Anim

14.3K 390 13
                                    




Jace

Forgiving people who have hurt you is your gift to them. Forgetting people who have hurt you is your gift to YOU.

IYON ang palaging sinasabi at ibinibilin ni mommy noon sa akin kapag binibisita niya ako sa Canada, where I chose to exile myself just to prove that I am worthy of Summer Saavedra.

Iniwan ko siya, dahil iyon ang kagustuhan ng ama niya. Rason na kahit kailan hindi ko kayang intindihin.

"Mom, I made it!" humahangos ako papasok sa bahay, "Mom!" muli kong sigaw.

Isang linggo na mula ng dumating sila mommy at Alistair dito sa Canada. It's my fourth year taking business management. Pinag-paguran ko iyon ng sobra. Wala akong sinayang na kahit isang araw sa pag-aaral ko dahil ayokong humaba pa ang pag tigil ko rito.

I want to go home. I want to see Summer. I want to fulfill what I had promise to her.

"Jace? Bakit ka sumisigaw?" nag tataka na tanong ni mommy. Huminto ako sa harapan niya while I was still catching my breathe. Naka plaster na agad ang malaking ngiti ko sa labi.

"It's official, mom. Ga-graduate na ako! Whoah! And that's not it, I top the class mom! Magna cum laude ako!" nanlalaki ang mga mata ni mommy sa ibinalita ko at tila naumid na ang dila niya dahil hindi na siya nakapagsalita pa.

"Mom, are you not listening to me? Ga-graduate na ako, cum laude pa ako! This is what he wants, isn't it? I proved now that I am worthy for anybody. After this I can come home with you." masaya kong sabi. Umid pa rin ang dila ni mommy.

"Mom, say something, please!" siguro masiyado ding na-shock si mommy sa ibinalita ko.

"Co-congrats, hijo! I'm...I'm so proud of you." niyakap ako ng mahigpit ni mommy saka ko naman ginulo ang buhok ni Kai sa tabi ko.

"When will be daddy's arrival? I want to tell the news mom. I want him to tell Tito Jairus about my achievement." Iyon naman talaga ang purpose kung bakit ako nandito diba? It's because of that damn truce. Dahil kagustuhan ni Tito Jairus na patunayan ko sa kanya na kaya kong maging karapat-dapat kay Sam.

"Your dad will be here soon Jace, alam niya naman kung kailan ang graduation mo." nakangiting anas ni mommy.

Excited na ako. Hindi dahil sa graduation or dahil sa nakuha kong mataas na karangalan. Mas excited ako dahil alam kong matutupad na ang ipinangako ko kay Sam. Makaka uwi na ako. Babalik na ako para tuparin ang pangakong iyon at hindi na ako ulit aalis sa tabi niya kahit kailan.

"ARE you sure you wants to go?"

Walang-buhay ko lang na tinignan si dad saka trinabahong muli ang pag aayos sa cuff links ng polo ko.

"Jace, hindi mo kailangang gawin ito. Why don't you take a rest first, ilang araw ka pa lang dito pero parang hindi ka na nag papahinga." I saw my mom soft face. Everytime na nakikita ko iyon hindi ko maiwasang hindi malungkot. Nararamdaman ko kung gaano siya kalungkot para sa akin.

"I'm okay, mom. Ilang taon na din bang hindi ako naka-attend sa wedding anniversary nila? Don't tell me nakalimutan na nilang ako ang panganay na dela Vega?" I chuckled para pagtakpan ang sarili kong kaba. Tae. Kinakabahan ako dahil makikita ko ulit si Sam. Everytime I see her she always took my breathe away. "Uma-attend ba palagi si Dean?" kay Kai ako nakatingin. He is my youngest brother. He grown just like me and my father. He is now the President of his own business. Balita ko kasosyo niya ang kambal na Saavedra.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon