Chapter 10

4.2K 211 50
                                    

Chapter 10

Sa Arena ay malakas ang hiyawan ng masaksihang tuluyan ng nawala sa mundong ito ang demonyong namumuhay ng ilang daang taon.

Napayakap naman ang reyna sa kaniyang asawa dahil nakangiha ito ng kahit papano ng maluwag. Ngunit nag aalala parin ito sa kalagayan ng kaniyang anak.

"Hindi ko alam na ganoon na pala kalakas ang unica iha natin." ani ng hari.

Si Owen naman ay napapatulala lang dahil inaasahan niyang hindi niya na muling makikita ang kaniyang kapatid.

"Salamat nalamang at ligtas na sila mula sa nilala na iyon." binigyan naman ng pekeng ngiti ng hari ang reyna. Hindi pa sila sigurado kung ligtas na ba talaga ang anak nila lalo pa't hindi pa tapos ang pag susulit nila.

Tuluyan na nga nila natalo ang nilalang na iyon ngunit maari din na may makasalubong sila na malalakas na nilalang.

Kahit pa na mag kakasama na ang apat ay hindi parin sila sigurado kung sapat na ba ang lakas nila.

Sa isip-isip ng binatang si Owen ay mukhang naayon sa plano ni Ophelia ang mag papansin sa prinesepeng si Hanson. Hindi na siya magulat pa na gagawa at gagawa ng paraan itong si Ophelia mag papansin sa prinsepe kahit pa na ang buhay nito ay alanganin.

Hindi talaga tunay na kapatid ang turing ni Owen sa kapatid niyang si Ophelia. Simula kasi nung may nagawa itong hindi maganda ay naiinis na siya sa kapatid niya.

Noong bata kasi sila ay may nagawang katarantaduhan si Ophelia kaya nadadamay siya lagi. Pinag tatawanan nga din siya ng mga kalaro ng dahil kay Ophelia.

Naalala niya din na wala itong awang pinatay ang alagang niyang hayop dahil lang sa nag kasugat si Prince Hanson dahil sa alaga niya. Maliit lang ang natamong sugat ng Prinsepe pero hindi iyon pinalampas ni Ophelia.

Kapag naiisip niya palang ang ginawa ng dalaga ay nag iinit na ang dugo niya. Kaya nga kahit pa na tila bumait 'kuno' ang dalaga ay hinding hindi siya maniniwala. Ipininganak ng demonyong pag uugali ang dalaga kaya hinding hindi na iyon mababago pa.

Sa tingin ba ng dalaga ay mauuto na niya ang lahat? Nag kakamali siya dahil hinding hindi siya mag papalinlang sa larong ginagawa ng dalaga.

'Kapag mapa upo na ako bilang hari ay papatalsikin ko siya sa magiging kaharian ko.'

GUSTO man matulog ni Luke ay hindi niya magawa dahil nadala na siya ng natulog sila.

Baka kasi kapag matulog siya ng kahit na ilang saglit lang ay baka may mangyari ng hindi maganda.

Hapon na ng makaramdam sila ng gutom kaya nag insist na si Luke na siya na ang hahanap ng makakain nila. Sinang ayunan naman siya ng dalagang si Lauren. Si Prince Hanson tahimik lang.

Umalis na si Luke at sakto naman ang pagka gising ng dalagang si Ophelia.

"Ophelia!"

Pinalibot nito ang paningin at tila nag tataka kung nasaan siyang lugar. Napatingin naman siya kay Lauren na mukhang tuwang tuwa na sa wakas ay nagising na ito. Doon nalamang niya natandaan na nasa pag susulit sila ngayon at may pinatay siyang demon.

"matagal ba akong nakatulog?" tanong niya sa dalaga.

"Hindi naman masyado. Hapon na ngayon at nangyari yung pag laban niyo sa nilalang nung madaling araw." napatango tango naman si Ophelia sa sinabi ng dalaga.

Masakit parin ang katawan ni Ophelia pero kaya panaman niyang mag lakbay para tapusin ang pagauaulit na ito.

Muli siyang napalibot ng tingin at napansin na hindi nila kasama ang kaniyang butler na si Luke.

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon