10

336 10 0
                                    

Sa araw araw na pagpasok sa work, pagkain sa restaurant at kung ano ano pang lakad ay lagi kong kasama si Maxim.

Not because he's following me, but because we're both working on the same company. Naging share holders kasi siya rito, kaya lagi kaming nagkikita.

"Kumain ka na?"

Maxim entered my office. May dala siyang isang white folder, at inilapag 'yon aa ibabaw ng desk ko katabi ng mga papel na pinipirmahan ko.

"Pinapabigay pala ng finance department."

Umupo siya sa upuan kaharap ng lamesa ko, waiting for my answer about his previous question.

"Hindi pa, una na kayo."

Hindi ko na siya tinapunan ng tingin dahil masiyado akong busy sa pagbabasa at pagpipirma ng mga dokumento.

"Sabay na tayo, oorder ako."

This is wrong. I shook my head and sighed. Tumingin na rin ako sa gawi niya, para mas maintindihan niya ako.

"Kung ayaw mong pagchismisan tayo, mauna ka na."

I tried to be nice as I can. Hangga't maaari, ayaw kong magtaray sa kaniya. He helped me in everything, kaya mas magandang ipa intindi ko nalang sa kaniya ang sitwasiyon ko.

He chuckled. Ang ganda pala tignan sa mga lalaki ang gumaganito. I stilled and I can't talk, napako ang titig ko sa kaniya na ngayon ay nakataas na ang isang kilay dahil napansin yatang nakatitig ako.

"Hayaan mo sila. Wala ka namang husband eh, tsaka hindi nila alam."

Doon ako natauhan. He's right. May asawa nga ako sa papel, pero hindi naman alam ng mga kasama ko sa trabaho maliban kay Lea. Isa pa, wala naman na 'yong balak na umuwi.

The first year he left me after marriage, hindi ako tumigil kakahanap sa kaniya. I even followed him abroad since nagpapadala naman siya ng pera for me.

Sadly, I saw him with other woman. Siguradong nagpapakasaya na ang lalaking 'yon ngayon sa piling ng babaeng mahal na mahal niya.

Ayaw ng mga magulang niya na hiwalayan niya ako. Kaya si Demir na mismo ang gunagawa ng para pa ako ang mag file ng annulment. Ako kasi, naghihintay lang ding makatanggap ng ganoong dokumento.

I saw myself on the restaurant, again. Eating lunch with Maxim. Para sa akin, hindi naman mahirap pakisamahan ang isang 'to.

Maxim is gentleman, understanding and careful. Kung liligawan ako nito, baka sagutin ko pa. Kaso parang ayaw talaga ng feelings ko.

Hindi rin ako nagdalawang isip na mag kwento. I told him about what happened to me, and my so-called husband. Maging ang pag aabandona nito sa akin.

"What if mag-vacation ka muna?"

Sa dami ng iniisip ko, halos hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi niya kanina pa. Nilakasan niya lang ng kaunti ang boses niya, para siguro gisingin ang tulog kong utak.

Wala akong magawa kundi ang bumuntong hininga. Palagi na lang ganito, buntong hininga nalang talaga nagpapagaan ng pakiramdam ko. I shook my head.

"Hindi na muna siguro, walang maiiwan sa MBA kapag nagliwaliw ako."

Honestly mayroon naman. Ayaw ko lang talagang maulit 'yong time na hindi ako naka attend sa board meeting. Pinag usapan nila ako, thanks to Mr. Forster who saved my ass.

"Ah,"

He shrugged and drink some water. Inilapag niya ang baso sa lamesa at tumingin sa akin.

"Wala bang kapatid ang asawa mo para hawakan 'yan? I mean, bakit ikaw? Ayaw na ba talaga niyang umuwi?"

Forging FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon