SINJI'S POV
TAHIMIK akong nakapila sa canteen ng school, pinagmamasdan ang paligid. I can honestly say na mas okay ang pinapasukan ko ngayon kumpara sa dati kong school. L.A. University isn't just a school; it's one of the most prestigious universities in Asia. Hindi ko talaga akalain na makakapundar ng ganitong kalaking institusyon si Kuya. Imagine, at the age of twenty-two, he already owns a massive empire.
The HuPoFEL, Bloodfist Enterprises, Bloodfist Mafia, and this university—lahat 'yan sa kanya. Hindi pa kasama ang mga investments niya sa Montenegro Empire, Kuruzaki Empire, CDC Entertainment, at iba pang naglalakihang kumpanya sa loob at labas ng bansa. Basically, the HuPoFEL members are the ones managing those giants. I was lost in my thoughts nang biglang may marahas na tumulak sa balikat ko mula sa likuran. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang isang grupo ng mga babae—mga pito hanggang sampu sila, looking all high and mighty.
"Bakit kayo nambabangga? Ang lawak-lawak ng canteen natin, ah?" mataray na tanong ko.
Humalukipkip ang babaeng nasa gitna na sa tingin ko ay leader nila. She looked expensive, pero sorry siya, mas maganda pa rin sa kanya ang kaibigan kong nasa Japan!
"Excuse me? What are your connections with Senri and Rent, and why are they so close to you?"
Ay, ang heavy ng English! Kailangan talaga sunod-sunod ang tanong? Mabirahan nga ng pangmalakasang makata version ko. Ngumisi ako at pinagsalikop ang mga braso ko sa ibabaw ng dibdib ko bago sila hinarap nang buong-buo.
"Unang-una, Binibini, kilala ko ang mga Ginoong iyong nasambit. Pangalawa, anong pakialam mo kung close kami? At pangatlo, bakit hindi mo muna pantayin ang mukha mo? Sa sobrang kapal ng make-up mo, nagmumukha ka nang clown!"
Nagsinghapan ang mga alipores niya. They looked like they just witnessed a crime.
"You're trash!" she hissed.
"Ikaw naman, naglalakad na plastik! Hmp." I flipped my hair with major attitude at tinalikuran sila para kunin ang order ko. Pero bago pa ako makahakbang, biglang may humablot sa buhok ko at marahas akong sinabunutan.
"You bitch! How dare you act like you are high on us! We are just the same here, studying and doing whatever we like!"
"Punyeta!"
I grabbed the hand of that clown to pry it off, pero ang higpit ng kapit niya. Gigil na gigil, te? As in sumasakit na ang anit ko. No one dared to intervene. Maging ang mga nanonood ay walang ginawa, habang ang mga alipores niya ay todo cheer pa sa gilid. Humanda talaga kayo sa akin, sasapatusin ko ang mga bunganga niyo mamaya.
Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa bewang ko at walang kahirap-hirap na inilayo ako sa babaeng 'yon. Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok para tignan kung sino ang knight in shining armor ko, pero agad akong namutla nang tumambad sa akin ang seryoso at nakakatakot na mukha ni Kuya Luther.
The atmosphere shifted instantly. Ang mga estudyanteng kanina ay maingay, biglang yumuko na parang may dumating na Royal Family. One knee on the floor, one hand on their chest—parang mga royal guards na nagbibigay-pugay.
"What is happening here?" Kuya's voice was cold, echoing through the silent canteen. Walang sumagot. Everyone remained bowed.
"Number one rule of this University: violence is prohibited!"
Napalingon ako sa pinto. Naroon si Rent, kasama si Senri at iba pang mga lalaking ngayon ko lang nakita. Lumapit sa amin si Senri. He reached out and gently combed my messy hair with his fingers.
"You okay?"
My heart melted instantly. Grabe, yung gesture niya. Tuluyan na ngang nahulog ang puso ko kay Senri. Hindi ako nagkamali na siya ang piliin kong mahalin.
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romansa[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
