19

300 6 0
                                    

I waited for him until midnight. Simula kasi no’ng lumabas siya ng bahay kanina, ay hindi pa rin siya bumabalik.

I can't stop thinking about him. Kumain na kaya siya? nasa'n siya ngayon, nag iinom ba ng alak?

Honestly speaking, I don’t have any reason to conceal everything. I cheated on him, at wala namang ibang dahilan bukod sa paninisi ko sa kaniya na abandonado ako.

Maybe he will come back and told me na nadala lang siya ng galit, right?

Hanggang ngayon, inaasahan ko na babawiin niya lahat ng sinabi niya kanina na maghiwalay na kaming dalawa.

Lalo na’t hindi ako papayag na basta basta na lang kami matapos, dahil ayaw kong kumawala sa kaniya.

Nanatili akong nakatayo sa balkonahe, probably waiting for him to come home. Alas dos na ng madaling araw when I saw his car entering the gate.

Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto because I decided to welcome him home.

Diretso lang siya sa paglakad papasok ng bahay. Para bang hindi niya pinapakialaman ang presensiya na mayroon ako ngayon, so I followed every steps that he took.

I thought he was drunk, but he's not. Siguro, may inasikaso lang siya kaya tumagal siya sa labas.

"Yael," Pangungulit kong tawag sa kaniya.

I saw him looked at me. Iyong tingin niya na sa sobrang lamig, ay uubuhin ako. Saglit lang ang tingin na ‘yon, at umakyat na siya ng hagdan.

"Can we talk?"

I'm hoping. Dapat ay pag usapan namin ‘to. Hanggang ngayon, gusto ko pa ring bawiin niya 'yong mga sinabi niya sa akin kanina.

"I’m tired."

Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. Hindi pwedeng hindi kami mag uusap, dahil hindi ako makakatulog.

Siguro nga, sobrang attached ako kay Bench to the point na mas pipiliin ko siya over Demir if he's still living.

Pero naisip ko lang 'yon dahil akala ko mahal ko siya. He made me feel special, and loved. Iyong bagay na hindi ko kailangan maging desperada, dahil kusa kong natatanggap.

And when Demir came back, halos makalimutan ko na lahat ng 'yon because he treated me the way he think I deserve. Na mas kaya niya palang higitan ‘yong mga hiling ko, na mas masaya kapag siya ang gumagawa no’n.

Nakatalikod siya sa akin ngayon, habang nagbubukas ng pintuan ng kwarto niya.

"Huwag mo akong h-hiwalayan, ha."

Makapal na kung makapal ang mukha ko. Hindi ko talaga kaya ‘pag pati siya ay mawala sa akin. Saglit pa lang kami nagka ayos, pero sa saglit na ‘yon ay sobrang minahal ko na siya ng totoo.

"I'll think about that."

Humiga ito patalikod sa akin at nagkumot hanggang leeg, pagkatapos ay hindi na ako pinansin.

Tinabihan ko siya sa kama, then I gave him a back hug. Buti na lang talaga ay ‘di niya ako tinulak palayo sa kaniya. Siguro, pagod na rin siya kakataboy sa akin.

"I love you, Yael."

Hindi siya na siya sumagot. I kissed the back of his head, and hugged him tightly hanggang sa makatulog ako.

Another morning came, walang Demir akong nadatnan sa tabi ng kama. Sa pag aakalang naghahanda siya, bumaba ako ng hagdan to look for him

Walang tao.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko bago patakbong umakyat pabalik sa loob ng kwarto. Binuksan ko naman 'yong closet at nakahinga ako ng maluwag nang makita ang mga damit at gamit niya.

Forging FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon