24

340 6 0
                                    

I left Demir inside his office. Nangangatog tuloy ako dahil sa ginawa ko, hindi ko lang maipakita sa kaniya.

I never thought I can be like this. Akala ko, hindi ko kayang harapin siya at makipag hiwalay.

I stopped when I saw Mr. Porsild, isa siya sa mga niretuhan ko. Broken kasi ang isang ‘to.

Anyway, Mr. Porsild is the reason behind the electro waves, siya ang naging daan para mas dumami ang investors noon.

“Kilala mo si attorney Demir?”

Hindi ko alam kung nasa posisyon ba ako para magpakilala sa kaniya, but Demir called me his Mrs. kaya okay lang siguro.

“He’s my husband, soon to be ex.”

Napataas ang isang kilay nito, pagkatapos ay umayos ng tayo. Ang dalawang kamay ay inilagay niya sa bulsa.

“Kaya pala kamukha siya ng child mo. Anyway, Demir is a good man. I have no rights to tell you about this, but your child need a dad.”

Naintindihan ko siya. After her wife left him, alam kong gusto niya rin magkaroon ng masayang pamilya.

“I’ll think about it. Anyway, alis na ako. Damien is waiting for me.”

Nginitian niya ako, pagkatapos ay kumaway. Papunta siya ngayon sa office ng isa sa mga abogado, ako naman ay palabas ng law firm.

Medyo natagalan pa ako kakahintay ng elevator, dahil ayaw kong may special treatment ako rito.

Mabilis akong naglakad papunta sa parking, at agad na kinabahan nang makitang walang Damien sa sasakyan.

“May nakita po ba kayong bata, three years old pa siya. Nakasuot siya ng dark blue plain shirt and white shorts, may relo din siya na itim.”

Parang mapuputulan ako ng hininga kaka explain sa guard kung ako ang histura ni Damien.

“Ah, nakita ko po kanina kalong po ni Attorney. Maputi po ‘di ba, tapos lalaki?”

Hindi ko naisip na mahilig sa mga kotse si Damien, dahilan para lumabas ito ng sasakyan. Lalo na’t nasa parking siya!

“S-sinong attorney?”

Gusto kong makasigurado. Sana si Visser, o hindi naman kaya ay si Niccolo.

“Attorney Friàs, ma’am. Asawa niyo po.”

Bigla akong natauhan sa sinabi ng guwardiya sa akin. Matalino si Demir para madali niyang malaman na kaniya si Damien, lalo na’t siya ang kamukha.

Nagtayuan ang balahibo ko sa isiping kukunin niya sa akin si Damien. Madali lang ‘yon para sa mga katulad niyang abogado, hindi ba?

Mas lalo akong kinabahan nang maalala kong sinabi ko kay Damien na si Demir ang tatay niya.

Ang bobo ko. Hindi man lang sumagi sa isip ko na there’s a big probability that the two will see each other.

“May number ba kayo ni Demir?”

Mabilis na tumango ang guwardiya at binigay sa akin ang personal number ni Demir. Asawa pa rin ang pagkakakilanlan ko kaya hindi nila ako pinagdamutan sa bagay na ‘yon.

Mabilis akong bumalik sa kotse at nag dial para tawagan si Demir. Hindi ako mapakali, dahil baka kung saan niya na dinala si Damien.

“Who’s this?”

Mabilis na sinagot ni Demir ang tawag. Ang ingay sa kabilang linya, para silang nanonood ng tv.

Bago kasi ang number ko simula noong iniwan ko siya, kaya wala na akong contact sa kaniya ngayon.

Forging FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon