Sam"Things change, people change, and it doesn't mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn't mean giving up, it means accepting that some things weren't meant to be."
PADABOG kong isinara ang pahinang iyon ng librong binabasa ko saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Tatlong araw ng mabigat ang pakiramdam ko. Tatlong araw na ang nakalipas mula nung airport incident. Hindi ko alam kung papaano pa ako nakalabas ng maayos sa airport dahil na rin sa dami ng reporters na nakarinig at nakakita ng pagsasagutan nina Railey at Jako. Bakit ba siya ganon? Bakit kung makaasta siya parang pag aari niya ang buong pagkatao ko? Kung papano niya nagagawang pabaliktarin ang kaluluwa ko sa simpleng pagtitig ng mga asul niyang mga mata sa akin ng makita niyang hawak ni Rai ang mga kamay ko. At wala man lang ginawa o sinabi si Jazs para pigilan ang fiance niya.
Bumaliktad ako paharap sa bintana ng kuwarto ko. Kitang-kita ko ang masayang bati sa akin ng araw na parang sinasabing bumangon na ako at gawing makabuluhan ang araw ko pero hindi ko magawa. Laging sumasagi sa isip ko si Jako, si Jazs at ang nararamdaman ko para sa kanya.
Agad akong bumangon saka malakas na inalog ang ulo ko hanggang sa makaramdam ako ng hilo.
Mali ito. Dapat ko na siyang kalimutan.
Mahinhing kirot ang biglang naramdaman ng puso ko sa naisip ko. Dinaklot ko ang bahaging iyon saka tinapik ng mahina.
"Hindi mo na siya pag-aari ngayon Sam, tapos na ang pitong taong pangarap mo para sa prince charming na darating para saluhin ka. Walang ganon, ang meron lang ay ikaw, ikaw na dapat magpatuloy sa buhay mo, sa pag abot ng mga pangarap mo at hanapin ang nakatakda para talaga sa iyo." Kausap ko sa sarili ko ng biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya napilitan akong abutin ito.
Angle RJ: Are you okay, Pretty Baby?
Huminga ako ng malalim saka nag-type.
Pretty Baby: Oo naman :)
Agad ang pagvibrate ulit ng cellphone ko.
Angel RJ: Sorry :(
Napapikit ako ng mariin. Sa lahat ng nangyari sa buhay namin ni Railey natuto kaming sumandal sa isa't-isa. Mula ng mawala si Angel sa kanya ako na ang naging kaibigan niya, sa akin siya pumupunta sa tuwing malungkot siya, sa tuwing masaya siya, tuwing galit siya, sa tuwing may nakukuha siyang achievements sa school hanggang sa tuwing nakakapag-close siya ng malaking deal. Mahaba na ang tinahak ng pagkakaibigan namin ni Railey at never siyang nag-miss para pasayahin ako, never siyang gumawa ng bagay para saktan ako. Iyan si Railey.
Pretty Baby: I'm okay Rai, really. Just don't do that again. 'kay?
Hindi ko naman magawang magtampo sa mamang iyon. Takot ko lang na multuhin ako ni Angel dahil pinalungkot ko ang mahal niya.
Agad na nag vibrate ang celphone ko, tumatawag si Railey, agad ko namang sinagot ang tawag.
"I know nagtatampo ka pa rin sa akin. Hindi mo ako mapagtataguan, Sam."
Seryoso ang dating ng boses ni Railey, matapos na iyon agad ang bungad niya sa akin. Wala man lang akong hello na nasabi.
"Rai, sabi ng okay lang ako..." paninigurado ko sa kanya. Hindi ko naman masabi sa kanyang nawasak ang puso ko diba? Baka lalo lang mag asik iyon.
BINABASA MO ANG
One Day Soon
RomansaSG: 1st A childhood friendship leads to a childish promised. From a childhood love to a nasty heartache. Can their love be enough? Ms.Therapeautic ©