Tatlo

15.1K 402 11
                                    



Sam

ISANG-DAAN mahigit ata na aspile ang isa-isang tumutusok sa puso ko. Ang pait ng panlasa ko pati na rin ng hitsura ko. Sinasabi ko sa sarili kong huwag silang tignan pero ayaw sumunod ng mga mata ko.

Jace. Andito na pala siya. Dumating na pala siya. Matapos ang pitong taon na paghihintay ko sa kanya, sa wakas bumalik na rin siya.

Pero hindi para sa akin.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil alam kong buhay siya, humihinga at hindi nalunod sa sabaw ng bangus dahil mula ng umalis siya ni isang tawag, isang sulat or sige, high-tech na tayo ngayon, isang messege lang sa internet wala akong natanggap o maaawa ako sa sarili ko dahil sa naniwala akong dapat akong maghintay sa kanya kahit na walang kasiguraduhan. Heto nga, kitang-kita ko siya, masayang nakikipag tawanan sa kasama niyang babae ngayon. At ang masaklap pa, si Jazsmine iyon. Kaibigan ko iyon.

Ganon pala iyon no? Kapag sobra kang nagtiwala sobra din ang sakit kapag sinaktan ka nila.

Minabuti kong kumubli para hindi nila mapansin na nasa paligid lang ako. Doon, malaya kong napagmasdan si Jace. Light brown ang buhok niya, ang tangos ng ilong niya at nagkukulay berde ang panga niya sa naguumpisang stubbles pero mas nakadag-dag pa iyon sa lakas ng dating niya. Wala na ang batang katawan niya at napalitan na ng matipunong pigura. Pero sa lahat ng nagbago sa kanya, mayroon paring constant sa kanya.

Ang asul pa rin na mga mata na kayang tumagos sa puso ninuman. Kung iyon na lang ang natira sa kanyang hindi nagbago, wala na siguro yung batang Jako na mahal ako, yung nangako na babalikan ako, yung nagbigay ng unang rosas na hanggang ngayon ay pinakaiingatan ko.

Dahil walang permanente sa buhay, alam ko iyon. Marami ang nagbabago at iyon ang katotohanan.

Nakita ko kung paanong magkagulo ang mga press people ng makita silang dalawa, kitang-kita ko rin kung paano nito alalayan si Jazs. Siguro importante siya talaga sa kanya. Nakita ko din sa mga social networking sites ang balitang engaged na sila. Madali lang naman malaman iyon dahil sikat sila.

Kababata ko sila. Lumaki kaming magkakasama, kaya siguro hindi magiging mahirap sa kanilang magka-developan dahil pareho silang nasa iisang lugar.

Ako lang naman ang hindi nagbabago. Nasa poder pa rin ako nila mommy at daddy kahit ang tanda ko na. Nagsarili na lahat-lahat ang mga kapatid kong lalaki at may kanya-kanya ng napatunayan pero ako wala pa. Isa akong Saavedra, nasa dugo ko na ang pagiging achiever. I graduated in fashion designing pero hindi ko kinarir ng husto but instead, I put up a small flower farm and a flower shop.

Samantalang si Jace, tinagurian ng Hotel Magnate sa pagiging magaling nito sa paghahandle ng negosyo nila. Jazsmine is pursuing Marketing, para naman sa naguumpisang negosyo ng daddy niya.

"Hay! Sam, ano ka ba? Si Jace lang iyan. Bakit ba natutuliro ang isip mo dahil lang nakita mo siya. Eh, ano naman kung andito siya?" kausap ko sa sarili ko. Sige Sam, push pa natin ng todo at malamang pagkamalan ka ng baliw.

Maya-maya pa parang may nakapansin na sa akin sa puwesto ko. Pinagtitinginan na nila ako.

"You're Summer Saavedra, right? You're Aldous and Aidan's sister and the daughter of Dr. Jairus Saavedra!" manghang-mangha na sabi nung isang babae sa tabi ko. Tipid ko lang siyang nginitian.

Anu bang kakaiba sa akin? Yeah. Kilala ako bilang si Sam na kapatid ng kambal, si Sam na anak ng Ace NeuroSurgeon ng Pilipinas. Summer Saavedra, ako iyon. Pero hindi bilang isang indibidwal na tao. Ayoko ng ganon.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon