Prologue

30.5K 446 12
                                    



"Sam, sabay ka na!"

Iyon ang rinig kong sigaw ni Dean matapos niyang ibaba yung tinted na bintana ng kotse niya at saka dumungaw.

Maaga akong lumabas sa school ngayon. Wala kasi kaming teacher, kaya andito ako ngayon sa ilalim ng isang malaking puno sa school namin. Hindi ko schoolmate si Dean, nasa college na siya at ako naman ay graduating pa lang ng highschool.

Simula pagkabata magkakaibigan na kami nila Dean at Jace. Magkakaibigan ang mga parents namin samantalang silang dalawa ay blood related dahil magpinsan ang mga ito. Jace was the oldest among us, he was nineteen samantalang eighteen naman si Dean at ako ang pinaka-bunso. I'm fifteen.

"S-sasabay ako kay daddy, Dean." Napangiti ako tapos umiling ng marahan. Iba si Dean sa mga lalaking kakilala ko, he was the epitome of a respectable young man, napaka-gentleman din nito, kita niyo naman ang ebidensya diba?

Nakita kong pinatay nito ang makina ng kotse saka umibis ng sasakyan. Narinig ko ang pagkakagulo ng mga kababaihan sa school ko.

Gosh! Ang hot niya, gurl!

Si Travis ba iyan? Yung super hunk ng IS? Bakit siya nandito?

Oh mah God! Oh mah God! Papalapit siya dito sa atin!

Napairap na lamang ako sa mga nakakarinding mga tilian ng mga babaeng iyon sa gilid ko. Kung bakit ba kasi andito pa itong lalaking ito eh.

Eh, sino bang hindi? Travis Dean dela Vega was a sight not to be missed! He was tall at 5'9 at may guwapong mukha. Kinuha niya ang feautures ng daddy niya, si Tito Blake na sikat na surgeon at ang gentleness naman niya ay tulad ng kay Tita Mira. His body was lean with perfect cuts of muscles kaya siguro marami ang nagkakagusto sa kanya.

"C'mon, mukhang matatagalan pa si Tito Jairus sa pag sundo sayo, he's with Papa and Tito Marco in the office." tuluyan na siyang nakalapit sa akin at binigyan pa niya ako ng isang wagas na ngiti showing his perfect set of white teeth.

"Bakit ka ba kasi andito? Tignan mo nga ang ginawa mo sa mga babae dito, oh!" pairap akong nagsalita sa kanya habang siya naman ay cool na cool na umupo sa tabi ko.

"Selos ka naman agad, princess?"

"Hindi ah! Hoy! Dean, kapal mo ha!" napanguso ako sa kanya. Namilog naman ang mata ko ng yumukod siya at tumitig sa mukha ko. "Huy! A-anong—"

"I like it when you're jealous alam mo ba yon, princess? Kinikilig ako!" abot tenga ang ngiti na sabi niya sa akin.

Binatukan ko siya para matauhan siya.

"Aray! Ang harsh mo naman princess," himas pa nito ang nasaktang ulo pero nakatawa naman ang mga mata. "Kundi lang kita mahal matagal na kitang pinatulan eh."

Hayan na naman yung mga banat niyang iyan sa akin. Mula kasi nung mga bata pa kami sinasabi na niya na pakakasalan niya ako when we grow up, kuwento nga sa akin ni mommy hiningi na niya ang kamay ko sa kanya kaso hindi naman papayag ang daddy ko no.

"Alam mo ikaw, puro ka talaga kalokohan." sinabi ko na lang para pagtakpan ang pagkaasiwa ko sa topic.

"Seryoso naman ako, princess. Pag dating sa iyo, never akong hindi nag seryoso." tinignan ko siya at bigla akong kinabahan sa way ng pag titig niya sa akin.

Parang may iba.

Bigla tuloy akong na-conscious at nagbaling ng tingin. Kapag ganitong nag seseryoso na siya natatakot ako. Minsan, hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip niya.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon