Pito

14K 355 12
                                    



Sam

It doesn't make sense to let go of something you had for so long.. But it also doesn't make sense to hold on when there's actually nothing there.

KANINA pa iba ang galaw ng puso ko sa tuwing tinititigan ako ni Jako. Parang halos ayaw ko ng huminga sa tuwing nakikita ko ang pagka lalim-lalim niyang mga mata sa mata ko.

I can't explain why I let him kissed me awhile ago pero pinatunayan lang ng halik na iyon kung paano niya kayang baliwin ang puso ko. Okay, I get it naiinis kayo sa kanya.. ganun din ako. Pero bakit kahit na ang dami niyang pag kukulang sa akin hindi ko magawang diktahan ang puso kong kamuhian siya. Sorry brain, pero mas mahirap kalabanin si heart.

"Anak, okay ka lang ba?" untag ni mommy sa akin.

"H-huh?"

"Masama ba ang pakiramdam mo, hija?" Tita Mira asked me. Nalilito akong tumingin sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at ng mapadako ang tingin ko kay Jako para pa itong nakakalokong ngumisi sa akin.

Alam kaya niyang kung ano ang gumugulo sa isip ko?

"I-I'm sorry, paki ulit nga po iyong tanong, Auntie?" I asked politely.

"I said that, you're too hooked up with your flower farm, hija. Kailan mo ba kami ulit gagawan ng collection?" matiyagang ulit ni Tita Mira sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim. Nag kanda loko-loko na ang isip ko dahil sa lalaking ito sa harap ko. Hindi ko inaasahang pupunta talaga siya dito sa anniversary nila dad and mom. Kanina ng mag tagpo ang mga mata namin hindi ko maiwasan na huwag panindigan ng balahibo sa katawan at pati na rin kung paano niya tignan ang mga lalaking nakuha ko ang atensyon.

Nag seselos ba siya dahil may nakatinging iba sa akin? Napapikit ako ng mariin. No. Nag iisip lang siguro ako masyado. Umaasa pa rin kasi ang puso ko kahit hindi na puwede.

"Uhmm...siguro po next month po baka makaisip ako ng mga magandang designs, Auntie." ngumiti lang ako dito saka ko tinungo muli ang pagkain ko.

"Oh, where's Jazsmine by the way, Cass? Jace, tumawag ba sa iyo si Jazs na mali-late siya?" napatigil ang pag subo ko sa hangin ng marinig ko iyon na sabi ni Tita Mira. Kung di lang kabastusan ang umalis na sa hapag-kainan kanina ko pa ginawa.

"She never called me, Auntie..." magalang na sagot naman ni Jako, "Ikaw Sam, hindi ba tumawag sa iyo si Railey?" napahinto ako saglit sa tanong ni Jako sa akin, "Hindi mo ba siya inimbitahan ngayon?"

Nag sisi ako kung bakit ako nag angat pa ng tingin sa kanya dahil bigla na namang nag iba ang kilos ng puso ko ng makita ko ang pilyo niyang ngiti sa akin.

"B-baka na-traffic lang..." pag aalibi ko.

"He will never come," kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"And why you're so sure of that?" mapang hamon kong sabi. May kinalaman kaya siya kung bakit hanggang ngayon wala pa si Railey?

"It's just a hitch." kibit balikat lang nitong sabi. May kislap pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang sumusubo.

Alam ko ang ugali niya. Kahit noong mga bata pa kami tuso na siyang mag isip. Nasa dugo na yata niya iyon. At kung hindi ako nag kakamali may alam siya kung bakit wala si Railey dito hanggang ngayon. Binalot ng pag aalala ang puso ko para kay Railey kaya nag paalam ako sa kanila para tawagan ito.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon