Missing 1: Senri

684 12 3
                                        

SINJI'S POV

Nakasiksik lang ako sa isang madilim na gilid, pilit na nagpapakaliit habang pinagmamasdan ang ibang kadalagahan na kasama ko rito sa loob ng kwarto.

The atmosphere was thick with dread. Ang iba sa amin ay halos maubusan na ng luha sa kaiiyak, habang ang iba naman-kagaya ko-ay mas piniling manahimik na lamang.

We knew better than to make a sound; ayaw naming makuha ang atensyon ng mga lalaking armado na seryosong nakabantay sa bawat galaw namin.

All of us were wearing black and red nighties-thin, revealing, and humiliating. As far as I've heard, we are about to be auctioned in a notorious black market here in Spain.

Akala ko nung una, marangal na trabaho ang napasukan ko, pero ang supposed to be na raket ko ay nauwi pala sa madilim at ilegal na gawain.

This room consists of twenty girls, excluding the armed guard; that makes twenty-one of us trapped in this four-walled prison with no windows.

Nasali lang naman ako rito dahil sa desperasyong makahanap ng ligtas na lugar, pero huli na nang mapagtanto kong wala na palang takas matapos kaming dalhin dito sa Espanya.

This country is no playground. At the age of eighteen, I've already witnessed how the world is full of shits, at isa nga sa pinakamalalang bangungot ay nararanasan ko na ngayon-ang ibenta sa ibang lahi at gawing alila habang-buhay.

"Ayaw ko na rito..." Napalingon ako sa isang babaeng humihikbi habang nakasubsob ang mukha sa kanyang mga tuhod. She looked fragile, maybe even younger than me.

All of us were paralyzed, not knowing what to do but wait-wait if someone would actually come to rescue us, or if we'd finally be sold to those heartless aristocrats and rich people as their playthings. I never knew my parents or any relatives. Namalayan ko na lang, mag-isa na ako sa mundong ito, at ngayon, nandito pa sa Spain.

"Natatakot ka ba sa pwedeng mangyari sa atin?" Camille approached me, leaning her head closer para hindi kami mapansin ng mga gwardya.

Strict ang mga rules dito: bawal ang magsalita, bawal magreklamo, at higit sa lahat, kailangan naming sumunod sa lahat ng gusto nilang ipagawa.

"Hindi ko alam, Camille. Ipinapanalangin ko na lang na sana makalabas tayo rito nang buhay. Marami pa akong pangarap... at isa na doon ang mailigtas ko kayong lahat," bulong ko.

"Imposible ang iniisip mo, Sin," she sighed, her voice trembling. "Gustuhin man nating iligtas silang lahat, wala tayong laban. Maraming menor de edad tayong kasama at ang ilan ay tuluyan nang pinanghinaan ng loob."

"'Yon nga ang dapat nating gawan ng paraan. Kung kaya natin, dapat kayanin din nila dahil buhay natin ang nakataya rito-"

"Hey! You two, what are you mumbling about?"

Natinag kaming dalawa nang lumapit ang isang foreigner na bantay. His voice was booming and cold. Sabay kaming umiling ni Camille, our hearts racing against our ribs. Tinignan kami ng lalaki mula ulo hanggang paa-a look that made my skin crawl-kaya umatras kami sa pagkakaupo hanggang sa talikuran niya kami. Suddenly, bumukas ang pinto at iniluwa ang isa pang lalaking armado.

"Bring five girls to the backstage. That's the Boss's order."

Bumaling sa amin 'yong bantay na may hawak na baril. Inisa-isa niya ang mga babaeng kailangang lumabas. Halos mabingi ako sa hiyaw at iyakan ng tatlong babaeng kinaladkad na sa labas. Lalo akong kinabahan nang sa amin ni Camille dumapo ang kanyang malamig na paningin.

"You two, get up already and follow them!"

Ako ang naunang tumayo, hinila ko ang nanginginig na kamay ni Camille. There were two men waiting for us outside to escort us. Habang naglalakad sa madilim na hallway, magkahawak-kamay kaming dalawa. Sa sobrang takot ni Camille, halos madurog na niya ang mga buto ko sa higpit ng hawak niya.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon