JakoLife's challenges are not supposed to paralyse you, they're supposed to help you discover who you are.
THAT saying suck! Dahil kung ako iyon, hindi ako ang mapa-paralyzed kundi itong lalaking kanina pa nagpapa-cute kay Sam. Mainit na ang ulo ko ng makita kong kasama siyang dumating ni Sam. Gusto kong burahin sa bibig niya iyang nakakalokong ngiti niyang iyan.
She been my queen
Since we were sixteen
We want the same things,
We dream the same dreams."Kailangan mong kumain ng marami ang payat-payat mo na, pretty baby," kumunot ang noo ko at gusto ko ng ibuhos sa mukha niya yung bandehado ng kanin. Lagay siya ng lagay ng kung ano-ano sa plato ni Sam.
"Tsk," walang imik kong kinuha yung plato niya at ibinalik ang kanin sa lalagyanan. "Hindi siya baboy para maubos lahat ng pinag sasandok mo, Cervantes." pinaningkitan ko siya ng mata, ngumuso lang ito saka nag salin ng tubig sa baso ni Sam na agad kong inalis at pinalitan ng walang laman.
"She doesn't like cold water." tinignan lang ako ni Sam pagkakuway kumain lang ulit.
Tang ina. Ako ang mas nakakakilala kay Sam at hindi ako makakapayag na maungusan ng lalaking damo na ito.
"Bakit ba ang sungit mo? May dalaw ka ba?" Asik nito sa akin.
"Anu naman ang pakialam mo? Ikaw? Bakit parang tinubuan ng damo iyang mukha mo? Nag tanong ba ako?" maanghang ko ding banat sa kanya.
No one dares to steal Sam, because she is mine!
"Tito Jai!" Mas lalong nalukot ang mukha ko na kanina pa sinisira ni Railey ng dumating pa ang isang asungot!
"Oh! Dean, come son, join us."
I got it all
'Cause she is the one
Her mom calls me 'love',
Her dad calls me 'son'.Napailing na lang ako. Wala na ba silang gagawin kundi ang sirain ang araw ko? The Fuck!
"Are you okay, Jace?" pilit akong ngumiti kay Auntie Freya.
"Yes, Auntie, nakaamoy lang ako ng masamang hangin." saka ko tinitigan si Dean.
"Ayos ka din tumiming ano?" plastik na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
"Hindi ako magpapahuli, pinsan." pang aasar niyang sabi sa akin. Kung wala lang kami sa harapan ng mga magulang ni Sam kanina ko pa siya nabigwasan. "I bring your favorite dessert, princess." masigla nitong sabi sabay upo sa tapat namin.
Ako ang nasa kaliwa ni Sam at si Railey ang nasa kanan. Inilabas nito ang leche flan na dala saka naglagay sa plato ni Sam.
"Patikim, pretty!" kumutchara si Railey sa plato ni Sam. "Matabang!" halatang inaasar ni Railey ang pinsan ko at gusto ko ng bumunghalit ng tawa sa hitsura ni Dean.
"Hindi para sa iyo yan! Bobo ka talaga, Cervantes!" sigaw ni Dean.
"Dean lower down your voice, wala ka sa bundok. Naririnig ka namin." saway ko sa kanya. Binigyan lang niya ako ng isang matalim na tingin.
"Playing hero again, Kristofer?" naglapat ang mga panga ko sa pang aasar niya sa akin.
"J-jace, can you pass the pasta." Rinig kong sabi ni Sam. Gumaan naman ang pakiramdam ko na ipinag lagay siya ng pasta sa plato.

BINABASA MO ANG
One Day Soon
RomanceSG: 1st A childhood friendship leads to a childish promised. From a childhood love to a nasty heartache. Can their love be enough? Ms.Therapeautic ©