Walo

13.7K 364 24
                                    



Sam

PARA kanino ka bumabangon?

Napanuod ko iyon sa commercial. Minsan siyang naging patok sa masa at talagang may mga sagot na halos nakakatunaw ng puso mo.

Pero ako? Para ba kanino ako bumabangon?

Kapag meron lang namang sisira ng tulog ko at hindi pa nakuntento dahil papatayin na niya ako sa pag hampas ng unan sa mukha ko! Makakabangon ka talaga ng hindi oras.

"Ano ba?!" naiinis kong sabi habang nakapikit pa ang dalawang mata ko.

"Bangon,"

Sinilip ko sa isa kong mata kung sino siya saka lang ako nagulat ng makita ko si Jazsmine na may hawak na unan at naka-ready ng ihampas muli sa akin. After a week ng pag babalik nila ni Jako galing Canada at matapos niyang hindi sumipot sa anniversary celebration ng mga magulang ko kagabi, ngayon lang kami talagang nagka sarilinan.

"Mag kuwento ka na," tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ikaw ang mag kuwento. Bakit magkasama kayo ni Railey kagabi?" nawala na ng tuluyan ang antok ko at mas interesado akong malaman ang buong detalye sa pagkaka-flat kuno ng gulong ng sasakyan niya.

"He h-helped me to fixed my tires." kibit balikat lang nitong sabi. Umayos na kami pareho ng upo at tinitigan ko siya.

"As in Railey? Really? He fixed the tire by himself?" paninigurado kong tanong, "Hindi niya gawaing tumulong sa kalye Jazs, come on, tell all."

"Oh! I forgot, you're the bestfriend..." Nilakipan lang ni Jazs ng katarayan ang hindi niya mapakaling mata. Kilalang-kilala ko siya, hindi niya kayang magtago ng sikreto sa akin at alam kong may itinatago pa siyang hindi niya sinasabi. "Kamusta ang party kagabi? Sana naman hindi sinira ni Dean ang magandang moments niyo ni Jako." dagdag pa niyong saad.

Yeah. Akala ko rin talagang magugunaw na ang mundo kagabi. Matapos magpakita ni Dean after five years na para lang walang nangyari. Parang hindi siya umalis at parang hindi lumipas ang matagal na panahon sa aming lahat.

"Tell me, anong feeling?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Jazs sa akin, nakahalukipkip pa siya sa unan na kaninang hinahamps niya sa akin.

"Feeling ng alin?" wala pa ako sa tamang huwisyo para makipag hulaan sa kanya. Kagigising ko lang kaya.

"Na pinag aawayan ng mag pinsan?" halos malaglag ang panga ko sa sahig sa pagkakasabi niyang iyon sa akin. "For sure na alam mo ng hindi totoo ang engagement namin ni Jako," lalo tuloy akong napanganga sa sinabi niya.

"Don't tell me hindi pa niya sinasabi sa'yo?" umiling lang ako ng ilang beses bago ito parang nakakain ng maasim sa pagkalukot ng mukha nito.

Pabagsak na humiga ito sa tabi ko bago pinag salikop ang mga kamay sa dibdib. Ikinuwento niya ang lahat sa akin at kung bakit pag uwi nila dito ay ganun ang balita namin sa kanilang dalawa. May mga pagkakataong natutulala ako sa mga kuwento niya at naiinis sa mga kagaguhan ni Jako habang malayo siya sa akin.

"So she had girlfriends, as in plural!" matabang ko na sabi saka ako humiga sa tabi ni Jazs. Nakatitig lang ako sa puting kisame ng kuwarto ko. Isa-isa kong ninanamnam ang mga ikinuwento sa akin kanina lang ni Jazsmine tungkol kay Jako.

"You can't say that. He didn't do the girlfriend thing. He is a living flirt, Sam." rinig kong sabi niya sa akin. Parang may dumagan na kung anong bagay sa dibdib ko na isiping marami ng babae ang dumaan sa buhay niya.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon