SamISA ANG Rose sa pinaka popular na bulaklak sa balat ng kabulaklakan. Mula ng umpisahan kong mag tanim ng bulaklak naging curious din ako kung para sa aling okasyon at para sa kaninong tao nababagay ang isang uri ng bulaklak. They has so many different color with it's distinct meanings. At maging kung ilang piraso nito ay may karampatang kahulugan rin. Although the common meaning for love is roses, they also have other meanings infused in them based on their color.
Nag tuloy-tuloy ako kaagad sa opisina ko at humarap sa desktop saka nag search sa internet. Napangiti na lang ako ng malaman ko ang ibig sabihin ni Jako sa note na ipinadala niya.
"Tsk. Malala ka na talaga," narinig kong nagsalita mula sa likuran ko si Railey. "Iniwan mo talaga ako doon sa gitna ng taniman mo habang inaapi ng kababata mo yun pala para lang mag social media?" sarcastic niyang sabi na ikinayuko ko.
Damn. Nakalimutan kong andoon pala sila ni Dean. Matapos ko kasing ma-curious sa kalakip na sulat ng bulaklak na ipinadala ni Jako para bang lumutang na ang utak ko.
"A-asan nga pala si Dean?" sinipat ko ang mukha niya, mukhang hindi naman sila nag pang abot. "Si Jazsmine, naka-alis na rin ba?" nakita ko ang pag lukot ng makakapal nitong kilay.
"They left. Actually, kinaladkad should be the exact term. She drag that imbecile out of the farm." matigas nitong sabi. Napatango na lang ako ng di oras saka tinancha kung sasabihin ko ba sa kanya ang estado namin ni Jace.
"H-he said sorry," nanunulis ang bibig kong sabi.
Sa huli nangibabaw ang pag titiwala ko kay Railey na maiintindihan niya ako. Pero kumunot lang lalo ang noo nito sa sinabi ko at saka hinablot ang note at binasa. Pagkatapos ay basta na lang initcha ito sa lamesa.
"Of course he will say that, pinag hintay ka niya alangan namang mag thank you siya sa iyo!" hiyaw nitong sagot. Hindi na lang ako umimik. Naramdaman ko ang malakas niyang pag tikhim. "Sam, hindi mo alam kung ano ang balak ng lalaking iyon sa'yo."
"Railey naman...bata pa lang kami kilala ko na yong tao..." nag papadyak ako na parang bata sa harapan niya. Eh, nakakainis naman kasi siya eh! Mukhang siya pa ang pipigil sa lovelife ko.
"He hurt you before, how sure you are that he will not hurt you now?! Na hindi na mauulit ng mauulit." naniningkit nitong sabi.
"But—"
"Don't tell me that he promise again to you, kukutusan ko na talaga yang ulo mo! Wala ka ng kadala-dala." mariin nitong sabi.
Masarap sa pakiramdam kung paano siyang mag protekta sa akin. Kaso kaligayahan ko naman ang gusto kong ipag laban dito. Importante sa akin si Jace. Noon pa mang bata ako ito na ang pangarap kong mangyari.
"He gave me fifteen pieces of purple roses, Rai." tinitigan niya ako na parang nababaliw ako. Napalunok ako bago nag salita, itinuon ko lang ang tingin ko sa mga bulaklak. "Bihira ka lang makakakita ng ganyang klaseng kulay ng bulaklak because not all people know whats the meaning of it."
"Sorry ang ibig sabihin ng labing-limang piraso ng bulaklak at ang kulay purple naman ay ibig sabihin ng unang pagkakakilala. Jace is not sorry for making me wait, but sorry for making the things right for the first time." nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Railey saka napahilamos sa mukha nito.
"H-hindi nya ako ginustong i-iwan." pigil ko ang panginginig ng mga labi ko sa pamamagitan ng pagkagat dito. He seemed worried kaya agad niya akong nilapitan saka niyakap ng mahigpit kaya diko na napigilang mapaiyak.

BINABASA MO ANG
One Day Soon
RomanceSG: 1st A childhood friendship leads to a childish promised. From a childhood love to a nasty heartache. Can their love be enough? Ms.Therapeautic ©