Chapter 24

3.9K 205 103
                                    

Chapter 24

Napahiga nalamang sa pagod si Ophelia dahil sa pinagawa sakanila ng kanilang guro.

Masyado na niya atang nagamit ang abilidad niya kaya't sobrang na ang pagod siya.

She never released her ability like that before. Parang inubos na niya lahat ng abilidad niya dahil sa pinagawa sakanila ng kanilang guro.

" Tumayo ka diyan Ophelia. Madumi yang hinihigaan mo." sabi ni Arnold kay Ophelia. Hindi naman pinansin ni Ophelia si Arnold bagkos ay pumikit nalamang ito.

" Tumayo kana diyan dahil tayo nalang yung nandito sa filed." sabi ni Arnold.

" Last subject na din naman natin kaya ayos lang na manatili dito kahit saglit lang." sabi ni Ophelia.

" Baka kasi hinihintay kana ng kuya mo."

Isang linggo ng nakakalipas simula ng may mangyari kay Arnold. Masasabi niyang naging close na din naman sila ng binata. Maging si Ludwig ay naging kaibigan na din niya dahil sumasabay na din itong makikain sakanila.

Si Owen naman ay naging close na din niya. Malaya na nga itong nakakapasok sa kanilang dorm kahit na lalaki pa ito. Ang sabi kasi ay ayos lang naman daw iyon dahil kapatid naman ang pinupuntahan ni Owen.

Si Hansen naman ay lagi na din naka buntot sakaniya. Nag kakahiwalay na lamang sila kapag may subject sila na hindi mag ka-klase o dikaya naman kapag pupunta sa kani-kanilang dorm.

Si Luke naman ay napansin niya na parang umiiwas na ito sakaniya. Oo nga't lagi niya itong nakakasama ngunit kapag kinakausap niya ito ay bumalik nanaman ito sa pagiging pormal.

" Ophelia." napadilat naman si Ophelia ng kaniyang mga mata at napatingin sa dereksyon kung saan may tumawag sakaniya.

It's Owen

" I was worried about you because all of your classmates already left while you still not showing up. I thought something bad had happened to you." Owen said.

Mula sa pagkakahiga ay napaupo si Ophelia at tiningnan sa mga mata si Owen na mababakas mo ang pag aalala sa mukha nito.

" Napagod lang ako sa pag gamit ng abilidad. "sabi ni Ophelia.

Napatingin si Owen sa kamay nito na namumula na dahil sa pag gamit ng abilidad ni Ophelia. Napansin naman ni Ophelia kung saan nakatingin ang kaniyang kapatid.

Inangat niya ang kaniyang kamay at napangiwi ng maramdaman ang sakit nito.

" Masyado mong ginamit yung abilidad mo. Sa susunod ay limitahin mong gamitin yung abilidad mo. Baka sa susunod ay hindi na kakayanin ng katawan mo." napatango-tango nalamang si Ophelia.

Sa tingin ni Ophelia ay ang mismong nag mamay ari ng katawan na ginagamit niya ay nanghihina na.

Ibang-iba ang lakas nung una niyang dating sa mundong ito. Hindi niya alam kung bakit simula ng maka punta siya sa paaralan na ito ay hindi naganoon kasigla ang katawan niya.

" Dadalhin na kita sa clinic." bubuhatin sana siya ni Owen ngunit agad siyang umiling.

" Hindi na. Kaya ko naman tumayo mag isa." sabi ni Ophelia at tumayo na.

Sa totoo lang ay nag aalala na si Ophelia dahil baka ang panghihina ng kaniyang katawan ang kapalit ng pagbabago ng istorya ng nobela.

Si Arnold naman ay tahimik niya lang pinag mamasdan ang dalawang mag kapatid. Nauna ang mga ito nag lakad kaya't malaya niyang pinag masdan ang likod ng dalaga.

Hindi niya inaasahan na magiging kaibigan niya ang dalaga. Hindi niya din inaasahan na magiging kilalang-kilala na niya ang dalaga.

Napalingon naman si Owen mula sakanilang likod at nahuli ang binatang kaibigan ng kaniyang kapatid na nakatingin sa kaniyang kapatid.

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon