SamHINDI mawala ang bakas ng pag aalala sa mukha ko simula pa lang ng pag labas ni Jako mula sa kotse niya. Putok ang gilid ng labi niya, may maliit ding band-aid sa kanan niyang kilay at may mga nangingitim na pasa sa bandang panga niya. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko para lapitan siya.
"A-anong? Anong nangyari sa'yo?" hindi ko malaman kung paano ko siya hahawakan sa mukha. Gusto kong haplusin ang mga pasa niya at sugat, baka sakaling may magic touch ako at kahit papano mawala ang sakit na nadarama niya. "Sinong gumawa nito sa'yo?" puno ng pag aalala kong tanong sa kanya.
"Napag tripan lang ako ni Dean, nakainom kagabi eh." parang walang halagang sabi nito. Napasinghap ako sa narinig.
"W-why Dean w-would do that?" si Dean? As in si Dean talaga ang gagawa ng ganon? Kahit na alam kong hindi sila maayos na dalawa hindi ko inisip na aabot sila sa puntong pisikalan. Make love not war ang motto ng taong iyon sa buhay niya.
Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Jako saka ako niyakap. "Know what? Just, never mind him, baby." pagkatapos ay niyakap ako saka hinalik-halikan ang buhok ko.
"Pero, sinaktan ka niya! Maybe...maybe he had his reasons?!" hindi pa rin mawala sa akin ang magisip.
"Okay, alam na niya na tayo na." tipid niyang sabi sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. "Look, babe. Hayaan na natin si Dean. Eventually, matatauhan din siya at matatanggap na mahal natin ang isa't-isa."
Napakurap ako ng ilang ulit bago nag sink-in sa utak ko ang mga pangyayari. Ngayon ko lang na-realized na napakasama ko na hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ni Dean kapag nalaman niya ang lahat ng ito. Nag tapat siya ng pag ibig niya sa akin at ako itong si manhind na hindi man lang binigyan ng halaga iyon.
"Kakausapin ko siya." buo ang loob ko na sabi. Nag dilim naman ang anyo ng mukha ni Jako sa sinabi ko.
"What for?"
Napipilan ako sa tanong niyang iyon sa akin saka ako napayuko at napapikit ng mariin. Hindi ko gusto ito. Ayoko ng ganito na may nahihirapang iba dahil lang sa masaya ako.
"He told me he loves me," matapang sabi kay Jako. Ilang mahihinang mura ang pinakawalan niya pagkatapos non. "Jace, g-gusto ko sa kanyang magpaliwanag."
"I want you to stay out of this, Sam."
"Pero Jace ayoko namang—"
"Sinabi niyang mahal ka niya. Kailan mo iyon balak sabihin sa akin?!" namutla ako ng makita ko ang galit sa mukha ni Jako.
"I'm...I'm sorry," napayuko na lang ako dahil wala akong paliwanag na masabi. Gusto kong maiyak sa kawalan ng masabi para maipagtanggol naman si Dean.
"I don't want you to see him, Sam. Kailan mo munang lumayo kay Dean." utos niya sa akin.
"P-pero Jako, nahihirapan si Dean ng dahil sa atin!" nag pupuyos ang puso ko na naisatinig ang gusto kong maunawaan niya. "K-kaibigan ko si Dean at pinsan mo siya! Hindi natin puwedeng basta baliwalain na lang iyon."
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Jako. Naniningkit ang kanyang mga mata pero mas bakas ng sarkasmo ang kanyang ngiti habang naiiling.
"Are we really fighting over a guy now, baby? Kasasagot mo pa lang sa akin and yet nag seselos na ako." napanganga ako sa winika niya, "I'm your boyfriend Sam, but you are defending him more than me." seryoso niyang bitaw. Natulito naman ako sa inasal niya. Halos mabali naman ang ulo ko kakailing dahil mali ang nasa isip niya.

BINABASA MO ANG
One Day Soon
RomanceSG: 1st A childhood friendship leads to a childish promised. From a childhood love to a nasty heartache. Can their love be enough? Ms.Therapeautic ©