Chapter 9

4.1K 240 49
                                    

Chapter 9

Tila naalimpungatan si Ophelia nang makarinig ng malalakas na huni ng ibon na ikina taranta niya.

'Shit sino ang walang hiyang lumapit sa mga ibon?!'

Agad niyang ginising ang binata na natutulog sa di kalayuan sa kaniyang pinag tulugan.

"Luke kailangan na natin makaalis dito bago mahuli ang lahat!" natatarantang sabi ni Ophelia. Agad naman nagising ang binata at wala sa sariling napatayo dahil sa nakikita niyang tarantang reaksyon ni Ophelia.

"Ano ang nangyayari?"tanong ng binata sa dalaga.

Mag sasalita na sana ang dalaga ngunit may nakita siya dalawang hindi kilalang binata na tumatakbo papalapit sa kanilang dereksyon.

"Naloko na."bulong ni Ophelia sa kaniyang sarili na hindi naman nakatakas sa pandinig ni Luke.Mag tatanong pa sana ang binata ng makaramdam siya ng malakas na presenya.

"HA HA HA! Tingnan mo nga naman at marami akong makakain ngayong gabi!" parehas na kinilabutan si Ophelia at Luke sa sinabi ng isang halimaw na may hindi maipaliwanag na katawan.

Malaki ang nilalang na ito at kulay berdeng balat. May labin tatlo itong braso na nakabalibot sa kaniyang katawan. Meron din itong apat na paa.

"Hand demon."

Alam ng dalaga kung ano ang nilalang na nasa kanilang harapan. Ito ang dapat na pinaka iwasan sa loob ng kagubatan. Kahit na malaking nilalang ito ay hindi hadlang ito sa pag kabilis niya. Kamay lamang nito ang ikinikilos nito ngunit sobrang bilis naman ng kilos nito.

Tila bumalik sa reyalidad si Ophelia ng makarinig ng sigaw,

"tulungan niyo ako!" Isang babae na ang hawak nito at sinusubukan na makawala sa pag kahawak ng nilalang na iyon ngunit sadyang mas malakas ito sakaniya.

"Kahit na ano pang sigaw mo diyan ay walang tutulong sayo! Pero wag kang mag alala dahil susunod na din itong mga mahihinang nilalang." napasinghap naman ang mga taong nakasaksi ng kung paano nito kainin ang babae.

"Kailangan na natin umalis dito" hihilain na sana ni Luke ang dalaga ngunit mabilis itong umilag dahil sa paparating na kamay ng Hand Demon.

"Akala niyo ba ay makakatakas kayo? Hangal! Sa ilang taon kong namumuhay ay wala pang nakakatakas mula sakin!"

Ang mga ingay ng mga kumpulang ibon ang mag sisilbing gabay nito para malaman ng mga iba't-ibang nilalang kung nasaan ang mga tao.

Hindi alam ni Ophelia kung mag papasalamat ba siya na wala ng iba pang nilalang ang lumapit sa pwesto nila dahil kung may isa pang nilalang ay baka pumukit lang siya saglit ay patay na sila.

Nag aalalang napatingin si Luke kay Ophelia. Ayaw niya man isipin na maaring hindi nila ito matalo ngunit makikitaan mo ito na hindi biro ang lakas nito.

"I didn't take exam for this! No one even warned me!" naagaw ang pansin ni Ophelia sa isang lalaki na tumatakbong papalayo.

Hindi lang si Ophelia ang naka pansin dito maging ang demon.

Mabilis humaba ang mga kamay nito papunta sa wala sasariling lalaki.

" Bakit umaalis ka? Hindi mo ba gustong makasama ang kasama mo dito sa loob ng tyan ko? HA HA HA!"

Tila ay nanghihina si Ophelia sa kaniyang nakikita. Gusto niyang tulungan ito ngunit masyadong nanginginig na ang kamay at paa niya dahil sa takot.

'Don't wimp on. Save him, Ophelia! Save him!'

Ang pinaka ayaw sa lahat ni Ophelia ang tumunganga nalang at hayaan na mamatay ang mga tao sa harap niya ng wala siyang nagagawa.

Kahit nanghihina siya sa takot ay patakbo siyang lumapit sa halimaw na kasalakuyang ibinubuka na ang bunganga para kainin ang di kilalang lalaki.

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon