Missing 22: Goodbye Hawaii!

255 5 0
                                        

SINJI'S POV:

--
MAINGAT na binibihisan ko ng damit si Seiji, Serin at Shin. Triplets ang anak ko, noong una nahirapan ako pero dahil sa suporta ni Saviel ay nakayanan kong buhayin ang mga anak kong pinaghati sa mukha naming dalawa ni Senri.

"Mom when will we visit Philippines?" Serin asked me.

Seiji and Shin is a boy while Serin is a girl.

Matapos kong bihisan ng pare-parehong damit ang mga chikiting ko, tinignan ko si Serin bago sinagot ang kanyang tanong.

"Why do you want to visit Philippines? Hindi ka na ba nag-eenjoy dito sa Hawaii?"

"But Tita Ninang said, Philippines is a beautiful country. Mas maganda pa raw dito sa Hawaii. Mom I wanna go there." Seiji said.

Nasapo ko ang aking sintido dahil sa sinabi ng anak ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang tinuro ni Sav sa kanila at tungkol pa talaga sa Pilipinas.

"Me too, Mom. I want to meet my boyfriend there." laglag ang panga ko sa sinabi ni Serin.

She's just five years old for godness sake.

"Jusko kang bata ka, ano na naman bang tinuro sayo ng Tita Ninang mo at pati pagbo-boyfriend ay alam mo?" binuhat ko si Serin at inupo sa lap ko since nakaupo ako sa kama ng hotel na tinutuluyan namin.

Actually ang ginamit kong pang gastos mula sa panganganak ko at pagtatago ko ay ang card ni Kuya. I have no choice but to use his wealth even though we're not in good terms five years ago. Iniwan ko lahat ng gamit ko sa HuPoFEL at tanging nakuha ko lang ay ang infinity card ni Kuya.

Halos mahilo ako sa laman ng infinity card ni Kuya pero ipinasawalang bahala ko na lang yun. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong maisalba sa mundo ang mga anak ko.

Ako lang yata ang naglayas na sa Hawaii pa nanunuluyan kung pwede namang sa Pilipinas na lang. Kaso ayokong madamay si Kuya Luther sa gulo na meron ako pero lalo lamang pinagulo ang sitwasyon ko ng dumating ang triplets na ito sa mundo.

"I saw a music video of a certain boy band group on Tita Ninang's handy phone and I said to her that the bass guitarist is so cool and I want him as my boyfriend and then Tita Ninang said, there's no something wrong about it if he will be my boyfriend."

Pakiramdam ko mauubusan ako ng dugo sa mga pinagsasabi ng anak kong babae.

"You're too young for that, Serin." sabat ni Seiji sa usapan namin bago ito umupo sa dulo ng kama na agad ring ginaya ni Shin na tahimik lang at nakikinig sa usapan namin.

"But Kuya, if we go to the Philippines I want to meet him." ungot naman ng dalagita namin.

"Sino ba yan para naman magka-ideya si Mommy kung papayag ba siya na maging boyfriend ng baby Serin ko?" paglalambing ko sa anak ko.

Ngumuso si Serin. "I am not a baby anymore, Mommy. Tita Ninang said if I wear a lipstick or make up I am a big girl na."

Napabuga ako ng hangin.

Ngayon pa lang parang gusto ko ng saktan si Saviel dahil sa mga tinuturo niya sa anak ko. Tita Ninang kasi talaga ang tawag nila kay Sav, gusto ko nga na Mama ang itawag sa kanya kaso ang gaga sobrang arte, ayaw niya daw matawag ng Mama gayong wala siyang jowa. Isa siyang kawawang nilalang na nagkatawang babae pero kilos lalaki.

Kung nilandi niya ba naman ng todo ang Kuya Luther ko, baka sakaling may asawa na siya ngayon. Kaso mukhang malabo na si Kuya Luther ang makatuluyan niya dahil sobrang busy nun sa trabaho.

"So, sino nga?" balik ko sa usapan namin.

"His name is Senri, Mommy."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig mula sa bibig ng anak ko ang pangalan ng kanilang Ama.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon