SINJI'S POV:
NAKANGITING tinungo ko ang INTEL kung saan naroon si Rent. Ito kasi ang huling araw na tuturuan niya ako sa mga subjects ko. Unti-unti na rin akong nasasanay sa presensya ng kapatid ko at sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi na rin ako nagreklamo kay Kuya Luther tutal magkapatid naman kami at siya na lang ang natitira kong kamag-anak. Pabalibag na binuksan ko ang pinto nang opisina ni Rent at patalon-talon na nilapitan ko ang lalaki na abala sa computer nito na tanging ang lagapak nang keyboard ang umaalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto kahit na puno ito nang monitor.
"Wow! Ang daming tv naman dito, pwede ko bang iuwi ang isa?"
Namamanghang lumapit ako sa mga monitor na nasa harapan ni Rent. Ang iba ay nakasabit sa dingding kaya hindi ko alam kung ano ang ipinapakita doon.
"What do you want, brat?"
Bumaling ang paningin ko kay Rent na abala pa rin sa pagtipa nang keyboard.
"This is my last day of my one-on-one tutor with you before I enter that University, right?"
O diba? Straight na ako magsalita nang english kasi nga kailangan ko daw matuto nang foreign language kahit na pilipit ang dila ko minsan.
"I don't have time for your studies right now. I am busy."
I pouted my lips as I leaned my body towards Rent's swivel chair. Sinisilip ko lang naman kung ano ang ginagawa niya kaso wala akong maintindihan dahil tanging numero at letra lang ang lumalabas sa monitor niya at iba-iba pang lenggwahe na sa tingin ko ay gumagawa siya ng codes. May alam naman ako sa computer pero facebook at youtube lang tapos paglalaro kay Pou ang gusto ko.
"Anong ginagawa mo?"
Ni minsan hindi ko pa nakitang ngumiti si Rent. Nagpapaligsahan ata sila ni Kuya kung sino ang unang matuyuan ng laway.
"I am just building a security system for HuPoFEL's safety."
"Kailangan pa ba non?"
"Yeah, all of HuPoFEL's access is in my computer and Aqueros's computer so I decided to make a code for it."
Kahit wala akong naintindihan ay tumango na lang ako bago ko iwanan si Rent na mukhang busy talaga.
'Kung hindi ako mag-aaral, ano ang gagawin ko ngayon?'
Habang nag-iisip ako nang dapat kong gawin, nakasalubong ko si Senri na may hawak na folder kaya agad ko siyang sinalubong.
"Yo. What's up?"
I think my surroundings became livelier when Senri's smile was exposed to me.
"Hey there, did your studies go well?"
"No. Busy si Rent. Ano 'yan?" Tukoy ko sa hawak niyang folder.
"This? It's a report of my last mission. Do you want to look at it?"
"Sige."
Senri handed me his folder as we continued walking in the hallway, even though I didn't know where he was going. Pero ganon na lang ang pagbunghalit ko nang tawa ng makita ang sulat kamay niya.
"What the hell is this, Senri? Sulat kamay mo ba ito?"
I saw Senri's ears become red as he rubbed his face out of embarrassment.
"Ah yeah. It's not just me who has bad handwritten when it comes to writing a report. You know we are all busy because Aqueros's table is full right now for missions we need to finish within this day."
Sinara ko ang hawak na folder bago ko muling ibinalik kay Senri. Narating namin ang harapan ng office ni Kuya at pinagbuksan ako ni Senri nang pinto.
'Pak na pak, gurl! Bukod sa gwapo ay gentleman din.'
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
عاطفية[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...
