SamDaisy symbolizes love, of purity and innocence.. Just when I look at you and I can see the innocence and purity of your heart.
- Jako
UNANG araw ng linggo at iyon agad ang tumambad sa paningin ko pag harap ko pa lang sa pinto ng opisina ko. Yung puso ko para bang nauubusan ba ng hangin sa tindi ng pag kibot niya sa loob ko. Nakakatakot ang nararamdaman kong ito dahil hindi ko man aminin ng tuluyan sa sarili ko.
Mas matindi ang magiging epekto sakin kapag iniwan na naman ako ni Jako. Mas mahirap pa lang pang-hawakan ang isang bagay na alam mong hindi permanente kaysa ang maghintay lang..
He told me that he loves me, pero wala akong naisagot sa kanya ng gabing iyon kahit pa na...kahit pa dayain kong sabihing hindi ko na siya mahal sarili ko lang din ang niloloko ko.
Mahal ko siya. Nakamulatan na ng puso kong nag mamahal na sa kanya. Hindi iyon nawala kahit na kailan sa sistema ng pamumuhay ko sa araw-araw. Pero ang hirap pala kapag ang nasa isip mo ay yung baka bigla ka na lang niyang iwanan. Ang hirap sumugal ulit.
Kinuha ko yung bulaklak saka itinapat sa ilong ko tapos itinago ko ang note niya para iipit na muli sa libro ko ng may mapansin pa akong isa na katabi ng cofee maker ko.
Baby's breathe signifies happiness at ako, para sa akin ikaw ang kaligayahan ko. Masaya ako dahil andito ako, andiyan ka pa rin. You are my baby, Sam, and above all...you kiss like a baby, and I loved it.
- Jako
Para akong baliw na iigik-igik sa pagtawa ng mabasa ko ang kalakip na note sa bulaklak na bigay niya.
"Baliw talaga," bulong ko sa sarili ko saka kinuha ang note at pinagsama sa nauna. Naiiling akong gumawa ng sarili kong kape bago pumunta sa table ko ng mayron pa ulit isang bulaklak na nakalagay sa tabi ng isang basket ng pastries.
Kumunot na ang noo kong inabot ang bulaklak and just like the others, may note ulit itong kasama.
I'm selfish, baby. I just don't want you to forget me, our memories. It can't be forgotten.
- Jako
Nag iba ang naging pagtahip ng dibdib ko lalo na ng mapag tanto ko na forget me not na bulaklak ang hawak ko. Tumingin ako sa kawalan kasabay ng paghugot ko ng isang malalim na hininga.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit kung kailan andito na siya sa tabi ko saka pa ako natatakot ng ganito? Maraming beses kong pinangarap na dumating yung sandaling ito na magkaharap kami. Yung sabihin niya na mahal niya ako.. Eto na yun eh. Moment na ng puso ko para lumandi ng todo.
Napanganga na lang ako ng tuluyan at hindi makapag salita ng pag dating ko sa opisina ko, isang makapal na bungkos ng bulaklak ang nasa ibabaw ng lamesa ko.
"Cherry!" hiyaw ko na agad namang narinig ng assistant ko, "Y-yung mga bulaklak—"
"Maaga pong dumating si Mr. dela Vega kanina. Ma'am, ang sweet-sweet niya po diba?" parang naiihing sabi ni Cherry sa akin. Muli kong hinarap yung mga tulips na nakadapa sa ibabaw ng mesa ko.
Walang note?
Para naman akong nadismaya na hanggang doon lang matatapos ang surpresa niya. I took a deep sigh saka humarap sa assistant ko. "You can go back to work, thanks, Cherry."
"Ah-eh Ma'am Sam, wait lang po!" nilingon ko siya at saka may iniabot sa akin.
"A-ano to?"

BINABASA MO ANG
One Day Soon
RomanceSG: 1st A childhood friendship leads to a childish promised. From a childhood love to a nasty heartache. Can their love be enough? Ms.Therapeautic ©