Chapter 29

3K 171 50
                                    

Chapter 29

" Hinihintay ka ng jowa mo sa labas."

Napatigil sa pagtingin ng palaka si Claire dahil sa sinabi ng kaniyang ka-klase.

"Wala akong jowa."sabi ni Claire.

"Sus!Pa-showbies pa. Dali na lumabas kana at naghihintay na siya doon." napailing nalamang si Claire sa sinabi ng kaniyang blockmate.

Tinanggal ni Claire ang gloves niya at lumabas ng lab para tingnan kung sino ang naghahanap sakaniya.

" Bagay talaga sayo yang lab coat niyo. Mukha kang magandang Doctor na nag papatibok ng puso ko." napairap naman si Claire sa sinabi ni William.

" Ano bang pakay mo at nanggugulo ka nanaman?"

"Ito naman. Napadaan lang naman ako."mas lalong napataas ang isang kilay ni Claire sa sinabi ng binata.

" Napadaan? Ang layo-layo ng building niyo saamin. Sino pinag loloko mo,William?" napakamot ng batok si William dahil sa sinabi ng dalaga.

" Hindi ba sinabi ko saiyo na wag ka lagi mag taray? Dapat smile ka lang kahit hindi mo gusto yung tao. Sige ka. Matatakot sayo yung pasyente." napairap nalamang si Claire.

" Ano ba talaga sadya mo dito? "tanong ni Claire.

" Wala nga lang. Wala kasi akong klase kaya pumunta na ako dito sainyo since wala naman akong magawa."sabi nito.

" Nandito kalang ata para mambwisit e. "

"Parang ganoon na nga." natatawang sabi ni William.

Sa mga sumunod din na araw lagi pumupunta si William sa kanilang building. Sinisigurado din nito na kumakain siya sa tamang oras. Tinutukso nga din sila ng mga ka-blockmate niya dahil todo bakod daw ito sakaniya.

May mga sumusubok din sakaniya manligaw ngunit dahil kay William ay hindi natutuloy. Ayos lang naman iyon kay Claire dahil wala pa talaga sakaniya ang makipag relasyon. Dagdag sakit lang ng ulo iyon sakaniya.

Sumasakit na nga ang ulo niya sa pag-aaral ay dadagdagan niya pa ito.

" Congrats! Nasa dean's lister ka daw ah." nahihiyang napangiti naman si Claire.

" Naka lusot lang ako." sabi ni Claire. Ginulo ni William ang buhok niya kaya naman ay sinamaan niya ito ng tingin.

" Ang galing naman. Umabot ng tatlong taon yang pagkalusot mo sa dean's lister. Sino pinag loloko mo?" sarkasitikong sabi nito.

" Bahala ka nga diyan." naglakad na si Claire. Si William naman ay hinabol niya ang dalaga at inakbayan ito.

" Maaganda na nga at sexy tapos matalino pa! Ang swerte ko naman kapag sinagot na ako ng nililigawan ko." namula naman si Claire sa sinabi ng binata.

Isa din sa rason na todo bakod sa kaniyang ang binata ay dahil nililigawan siya nito. Isang taon na siya nito nililigawan. Plano na ni Claire sagutin ito. Alam niya na kinain niya lahat ng sinabi na hindi muna siya magnonobyo hanggat nag aaral pa siya. Nahulog na kasi siya kay William. Sa tatlong taon na pagkakakilala niya sa binata ay lubusan niya na ito nakilala. Nandoon ang binata sa mga panahon na iniiyakan niya ang mga subject niya.

" William.."

Napatingin sakaniya ang bianata.

" Hmm?"

" Kailan mo ulit ako tatanungin.." napakunot ang noo ng binata at nagtatakang tiningnan siya.

" Tatanungin ng alin?" nagtatakang tanong ng binata. Tiningnan niya lamang sa mata ang binata at bahagyang ngumiti.

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon