Labing-anim

10.6K 294 15
                                    




Sam

Every morning you have two choices: Continue to sleep with your dreams or wake up and chase them?

MULI na naman akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa labas ng bintana. Matyaga ko lang na pinapanuod ang tanawin sa labas.

"Baby,"

"Hmm?" lingon ko kay Jako habang nakatingin ang mga mata nito sa daan. Naramdaman ko ang mabini niyang pagpisil sa kamay ko.

"Ninenerbiyos ako," natawa ako sa sinabi niya saka hinaplos ang gilid ng pisngi nito. "Ngayon lang ako makakapag uwi ng babae na ipapakilala ko sa bahay."

"Ikaw talaga ang ninenerbiyos ah? Diba parang baliktad yata?" himig pang aasar ko sa kanya.

Kabado ako. Jace decided to talk to his parents about us. To make it official. It is my dream. Ito ang matagal ko ng pangarap noon pa.

To be Jace's girl.

At ngayong abot-kamay ko na ang mga dating sa panaginip ko lang nangyayari saka pa ako natatakot ngayon.

"Damn, ang saya ko lang kasi." yung kamay ko kaninang nakahaplos sa pisngi niya ay ginagap niya para masuyo niyang mahalikan. Napangiti naman ako sa ginawa niyang iyon.

Jako was very sweet in everyway. Wala siyang mintis sa pag papakita kung gaano niya ako kamahal and I felt guilty about it. Guilty because I'm still thinking of someone. At hindi iyon tama. I know I love him, pero ang isang bahagi ng puso ko, nalulungkot. Because I hurted him.

I hurt Dean.

"Jako, how...how about Dean?" hindi ko malaman kung bakit ko iyon naisatinig. Nakita ko ang pag dilim ng mukha ni Jako. Alam kong anduon din siya at hindi namin matatakasan ang katotohanang masyado lang buhol-buhol ang mga landas namin. Mas maganda na iyong alam ko kung papaano kikilos.

"Just stay close to me," matigas niyang wika sa akin. "Wala naman siguro siyang gagawin na hindi kaaya-aya." nilingon pa niya ako bilang pag bibigay assurance sa akin that everything is going to be okay.

Mula kasi noong sinabi niyang mahal niya ako. Mula noong hinalikan niya ako. At mula noong nag kagulo sila ni Jako, iniwasan ko hangga't maaari ang mamagitan sa kanila. They said it was for the best. At kahit tutol ang damdamin ko sa ginagawa ko, iniwasan ko si Dean.

Pero ngayon, mag kikita kami ulit. A part of me was excited dahil gusto ko siyang kamustahin pero ano naman ang gusto kong malaman? On how did he cope up knowing that I am now his cousin's girlfriend? Diba para namang ang ipokrita ng dating?

"Jako, sa tingin mo ba tama ang ginagawa nating ito?" may pag dududa sa tanong ko. Naramdaman ko ang pagbagal ng takbo namin saka tuluyang ihininto ni Jako ang sasakyan sa may tabi.

"Sam, mahal kita at mahal mo rin ako. Walang masama doon." he cupped my face so that I was facing and only seeing his face. "At sa tingin ko, ito na ang pinaka tamang desisyon na nagawa ko sa tanang buhay ko. Ang ipag laban ang pagmamahal ko sa iyo." masuyo ang mga mata nitong nakatitig lang sa akin. Kapag ganito si Jako, natutunaw ang lahat ng mga pag dududa at agam-agam ko sa isip.

"Do you think, they will l-like me?" napuno ng tawa ni Jako ang buong sasakyan sa sinabi ko, napanguso na lamang ako habang hinihintay parin ang sagot niya.

"Where the hell did you get that, babe?" he can't hide the amusement in his eyes when he said that. "Of course they'll do! They've known you for so long at sinasabi ko na ngayon sayo, mom and dad would kill me kung malalaman nilang pinaiyak kita." medyo nawawala yung bigat ng pakiramdam ko sa sinabi niya pero hindi naman iyon ang point ko.

One Day Soon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon