Missing 27: Confrontation

256 5 0
                                        

SINJI'S POV:

--
NAGPUPUYOS ang dibdib ko sa galit nang makita ang bulto ni Flame sa tulay kung saan kami nagtatago noon. Hindi nga ako nagkamali na dito ko siya makikita.

"Na saan ang anak ko, Flame?" nanggagalaiting tanong ko at hindi ako nagdalawang-isip na ibato kay Flame ang helmet na hawak ko.

Hindi man lang umilag si Flame at buong puso nitong tinanggap ang helmet na hawak ko. Bumaba ako mula sa motor at nilapitan siya.

"Ganyan ba talaga ang pagbati mo sa akin bilang kapatid mo, Sinji?"

"Hindi kita kapatid kaya ibigay mo sa akin ang mga anak ko."

Flame burst into laughter.

"Isang bansot nga pala ang tingin mo sa akin noon, Sin. Bakit ko nga ba nakalimutan na puro salita lang ako sa paningin mo?"

Flame smirked at me and held my arms tightly. "Ito na ang bansot na minamaliit mo noon Sinji, ang bansot na nagawa ang lahat ng makakaya niya para lang mabigyan ng bahay ang mga batang inabandona mo noon. Ang bansot na minahal kang patago para lang mapanatiling kasama ka hanggang dulo. Ang bansot na gagawin ang lahat para sa ikaliligaya mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Flame at hindi ko inaasahan ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig.

Bago pa man ako makasagot, hinila ako ni Flame papunta sa ilalim ng tulay. Isang madilim na daanan ang aming tinahak. Ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang kweba sa pinakasulok nitong tulay at nakita ko ang iba't-ibang aparato tulad ng kapsula na nakita ko noon sa bahay-amponan. Nagkalat rin ang mga tauhan niyang armado at ang mga bangkay ng mga bata na hindi nakayanan ang parusa sa loob ng kapsula.

"Ano ang ibig sabihin nito Flame?" bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Flame at binigyan ito ng mabagsik na tingin.

"Gaya ng ipinangako ko, binigyan ko ng pagsisilungan ang mga batang kasama natin noon. Binigay ko sa kanila ang malinis na tirahan, mga masasarap na pagkain, at isang bahay na masisilungan tuwing umuulan. Pero ang tulay na ito ang naging sandigan ko para mabuo ang mga pangarap na 'yon."

"Nakikita mo ang mga taong nakasuot ng puting lab gown? Lahat sila dinanas ang kapsula, ikaw, ako pati si Carmela. Ipinagpatuloy ko ang gawain na nasimulan ni Mother Elise sa ampunan. Noong mga panahong nawala kayo ni Carmela, bumalik ako sa amponan para pag-aralan ang pag gawa ng kapsula. Hindi naman ako nabigo ng makilala ko ang isa sa mga scientist na nagtrabaho noon sa basement. Nang maibigay niya sa akin ang tamang proseso ng kapsula, ang dahilan ng tattoo at kaugnayan nito sa atin, agad ko siyang pinatay dahil hindi ko kailangan ang isang tulad niya. Unti-unti kong binuo ang kapsula gamit ang pagnanakaw sa mga taong mayayaman. Dinungisan ko ang kamay ko para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga batang kasama natin sa ampunan at hindi naman ako nabigo. Napagtapos ko silang lahat sa malalaking antas ng edukasyon at heto sila ngayon, tinutulungan ako sa pagpapalawak ng eksperimento na sinimulan nina Mother Elise noon."

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Hindi na siya ang Flame na kilala ko noon. Mukhang nilamon na siya ng paghihiganti, galit at poot sa ampunan at kina Mother Elise na naging dahilan kung bakit nabubuhay pa rin kami dito sa mundo. Wala na rin ang bahid ng sunog sa kanyang mukha noong onse-anyos pa lang kami. Ibang-iba ang Flame sa ngayon kesa sa kasabay kong lumaki noon.

Lumabas mula sa isang kwarto ang isang babae na kilala ko na noon pa man. Pero hindi ko akalain na pagtatagpuin ang landas naming dalawa.

"Barbara?" wala sa sariling tanong ko.

"Carmela Barbara Sandoval, Sinji. Ako ang babaeng nangbully sayo sa school noon at ako rin ang babaeng naging dahilan kung bakit mo iniwan si Kuruzaki. Ang sakit diba?"

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon