SINJI'S POV
Mula nang makilala ko si Ernaline, naging inseparable na kami—sa loob man o sa labas ng school premises. I already met her brother, and honestly, I was so surprised to find out she had such a handsome sibling.
"Wala ba talagang girlfriend ang Kuya mo?" tanong ko sa kanya.
Kasalukuyan kaming nasa garden ng bahay nina Ernaline. Naisipan kong dito na lang tumambay kaysa makipagkulitan sa mga tao sa HuPoFEL. Minsan, nakakasawa rin palang makita ang mga mukha nila kahit na sabihing napapalibutan ako ng mga gwapo araw-araw. Of course, hindi ko ipagpapalit si Senri, but it's been a week since I last talked to him. Masyado siyang busy at lagi siyang kasama ni Kuya Luther outside the country.
"Hindi ko alam. Wala namang pinapakilala na babae si Kuya sa amin," sagot niya habang nakatingin sa malayo.
"Pakilala mo ako, tapos ako na ang manliligaw," biro ko, though half-meant.
"Baliw! Mula nang akuin niya ang pag-manage ng Montenegro Empire, wala nang social life si Kuya. Hindi rin naman kasi ako interesado sa business," paliwanag niya.
"Bakit Business Management ang kinuha mo?"
"'Yon ang gusto ni Daddy. Pangarap kong maging performer, Sin, but I am too ashamed to go outside of my shell and show my talent."
I leaned on the table as I looked at her. Minsan, naaawa ako sa babaeng ito. She seems to have everything, pero sa mga mata niya, kitang-kita na may kulang pa rin. Being a performer is one of the hardest things you can imagine, pero iba ang pakiramdam kapag nasa entablado ka at may mga taong nakasuporta sa'yo. Hindi pa naman ako nakakasalamuha ng mga professional na artista, pero base sa observation ko, mahirap ang umarte sa harap ng camera—lalo na kung sa likod niyon, hindi ka naman pala totoong masaya.
"Kung ganyan ang mindset mo, bibigwasan kita. Bakit hindi mo subukan sa CDC Entertainment? They are one of the best agencies in town, right?"
"Siguro pagkatapos nating grumaduate, magti-take risk ako... or baka maging taong-bahay na lang ako. I really love writing songs; it gives me peace when my mind is at ease."
"Ikaw din, sayang ang talent," panghihinayang ko.
Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin ni Ernaline hanggang sa nagpasya na akong umuwi. Pagkababa ko mula sa taxi, natanaw ko agad ang pamilyar na pigura ni Senri. He was waiting at the entrance of the building where HuPoFEL was hidden. Kumunot ang noo ko nang makitang malamig ang titig na ipinupukol niya sa akin pagkalapit ko.
"Where have you been?" bungad niya.
Napaatras ako nang wala sa oras. Kasi naman, ako dapat ang magtatanong sa kanya, 'di ba? Nakahanda na 'yong speech ko tapos uunahan niya ako?
"Sa bahay ng kaibigan ko, bakit?" mataray kong sagot.
"Didn't you hear the news?"
"What news?"
"HuPoFEL was harboring a snake inside its haven. Aqueros decided to lockdown this building, and no one is allowed to go outside the premises."
"Kailan ipinatupad 'yan?"
"Earlier, while you were away. Get inside. Aqueros is looking for you."
Naunang tumalikod si Senri at pumasok sa building. Napakagandang welcome naman niyon sa akin! Minsan lang akong gumala, tapos ganito pa ang madadatnan ko? Ang heavy naman, teh! Busangot akong sumunod kay Senri hanggang sa makarating kami sa Intel Department kung saan naroon ang Elite Members. Nagkukumpulan sila sa harap ng isang computer.
"It takes time to fix this system, Aqueros. I just started building a stronger defense for our building," rinig kong wika ni Rent pagkapasok ko.
Inilapag ko ang bag ko sa sofa bago lumapit sa kanila. Tumayo ako sa tabi ni Kuya Luther na matamang nakatitig sa computer ni Rent, na puno ng mga numero at letra na hindi ko naman maintindihan.
BINABASA MO ANG
Missing Melody (COMPLETED)
Romansa[BLOODFIST SERIES 3] "He bought my freedom, but he stole my soul." Sinji Natividad thought she found a hero in Senri Daeyl Kurusaki. Hiningi niya ang kamay nito sa kasal para makalaya sa isang bangungot, only to wake up in a world where her husban...
