Dalawa

15.1K 427 16
                                    



Jace

We are now reaching Manila, kindly fasten your seatbelts as we are preparing for landing. Thank you.

TAHIMIK akong sumunod sa utos ng airlines. Inayos ko ang lagay ng seatbelt ko at saka dumungaw sa bintana. Tanaw ko na ang lupa ng Manila. Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Excited?" narinig ko ang tanong sa akin ni Jazs pero hindi ako tumugon.

Anu nga ba ang dapat kong maramdaman? Excitement? Takot? Tang-ina Jace, kailan ka pa natakot? Sa loob ng halos pitong taon, namuhay kang mag isa. Kinaya mo ang lungkot at pangungulila. Natuto kang harapin lahat ng kinatatakutan mo ng magisa. Hindi ka dapat matakot, ikaw dapat ang katakutan. Tandaan mo iyan.

Naayos ko ang problema kay Jessie, sa tulong na rin ni Jazs. Nagpanggap kaming engaged na at ikinagalit iyon ng husto ng nauna, sa sobrang pagka-obsessed niya sa akin pinalabas pa niyang ayaw kong panagutan ang batang dinadala niya, napaamin ko man siya sa kasinungalingan niya hindi naman ako nakaligtas sa mga magulang ko ng mabalitaan nila sa social media ang nangyari. Napaaga tuloy ang uwi namin ni Jazs. Ayoko siyang idamay sa gusot ko na ito. Though ang pag uwi kong ito ay parte din ng kasunduan namin ni Keira.

"Anung plano mo pagkatapos nito, Jako?" Bahagya ko lang na nilingon si Jazs ng tanungin niya ako.

"Wala," tipid kong sagot.

"Anong wala? Andito ka na sa Pilipinas, magagawa mo na ang dapat na ginawa mo seven years ago." Heto na naman siya sa panenermon sa akin. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

Its about Summer Vienne. Ang puno't-dulo ng kahibangan ko. Minahal ko siya sa mura kong isip, at dahil sa bata pa siya noon. Gumawa ang mga magulang namin ng paraan para paglayuin kami. Pumayag ako, dahil alam kong iyon ang makabubuti. Kahit masakit, kahit mahirap. Para sa kanya gagawin ko.

"Things has changed, Jazs." makahulugan kong sabi. Matagal ang pitong taon. Oo nangako ako sa kanyang babalik ako after four years pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan minabuti kong paabutin pa ng ganito katagal. Hindi ako gumawa ng kahit anong way of communication sa kanya though I know everything about her kahit nasa malayo ako, I have my own means. Perks of being a President of dela Vega Empire.

"Maloloko mo ang iba pero hindi ako Jace, kilala kita hanggang sa amoy ng utot mo. Kaya huwag mo akong subukan." nangiwi ako sa sinabi niya sa akin. Gusto kong subukin ang sarili kong limutin siya. Alam kong makasarili ako pero, ayokong maniwala na kaya akong hintayin ni Summer.

"Ano pa bang gusto mo Jazs? Sinunod ko ang kasunduan natin ng tulungan mo ako. Here I am, making myself step on this land. Aayusin ko lang ang problema natin at uuwi na rin ako ng Canada. Andoon na ang buhay ko." padabog kong sabi sa kanya.

"So, kung ganon naman pala ang plano mo. Mabuti na ring kausapin mo si Sam, linawin na ninyo ang tungkol sa inyo. Have closure Jace, so that my friend can move on and have her life of her own." mataray nitong sabi sa akin.

Hindi na ako umimik hanggang sa makababa kami ng eroplano. Buong atensyon ko natuon lang sa pagiisip. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Sam kapag nalaman niyang andito ako sa Pilipinas. Natatakot ako. Fuck. Oo, aaminin ko na. Natatakot ako kay Sam. Pagdating sa kanya pakiramdam ko hindi pa rin ako karapat-dapat para sa kanya.

"Andiyan na daw si Kai sa arrival area, siya daw ang susundo sa iyo kasi daw si Tito Jake may meeting pa." nakasunod lang ako sa kanya habang hinihintay ang mga maleta namin.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon