Missing 15: His Time

224 7 0
                                        

SINJI'S POV:

"Mars ang sama nang tingin sa atin ni Kuya Luther," wika ko kay Saviel habang magkaharap kaming nagpapaubaya sa daloy nang alon. Malapit na ang sunset pero heto pa rin kaming dalawa nakababad sa tubig alat.

Saviel turned her gaze where is my brother standing near at the coconut tree together with HuPoFEL boys.

Tapos na silang maglaro ng beach volleyball pero may mangilan-ngilan pa ring naglalaro at 'yong iba ay nagsu-swimming, banana boat, jetski, at kung anu-ano pang pwedeng gawin namin dito sa beach.

"Hayaan mo nga siyang mamuti ang mga mata kakatitig sa atin. Hindi na tayo bata para bantayan niya."

"Excuse me, eighteen pa lang ako. Sa ating dalawa ikaw lang ang matanda." Natatawang wika ko pero ganun na lang ang gulat ko nang sabuyan ni Saviel ng tubig ang mukha kaya napatili ako.

"Apakasama mong nilalang."

Nagkukwentuhan lang kami nang kung anu-ano habang nakababad sa tubig nang may maramdaman akong yumakap sa bewang ko mula sa ilalim nang tubig.

Akmang sisipain ko kung sino ang yumakap sa akin pero biglang lumitaw ang bulto ni Senri. Bagsak ang buhok nito na tumatabing sa kanyang mga mata pero ang loko nakangiti lang.

"Hey Sav, can I borrow her for a minute?" Paalam ni Senri bago nito hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha habang ang isang braso nito ay nanatiling nakayakap sa bewang ko.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Saviel ang relasyon na meron kami ni Senri kaso agaw-eksena lang talaga sila ni Kuya - SaLuth for the win.

"Nakow, lalandiin mo lang ang bespren ko. Tigilan mo ako Kuruzaki, nakita kita kanina may kausap kang chix."

"Seryoso ba 'yan, mars?" Nanlaki ang mga mata ko habang nagpabalik-balik ang tingin kay Saviel at Senri pero hinila na ako nang lalaki paahon mula sa tubig.

"Don't believe her, wife. She's just asking me for a direction."

"Sus, kunwari pa 'to. May pahimas-himas ka pa nga sa bewang nong babae." Sigaw ni Sav sa amin dahil nanatili ito sa pwesto kung saan kami nanggaling.

Sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi ni Sav. Alam kong likas na malandi ang lalaking ito dahil ilang beses ko na siyang nakitang may kahalikang babae. Tinulak ko si Senri palayo sa akin kaya nabitawan ako nito.

"Hey, she's lying."

"Alam mo, ang landi mo!"

Nag walk out ako sa harapan ni Senri pero hindi pa man ako nakakalayo ay may pumigil na sa akin.

"Joke lang mars, walang kausap si Senri. Izza prank." Humagalpak nang tawa si Saviel sa harapan ko at may pahampas-hampas pa sa kanyang tuhod.

I crossed my arms in front of my chest and looked at her. "Happy yern, mars?" Bakas sa boses ko ang inis.

Ang lakas kasi mangtrip nang babaeng ito. Kung hindi ko lang siya bestfriend baka binigwasan ko na siya.

"Oo naman. Ang saya mo kayang pagtripan."

Napairap na lang ako sa kawalan hanggang sa makita kong papalapit muli sa pwesto namin si Senri pero kasama na niya ngayon si Kuya Luther.

"I told you, she's lying. Kailan mo ba ako papaniwalaan na hindi ako nambababae?" Sambit ni Senri nang makalapit siya sa amin na may halong pagtatampo.

"Malamang, Kuruzaki sa itsura mong 'yan babaero ka. Crush nga kita, eh."

"What?" Sabay-sabay na bulalas namin ni Kuya Luther kay Saviel kaya napatingin sa amin ang lukaret kong kaibigan.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon