25

409 7 0
                                    

I woke up in different place. Hindi ito ang bahay ni Demir, kaya mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto.

“Damien,”

Mabilis kong ginagad ang daan pababa ng hagdan, pero wala akong nakitang kahit anino ng anak ko.

“Damien!”

Mas nilakasan ko ang pagtawag sa bata, pero wala pa rin. Kinakabahan na talaga ako dahil hindi naman familiar ang lugar na ‘to sa akin.

“Nasa mansion, pinahiram ko sa lolo at lola niya.”

It was Demir. Nakatayo siya at nakasandal sa pader, habang humihigop ng kape.

“Anong lugar ‘to?”

Kinakabang tanong ko sa kaniya. Anong naiisip niya at dinala niya ako rito? Did he planned all of this? kaya ha hindi niya ako hinayaang makalabas ng bahay niya?

“Sa lugar na hindi ka makikita ni Porsild.”

He’s calmness is different. Parang ibang uri ng pagiging kalmado, dahol nakakakaba ‘yon. Nakita kong ipinatong niya ang kape sa ibabaw ng lamesa, pagkatapos ay umupo sa stool na kaharap noon.

“This is kidnapping.”

Mahina lang ang pagkakabanggit ko no’on, but I heard him chuckled. Ano ang nakakatuwa? abogado siya, kaya dapat lang na alam niya ang ginawa niya.

“Siguro nga,”

Walang emosyon niyang pagkakasabi sa akin. Nilagok niya ulit ang kapeng iniinom, pagkatapos ay tumingin sa malayo. He didn’t look at me, at all.

“Wala naman siguro sa ‘yo kung sasamahan mo ako rito, ‘di ba? saglit lang naman tayo rito.”

Sus, magpapasama lang naman pala. I sighed heavily, and went downstairs.
Lumapit ako sa kaniya, at umupo sa upuan na kaharap niya. Napansin niya ‘yon, kaya tumingin din siya sa akin.

“Bakit mo ako dinala rito?”

Gusto kong malaman kung ano na naman ‘tong palabas niya. Hangga’t maaari, ayaw kong manatili rito na siya lang ang kasama. Delikado ang lagay ko, lalo na’t nag uumpisa na namang tumibok ng walang humpay ang puso ko.

“Gusto kitang kausapin.”

I rolled my eyes on him. Kailangan lang naman pala niya ng kausap, eh bakit kailangan dito pa? Tapos kaming dalawa lang?

“Pwede mo naman akong kausapin, pero bakit kailangan sa ganitong lugar pa?”

Demir just smiled at me. Hindi ko alam kung ano’ng pumapasok sa isip niya ngayon, o ang mga bagay na gusto niyang mangyari.

Tumayo ito, pagkatapos ay pumunta sa lababo. Hinugasan niya ang tasa, pagakatapos ay pinatuyo ‘yon at ibinalik sa lalagyan.

“Kasi gusto kong tayo lang muna... Anyway, gusto mo ba na ipagtimpla kita ng gatas? nagkakape ka ba?”

Always remember what he did to you, Selette.

Maybe he treated me kindly dahil gusto niyang kunin sa akin si Damien.
Lawyers are the best liars, so I assumed that everything he's doing is part of his plan.

Matagal ko siyang tinignan bago ako tumayo. Ayaw kong mag stay dito, kailangan ako ni Damien. Baka nga umiiyak na ‘yon ngayon, eh.

“Iuwi mo ako sa bahay ko.”

I will not let him break my the walls I created for years. Hinding hindi na ako magpapadala sa pagiging mabait niya ngayon.

Tinalikuran ko siya at nag umpisang maglakad paakyat ng hadgdan, baka maligo na lang muna ako kasi uuwi rin naman ako ngayon.

Forging FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon