"Mag isa ka ah,"
There's so much calmness in his voice, na para bang ang casual niya sa akin. Sabi ko na nga ba, susundan niya ako hanggang dito.
"Hindi ka talaga nagpapasama kapag pumupunta ka rito?"
Para bang inaalam niya kung ano ang madalas kong gawin. I sighed, hindi ko na pinansin ang presensiya niya.
Mas nilakasan ko ang pressure ng tubig para naman maabot 'yong mga halaman na nasa malayong parte ng garden.
Thinking about why he did this, malamang may kailangan na naman siya sa akin. Perhaps it was his freedom from this not working marriage.
"Oo."
Simple answer. Hindi ko naman siguro kailangan i explain kung bakit mag isa lang ako rito palagi.
Wala akong maisip kundi 'yong ginawa niya sa akin. Gusto ko siyang sigawan, at gusto ko siyang sumbatan.
Pero paano kung malaman niya ang ginawa ko? siguradong walang kwenta ang mga sumbat ko sa kaniya.
"Ah, pero ako pwede ako rito?"
Maayos ang pagtatanong niyang 'yon pero hindi pa rin ako natutuwa. I don't know, baka kinulang pa siya sa paglayas niya at gusto pa akong paasahin.
"Iyong totoo, bakit ka pa umuwi?"
Naiinis na humarap ako sa kaniya. I never thought I can speak this way in front of him after chasing him for years.
Mukhang nagtaka rin siya sa pagkakasabi ko, pero umiwas din siya ng tingin pagkatapos. He cleared his throat.
"Simple, it's your birthday."
All these years, I am celebrating my birthday without him. Anong palabas naman niya ngayon?
"Tapos na birthday ko,"
Matagal ko siyang tinitigan bago ko iliko ang pagdidilig sa kabilang parte ng garden, nakatalikod sa kaniya.
"Pwede ka na umalis."
Hindi ko na siya nakikita kaya pinabayaan ko na lang. Sigurado akong hindi na siya makikipagtalo, dahil hindi niya ugali 'yon.
"I will live where you live."
Napapailing na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. I knew him, mayroon siyang hidden agenda. Malamang may ipapagawa 'to sa akin.
"Nakalimutan mo na yata mga sinabi mo sa akin, ah?"
Nagtagumpay akong alisin ang bitterness sa boses ko. Ayaw kong ipamukha sa kaniya na namumumbat lang ako o kung ano.
"Akala ko pa naman hindi ka na uuwi,"
Lumipat naman ako sa kabilang parte ng garden para diligan, nakaharap na ako ngayon sa kaniya at malaya ko na siyang nakikita.
"Sayang."
Kumurap kurap siya na para bang pinoproseso niya sa utak ang sinabi ko ngayon ngayon lang. I looked at the flowers behind him, admiring it's color.
"Hey, parang ayaw mo ah?"
Natatawa na siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit para siyang baliw sa mga inaakto niyang paiba iba.
"Anyway, I'm going to tell you what happened abroa-"
Mabilis kong iminuwestra ang palad ko sa harap niya, na para bang pinapatigil ko siyang magsalita.
"Save it, hindi ko kailangan 'yan."
I didn't want to hear his lies. Ayaw ko rin marinig kung ano ang gusto niyang sabihin. Mas gusto kong hindi ko na lang alam.
"Okay?"
BINABASA MO ANG
Forging Fidelity
RomanceDemir Ishmael Friàs, a man came from a wealthy and esteemed family, has managed to build a formidable reputation as a ruthless lawyer. Despite his outwardly impressive appearance, Demir is also a good man who values justice and fairness. However, h...