bansot ka?" mataray na tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot agad. Naglakad lang siya palapit at basta na lang sumalampak sa tabi ko. "Wala naman. Nakita lang kita kaya lumapit na ako. Mukhang pasan mo ang mundo, eh."

"O tapos? Share mo lang?" I retorted with a roll of my eyes.

Lumingon sa akin si Thud. Inalis niya ang lollipop sa bibig niya at ginamit itong pang-duro sa akin. "Bakit ba ang sungit mo sa 'kin? Meron ka ba ngayon? You're acting like a ticking time bomb."

Mabilis pa sa alas-kwatro na lumagapak ang palad ko sa pisngi ni Thud. Gulat na gulat siyang napahawak sa mukha niya. "Kailangan talaga 'pag masungit, may regla agad? Desisyon ka?"

"Aww.."

Late reaction amp. Hindi ba pwedeng naiinis lang ako sa sitwasyon? Kailangan talaga may dalaw agad para maging valid ang pagiging moody ko?

"Nagtatanong lang naman, 'to naman..." nakangusong wika niya, halatang nagtatampo.

Pasalamat siya at medyo cute siya sa paningin ko ngayon. Dahil sa inis at gutom, inagaw ko ang lollipop na hawak niya at isinalpak sa sarili kong bibig. Stress eating version 2.0. Bahala siyang bumili ng bago.

"Naiinis ako, okay?"

"Kanino? Kay Senri?" aniya habang tinititigan ako. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, ako na lang piliin mo. Kesa doon sa Hapon na 'yon na laging buntot sa kapatid mo kahit saan pumunta. He's like a lost puppy."

Napairap na lang ako sa kawalan. I crossed my arms and leaned my back against Thud's small frame. I didn't care if other students were staring at us; I just needed a human pillar.

"Kadiri ka. Hindi ako pumapatol sa bansot."

"Hoy, baka malaki din ito," hirit niya na may kasama pang pilyong ngiti.

"Ang ano? Anong malaki? Ang bastos mo!"

Agad kong sinuntok ang mukha niya pero mabilis na nakaiwas ang loko. Kahit kailan talaga, puro polusyon ang laman ng utak ng isang ito.

"Ang pang-unawa ko! Sabi ko malaki ang pang-unawa ko! Ano ba! Nakakarami ka na sa 'kin, ah!"

"Ang sarap mo kasing saktan, bwisit ka!"

Nagkukulitan lang kami ni Thud at muntik ko nang makalimutan ang problema ko nang biglang lumapit ang isang nilalang na hindi ko naman kilala.

"Oh my, look who's here? The bitch is everywhere."

Sabay kaming napatingala ni Thud. Isang babae ang nakatayo sa harap namin, nakahalukipkip ang dalawang braso sa ilalim ng malulusog nitong dibdib. I scanned her from head to toe—napatingin ako sa suot ko, tapos sa suot niya. Kulang na lang ay maging bikini ang suot niya sa nipis at igsi ng tela.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon