SINJI'S POV:
--
IT'S been a month since Saviel left and it's been a month when I met Barbara and it feels like hell.
Para siyang langaw na sunod ng sunod sa akin kahit saan ako magpunta dito sa loob ng campus. Kung sino-sino na rin ang kinuntsaba nya para lang maibagsak ako.
Pero sorry siya, HuPoFEL trained me well. Mag-seminar muna siya sa Amerika bago niya ako mapabagsak ng tuluyan.
Hinihingal na sumalampak ako sa ugat ng puno na siyang pinagtataguan ko dito sa loob ng green house. Halos isang buong linggo akong nakipag laro ng hide and seek sa baliw na Barbara na 'yon.
"You look wasted, baby."
Napalingon ako sa gawi nang taong nagsalita at ganun na lamang ang gulat ko ng makita si Senri sa harapan ko. He's sizzling hot like sisig. Charot!
Ampogi talaga ng fiancé ko!
"A..anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko na hindi alintana ang pawis na tumutulo sa leeg ko. Balot rin ako ng harina sa buong katawan gawa nang mga alipores ni Barbara. Gawin daw ba akong sample para sa baking class nila? Letseng 'yan!
"Thud told me that something might interest me, so I came here. I never thought I would see you like this?" he said as he look directly throught my soul - di joke lang - sa mata ko siya nakatingin bago hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha kong balot ng harina.
"Walang interesanteng nangyari bukod sa tinakbuhan ako ng bugok na si Thud." mapaklang sabi ko.
Actually kaklase namin ni Senri si Barbara, at dahil nga sa pagiging right hand man ni Senri kay Kuya Luther, excempted siya sa lahat ng classes namin. Ang yabang no? Pero hindi, tahimik lang ang Hapon na tu na laging nakabuntot sa kapatid kong pinaglihi sa bato.
Wala na ngang time sa akin si Senri, eh. Sila na lang kaya ni Kuya Luther magpakasal? Charizz! Baka paulanan nya ako ng bala pag sinabi ko yan.
"So, explain to me why you are a mess?"
Napanguso ako bago sumandal sa katawan ng puno at naupo bago hinarap si Senri na ngayon ay naka indian sit sa harap ko na parang isa akong specimen na kailangang pag-aralan.
"Ginawa lang naman akong sample sa baking class namin ni Barbara."
"Hmmn. Who's Barbara?"
"Isang baliw na naghahabol sa'yo." I cross my arm infront of my chest as I reverted my gaze away from Senri's face.
Senri let out a giggle.
"Silly. Wala akong babae, bukod sayo."
"Weh? Maniwala daw ba?"
Napatili ako nang hilahin ni Senri ang braso ko at namalayan ko na lang na nagkapalit kami ng pwesto. Si Senri na ngayon ang nakasandal sa katawan ng puno habang ako ay nakaupo sa pagitan ng mga hita ni Senri at ang dalawang braso nito ay nakayakap sa bewang ko.
"Should I trust what Luther told me?"
"Ano na namang sinabi sayo ng kapatid ko?" sita ko rito na may paniningkit na mga mata habang nakatingin sa makinis niyang mukha.
Senri just brushed his hands on my face, pero hindi nun mapigilan ang inis at pang uusisa ko.
May siraan na palang nangyayari, wala akong kaalam-alam. Halos isang linggo din akong nag-agaw buhay sa kamay ni Barbara tapos may ganito palang eksena si Kuya? Wow!
Napaigtad ako ng pitikin ni Senri ang noo ko.
"Quit thinking such horrible things. I was just joking, you know."
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...
