Lima

14.2K 423 15
                                    



Sam

SABI NGA nila; the heart feels what the eyes cannot see and knows what the mind cannot understand. Patunay iyan ng kung anong epekto sa akin ni Jako. Iniisip ko pa lang na magkakabangga ang mga mata namin nagiiba na ang pagpag ng puso ko paano pa kaya kung ganito na siya kalapit sa akin?

"I'm fascinated, kailan ka pa nawili sa pagtitinda ng bulaklak? You graduated fashion designing, am I right?" Naipilig ko ang ulo ko. Paano niyang nalaman ang tungkol doon? Where freaking worlds apart, ganon ba ako kasikat?

"Yes, hindi na maiaalis sa akin ang pag guhit at mananatili na iyon sa dugo ko. Once in a while nag di-design pa rin naman ako pero mas gusto ko ang pagtitinda ng bulaklak gaya ng sabi mo." napapantastikuhan lang ako sa uri ng usapan naming ito. Ang tagal niyang nawala and yet darating siya at magpapakita para lang maliitin ang pagtitinda ko ng bulaklak?

"You love flowers, eh? O dahil hindi mo pa rin makalimutan na ako ang unang nagbigay sa iyo ng bulaklak, remember? I was also your first kiss." naglalaro ang pilyong ngiti sa labi ni Jako ng hindi ko naitago ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. I really thought he forget all of that.

"Matagal na iyon Jako, to tell you honestly, I barely even remember it was happen." Yeah right. Take that dela Vega! Pagbubunyi ko sa loob ko ng may makita akong kirot sa mga mata niya pero tila segundo lamang iyon dahil the next thing I know nag iba ang kulay ng mga asul niyang mga mata. It was darker at nakakatakot iyon dahilan para kabahan ako.

"Do you think I will buy that, baby?" Napapikit ako at kahit hindi ko aminin sa sarili ko, kinilig ako ng tawagin niya akong baby. Kung puwede lang i-rewind at i-record para sa pagtulog ko yun ang huli kong maririnig at sa pag gising ko naman sa umaga iyon din ang una kong ipi-play. Obvious bang baliw ako?

Hindi pa rin nawawala ang self confidence ni Jace sa katawan. Tunay ngang magkaiba na talaga kami ng antas. He was a goddman successful in his business samantalang ako, na-stuck na sa simpleng buhay that I have.

"T-that was seven years ago, Jako." Pagak akong tumawa, "Things changed, many things has changed already." hindi ko alam kung bakit ba ako nabubulol sa pag sasalita. Si Jace dela Vega lang naman siya diba! Sino ba siya sa akala niya?

Napaatras ako ng magumpisa siyang lumapit sa akin. Sa bawat pag hakbang niya pa-abante isang hakbang naman ang ginagawa ko pa-atras. At gaya ng sa mga old movies na napanuod ko, na ang bidang babae ay wala ng maatrasan tapos kakabigin siya ng bidang lalaki para yamukusin ng halik. Napapikit na lang ako at nag hihintay na mangyari iyon sa akin, halos hindi na ako humihinga sa paghihintay ng biglang matabig ko ang swivel chair ko.

"Aaaahhh!!" tili kong sigaw ng mapaupo ako bigla.

Naman! Moment na sana eh!

I just heard Jace's laugh na ikinaangat ko ng ulo. He was leaning on me with both of his hands were on both my chair's armrest. "At least now, you remember."

"Ano?!" singhal ko sa kanya.

"Ang sabi ko, kunwari ka pang hindi maalala pero kung makapikit ka kanina wagas. Ayan tuloy muntik ka ng mahulog, buti nasalo ka ng upuan mo." Tukso pa nito sa akin.

Nag-init ang pisngi ko sa inis sa mga sinabi niya. How cocky he was para sabihin iyon sa akin?! Yes, masasabi ko ngang tanga ako at istupida dahil sa naniwala ako sa kanya noon but I am still Summer Viene Saavedra.

No one dares to laugh at me like that.

Inayos ko ang sarili kong paghinga at ibinalik ang nagtago kong composure saka siya malakas na itinulak.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon