Labing-tatlo

10.9K 326 19
                                    




Sam

"IS THERE something bothering you?"

Napatanga akong nag angat ng mukha sa kanya at nakita ko agad ang pagtatanong sa mga mata nito.

"You're here with me pero parang naglalakbay ang kaluluwa mo." kunot ng noo nito sa akin. Mariin kong kinagat ang labi ko. Ganun ba ako ka-preoccupied sa nagyari sa farm kanina? "Tsk. Wag mong kagatin yang labi mo." nakasimangot niyang turan.

"Ano?"

"I said, don't bite your lip or I'll ravish you here in the restaurant full of people to witness it." agad nag init ang mukha ko sa hantaran niyang pag sabi ng ganon sa akin. Nag patuloy ito sa pagkain habang ako naman ay nalilito sa bilis ng mga pangyayari.

Kanina Dean kissed me. At ngayon naman, I am with Jace and he was very vocal about having him a taste of my lips. Argh!!! Nakaka-bobong mag isip!

Ipinag-pasalamat kong hindi sila nag pang abot ni Dean sa farm kanina noong sunduin niya ako. Ayoko ng madagdagan pa ang gap nilang mag pinsan.

Minsan naiisip ko, tanga ba ako? Ganun ba ako ka-manhid noon para hindi makitang may gusto si Dean sa akin? O masiyado lang akong faithfull sa friendship naming dalawa kaya hindi ko na nagpagtuunan ng pansin ang lahat ng kinikilos niya noong mga bata pa kami.

O baka dahil busy ako sa pag sulyap sa mga asul na mga mata ni Jako sa tuwing magkasama kami? I mean, ako ba ang may kasalanan? Ako ba ang may pag kukulang? Kasi nahihirapan akong maisip na isang araw masasaktan ko silang pareho. Ayokong maipit na kanilang dalawa dahil pareho silang importante sa akin.

"Ah, k-kamusta ang araw mo?" pag uumpisa ko ng usapan dahil nahihirapan na akong huminga sa sobrang katahimikan naming dalawa. Tumaas lang tingin niya sa akin habang tinatapos nguyain ang laman ng bibig. "Just fine."

"H-hindi ka ba nahihirapang mag adjust dito sa Pilipinas? I mean.. you almost grew up in Canada—"

"Sam, may sasabihin ka ba?" Napanganga ako ng putulin ni Jace ang mga iba ko pang sasabihin. "Sa farm pa lang kanina balisa ka na.. may problema ba?" mariin niyang tanong sa akin. Ngayon, nasa akin na ang buo niyang atensyon na lalong nakapag pakaba ng dibdib ko.

Masasabi ko ba ang lahat ng sinabi sa akin ni Dean? Masasabi ko bang hinalikan niya ako? Bakit ba ako nagi-guilty?! Sa totoo lang, hindi ko din alam kung ano ba ang estado ng relasyon naming dalawa.

"N-nothing.." pilit akong ngumiti sa kanya saka yumuko sa plato ko.

"I hate lying, Sam." Napalunok ako ng makita ko ang talim sa mga mata niya.

"Jace, wala nga.. na-overwhelmed lang siguro ako ng husto sa atensyon na ibinibigay mo ngayon sa akin. It's too much for me to absorb in just a couple of weeks.." nakita ko ang biglang pag kamot nito sa batok na ikina-amused kong titigan.

"So, nabibilisan ka sa akin, ganon?" Kunwari akong nag isip ng malalim bago tumango. Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jace bago niya inabot ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. "I just don't know how to do these things properly, sorry. Ang gusto ko lang kasi, mabawi ko ang lahat ng mga taon na hindi ko ito nagawa sa iyo. I hate to end the day without you knowing how much I regret the years that I let it pass. Iniisip ko pa lang kung paano ka nag hintay sa akin ng ganon katagal gusto ko ng sapakin ang sarili ko."

"Then take a whip of yourself then.."

"A-ano?!"

Bigla akong napabunghalit ng tawa ng makita ko ang hitsura niya ng sabihin ko iyon. Napalitan ng sobrang kasiyahan ang buo kong puso na nag aalala siya sa mga panahong wala siya. Sa panahong iniisip ko siya. At sa mga panahong halos i-give up ko na ang pag hihintay sa pag babalik niya.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon