14

332 8 0
                                    

“Frias,”

The man in the mid twentys’ called Demir. If I’m not mistaken, he is the son of Mr. Forster.

He looked at Demir and gave me a small smile. Mabilis lang ‘yon, at agad  ibinalik ang tingin kay Demir.

“Siya ‘yon?”

Napatitig ako kau Demir na katabi ko lang. Did he told him about me, or about lang sa date niya for the night?

“Yeah, this is my wife man.”

Hinapit niya ako sa bewang para magkadikit kaming dalawa. Kita ko rin sa gilid ng paningin ko na tinapunan niya ako ng tingin.

This is the first time na pinakilala niya ako, as his wife. Hindi ako sanay kaya medyo nahihiya pa ako ng kaunti.

“Mukhang hindi mo pinayagan, ah?”

Umikot ang tingin nito sa iba’t ibang babae na nakabihis. Hapit na hapit ang mga damit, labas ang ibabaw ng dibdib, at maiksi.

“She insisted.”

Kita ko naman ang paghanga sa mata ng lalaki. Tumabi ito ng pagkakatayo kay Demir, at sumabay sa paglalakad naming dalawa upang igaya kami papuntang table.

“Here’s your table, love birds. Paano ‘yan? Alis muna ako hmm?”

Tinapik nito si Demir sa balikat. Pagkatapos, tinapunan din niya ako ng tingin at kinindatan ako.

“Bye, Selette.”

What was that? Sabay kaming tumingin sa papalayong bulto ng lalaki, pagkatapos ay kumuha ako ng wine na nakalagay sa lamesa.

“He is Nicolló, one of my best bud.”

Dama ko ang init ng hininga ni Demir malapit sa tainga ko. Hindi naman masiyadong maingay sa lugar, para bulungan niya ako eh.

Best bud pala, ah.

Bigla naman akong nakaisip ng kalokohan at kinalabit ko siya para bumulong din. Inilapit niya naman ang sarili niya sa akin para pakinggan ang sasabihin ko.

“Mukha siyang artista. I bet your best bud, likes me.”

I grinned. I’m pretty sure that this man is aware of the wink. Hindi ko naman ‘yon binigyan ng meaning, pero alam kong may dating ‘yon sa kanila.

“Yep, he likes you,”

Nakakapagtaka lang kasi napaka unbothered niya habang sinasabi niya ‘yon. Napataas ang isa konh kilay nang iharap nito ang mukha kalapit ng sa akin, bago itinuro ang sarili.

“For me.”

Oh, iyon ba? bakit ang hirap niyang asarin lalo na kapag tungkol sa kaibigan niya? sayang naman.

“I mean, he like me as a woman.”

Hindi ako pwedeng magpatalo. Ayaw kong mapapahiya ako sa ganitong asaran naming dalawa.

“Impossible,”

Walang bahid ‘yon ng pagkabahala. Ni hindi man lang siya naasar sa mga sinasabi ko. Yeah, right. Ano pa nga ba aasahan ko? Wala naman siyang feelings for me.

“That woman,”

Mas lalo itong dumikit sa akin at itinuro ang isang babae na mag isang naka upo sa upuan katapat ng pang apatang lamesa.

“Is his wife.”

Mukha siyang manika. Ang hinhin ng bawat galaw niya, at ang ayos ng posture niya na para bang sumasali ng pageant.

Wait, I knew her.

Saan ko nga ba siya nakita? sa bar ba or what? nakalimutan ko na, pero nakasalamuha ko na siya.

Forging FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon