Chapter 11

4K 189 40
                                    

Chapter 11

Noong nasa kabilang mundo pa si Ophelia ay ang pinaka paboritong niyang character sa greek mythology ay si Medusa. Naawa kasi siya sa sinapit ni Medusa na satingin niya ay hindi deserve ni Medusa ang mga nangyari sakaniya.

Hindi niya inaasahan na may makakaharap siyang katulad ni Medusa. Yun nga lang ay hindi siya sigurado kung tama ba ang nasa isip niya na parehas lang silang dalawa ng naranasan.

"hmm..May kakaiba kang taglay na ganda."pinag masdan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Masyadong delikado ang iyong taglay na kagandahan. Maaring marami kang kalalakihan na maagaw ng pansin."ani nito. Nakapikit parin si Ophelia at nag iisip na ng paraan kung paano nila matatalo ang nilalang na ito.

Madali sana kung meron siya salamin ngunit hindi sila pinadala ng kahit anong gamit kaya mahihirapan sila nito.

Hindi na naramdaman ni Ophelia ang presensya nito kaya napadilat na siya at napatingin sa pwesto nito.

Papunta na ito kay Lauren na nakapit at nanginginig ang katawan dahil sa takot.

"Isa Kading magadang binibini...Base sa postura mo ay isang mabait at mahihin. Dahil diyan sa kabaitan mo ay marami ang mang uuto sayo."sabi nito. Sunod naman nito nilapitan si Luke na ngayon ay napikit na.

"Isang lalaki...Ang lalaking sunod sunudan sa isang babae. Delikado yan. Baka dumating kana sa punto na kaya mong pumatay para sakaniya." sunod naman niyang nilapitan si Hanson at napabusangot ito.

"Hindi ko gusto ang aura mo. Isa kang lalaking hindi dapat nabubuhay pa. Ang mga tulad mo ay isang arogante na dapat hindi tinutularan." ani nito. Napakunot naman ang noo ni Hanson sa sinabi nito.

Sino siya para husgahan sila na parang alam niya ang lahat?

Hindi alam ni Ophelia na may pagka manghuhula pala itong ahas na ito. Ang alam niya ay kapag tumingin ka sa mata nito ay magiging bato kana at muling hindi na babalik sa dati.

Tumalikod na ito kay Hanson at muling lumapit kay Ophelia na muling napapikit ng mapansin na papalapit ito sakaniya.

"Bakit mga nakapikit kayo? Bakit hindi niyo tingnan ang aking mukha?" may mapaglarong ani nito.

Si Luke naman ay dahan dahan siyang lumapit sa nilalang para sugurin ito. Inilabas niya ang kaniyang sandata at sinugod ito.

Sasaksakin na sana niya ito ay bigla itong humarap at gamit ang buntot nito ay hinapas nito ang kaniyang katawan.

"Luke!"

"Malakas ang loob mo iho. Akala mo ba ay tatanga tanga ako?" napatawa ito ng malakas "Sa tagal ko ng namumuhay ay alam ko na ang ganyang galawan. Hindi porke wala na sayo ang atensyon ko ay ibigsabihin non ay mauutakan mo ako?"

Ophelia summoned her scythe and attack the demon snake.

"rota ignis!"

Maging si Hanson at Lauren ay sumugot na din dito. Iniiwasan nilang mapatingin sa mata ng nilalang kahit na hindi pa nila alam kung ano ang posibilidad na mangyari sakanila kapag mapatingin sila sa mga mata nito.

Nahirapan silang makalaban ito dahil sa sobrang bilis nitong kilos. Onting pag kakamali lang nila ay maari silang mamatay.

"You can't look her in his eyes because once you make eye contact to her you will be stone like other people in here!" Ophelia said.

Doon mas naging maingat sila Luke ng marinig ang sinabi ng dalaga. Doon na nila na pag tanto kung bakit maraming mga statue dito.

" Hindi ko alam na may tao rin palang may alam patungkol sa kakayahan ko. Kung subukan nga natin para malaman natin na totoo itong mga sinasabi mo." Nakangising ani nito.

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon