Missing 16: With You

267 9 0
                                        

SINJI'S POV

"Aray mars! Dahan-dahan naman sa paghila, akala mo naman mauubusan tayo ng lupa!" reklamo ko habang pasuray-suray sa paglalakad.

Mula sa dinner ay bigla na lang akong kinaladkad ni Saviel paalis ng rooftop. Hindi pa nga ako nakakatunaw ng kinain, basta na lang niya ako sinuotan ng blindfold pagkarating namin sa ground floor. Halos magkandatisod ako dahil sa lakas ng hatak niya—yung totoo, bes? Akala mo may malalim na galit sa akin, eh.

"Ay, sorry mars! Ganito lang talaga ako ma-excite, parang nanalo sa lotto!"

"Saan ba kasi tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad, baka sa kabilang isla na tayo makarating niyan," iritadong tanong ko. Wala akong ideya kung nasaan na kami; ang naririnig ko lang ay ang kaluskos ng mga tuyong dahon at ang hangin.

"Diba sinabi ko na sa'yo 'yong plano? Nakalimutan mo na agad? Ulyanin yarn?"

Ngumiwi ako nang matisod ako sa isang nakausling kahoy. Pinigilan ko ang mapadaing dahil ayaw kong ipahalata ang sakit. Sa pakiramdam ko, namumula na ang paa ko sa dami ng beses na sumabit ako kung saan-saan simula kanina.

"For your information, Saviel Hyuga, wala kang nabanggit sa akin na plano. We talked about a 'surprise,' yes, but you didn't give me a single detail. Zero. Nada," sarkastikong sambit ko.

Biglang bumitaw si Sav sa kamay ko. Akmang tatanggalin ko na ang blindfold pero mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko para pigilan ako.

"Ano ba! Mamaya mo na tanggalin 'yan, excited much? Anyway, hindi naman 'yon importante dahil ang totoo, panggulo lang talaga ako sa plano. Ito lang talaga ang naitulong ko."

"What do you mean?"

"Ang ambag ko lang naman sa plano ay ang iligaw ka. So, stay put ka lang dito. I'm leaving, bye-bye!"

"What?! Saviel!"

Sa inis ko, padaskol kong tinanggal ang blindfold. Ang bumungad sa akin ay ang madilim at masukal na lugar. Walang Saviel sa paningin ko. Walang bakas ng hotel, at mas lalong walang HuPoFEL.

"Sav! Hindi nakakatuwa ito! Bumalik ka rito!" naiinis na sigaw ko.

Hindi naman ako takot sa dilim, pero nakakawala ng poise ang hindi kabisado ang lugar. Inilibot ko ang paningin ko, pero tanging huni ng mga ibon sa gabi at ang nakakabinging kanta ng mga kuliglig ang sumasagot sa akin. I have no idea where I am on this island.

Dahil sa sobrang inis at takot na baka lamukin ako rito, naglakad na lang ako. Tinahak ko ang daang hindi ko alam kung saan ang dulo.

"Kapag nakalabas ako rito, kakalbuhin kita nang bongga, Saviel Hyuga! Humanda ka talaga sa akin," I mumbled to myself as I pushed through the branches of this creepy place.

Pero biglang nawala ang inis ko nang makakita ako ng isang maliit na liwanag sa malayo. Dahan-dahan ko itong sinundan.

I was genuinely surprised when I saw a tree house standing grandiosely in the middle of this eerie forest. Napakaliwanag ng tree house na 'yon, puno ng warm lights na tila ba inaanyahan akong pumasok at magpahinga.

Nang maihakbang ko ang paa ko palapit, unti-unting nagliwanag ang daan na tinatahak ko. Small candles lit up one by one as I walked, forming a golden path straight to the tree house. It felt like a scene from a movie.

Pagdating ko sa puno, may nakakabit na kahoy na hagdan. "Kingina naman, baka may multo rito?" bulong ko habang maingat na umaakyat. My heart was pounding against my ribs.

Pagdating ko sa tuktok, bumungad sa akin ang isang pamilyar na bulto ng lalaki. Nakatayo siya doon, nakangiti, at nakalahad ang kamay sa akin.

"Wala akong barya," biro ko kay Senri para itago ang kaba ko. Pero ang loko, tumawa lang bago hinawakan ang kamay ko para tulungan akong makatuntong sa platform.

Missing Melody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon